May bago akong cellphone! Xmas gift ni sisterette. Samsung Galaxy Y. Shala! Well, pinakamurang android phone daw siya. Smart choice na rin, kesa bumili ng mahal, di naman mama-maximize ang paggamit.
Anyway, kakaaliw siyang kalikutin. Sarap mag-wifi. Kaya nga nawiwili akong tumambay sa SM para mag-internet. Free wifi e.
Sa pagsi-search ko ng mga apps, I stumbled upon an ebook downloader called Wattpad. Isa siyang community ng mga kwentista. Maraming mga unpublished stories ang pwedeng mabasa dito na ang mga nagsusulat ay members.
Kahit sino pwedeng magsulat, bata man o matanda, experienced man o neophyte. Kahit anong genre pwede ring sulatin, kanya-kanyang trip. At higit sa lahat, mababasa ka agad ng mga tao, at pwede silang mag-like at mag-comment agad-agad. Instant gratification.
Walang gagastusin para sa publishing. Wala ring editor at boss na magbibigay ng deadline. Basta bahala kang mag-proofread ng gawa mo. Ikaw rin bahala sa deadline. Well, depende sa demand ng readers. Kung gusto mo silang i-suspense na parang teleserye, pwedeng chop-chopin by chapters, bahala ka.
Nakakaengganyo. Binabasa ko yung iba. Nakaka-inspire. Nai-inspire akong magsulat uli. Parang nabuhay uli yung writer within me.
Yun nga lang, walang bayad. Di pwedeng pagkakitaan. Pang-hobby lang siya. Well, ayos lang. Tingin ko, di man siya nakaka-satisfy financially, mafu-fulfill naman niya yung desire ko to write. Again.
No comments:
Post a Comment