Thursday, October 18, 2012
The Tesda Experience: Filthy
Part 2:
Ako na yata ang pinakamatanda sa klase. Pero meron namang may mga anak na. Siguro kasing edad ko sila. Sana naman. Di ko lang din sure, di pa 'ko masyadong nakikipag-usap kaya di pa 'ko nakakapagtanong. Unlike nung college, enrolment pa lang may nakangitian na 'ko, na eventually naging kaibigan ko, na hanggang ngayon, kahit di na kami nagkikita, kaibigan ko pa rin. Sign ba 'to ng pagtanda, ang di na gaanong friendly at ready to smile to strangers? E meron nga akong kakilala dun na di ko man lang nginitian nung first day dahil nag-alangan ako. Kaklase siya ng kapatid ko nung highschool. Imagine, meron kaming something in common tapos di ko pa yun tinake advantage para di ako mapanisan ng laway. I think, being a hermit for 3 years was bad for me. Nawala ang social skills ko. Tsk! I have to jumpstart my life. Hopefully, this is the way.
Anyway, sa FB ko nalaman ang Tesda training na 'to. Nasa Friends List ko kasi yung barangay. Sakto nag-alert. Nagkainteres ako. Wala naman akong ginagawa e. Okay rin na may bagong matutunan. FBS ang first choice ko. Akala ko kasi may cooking involved. Baka pagkakataon ko na matuto magluto ng libre. Sa culinary school naman kasi ke mamahal. E favorite ko pa naman manood ng mga cooking contests/shows. Kaso nga, wala palang cooking dun, pagwe-waiter nga siya, so table settings ang pag-aaralan. E hate ko yun nung elementary, sa HELE/THE, yung mga napkin-folding. Tapos ituturo raw dun yung iba-ibang klase ng wares. Okay sana, as far as it's concerned. Inisip ko rin, baka kasama sa pag-aaralan yung bartending. Konti raw, sabi ni Sir Ed. Kaso di raw talaga dun nakasentro ang FBS training. Disappointed.
So konti nga ang nagpa-register dun kaya na-dissolve ang class. Next time na lang daw pag marami nang nag-enrol. Sana. Gusto ko pa rin matutunan yun. Tamang-tama kung gusto kong mag-change career --- new knowledge.
First time ko maglinis ng CR. Buti na lang di ako ang una. Yung una kasi, totohanang paglilinis ang gagawin. Panlima ako. Yey! So habang nire-recite ang procedure, dine-demo yung paglilinis. Sa bahay di ko yun ginagawa tapos sa barangay hall?! Eww-ness! Habang nagsu-pseudo linis ako, nasa isip ko, sana FBS na lang, sana FBS na lang!
Sa Sunday na yung Tesda assessment namin for Housekeeping NC II. Sa Calamba gagawin, siguro kasi dun naka-base yung training center namin. Aga nga ng kitaan e, 4am. 7am kasi ang start. Buti na lang may service kami to and fro.
Kailangan mag-review.
--- Eden Kabisote.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment