Wednesday, December 19, 2007

Panagbenga Festival: Hindi Namin Napanood

23-25 Feb 2007
Baguio City
Hindi namin napanood ang festival kakatulog, tsk, tsk, tsk!
TAM-AWAN SIEGE
serious o kwela?
fertility goddess: nyak! ayoko pa mabuntis!
sex goddess: me / mastah rappah: mariel

poor imitation of an 80's teen flick
sadako
pictorial ng isang horror flick?
meteor garden: lesbian edition (hahaha!)
yesss!
kawawang... kalabaw (hindi cowboy)
syempre ang cute ni papa artist diyan na hindi ko na maalala ang
pangalan pero naaamoy ko pa na mabaho 'yon (hihihi!)
SESSION ROAD WALKATHON
walang sasakyan dahil sa parade
GHOST-HUNTING SA ISANG ABANDONED BUILDING
icban crib
street parteh!
WAITING FOR THE BUS

LAST-MINUTE FLOAT
(humabol si Victory Liner Float!)
STOPOVER
(epekto ng pagod, puyat at gutom)

Monday, December 17, 2007

Mga Anino Sa Baguio

January 12-15 2007
Ambuklaw Road, Summer Capital
MISS KO NA ANG BAGUIO!!!
BIYAHILO
GO SA BOTANICAL GARDEN
Tae Baek?!
(tigang?!)
MAG-MINES VIEW NAMAN
TAM-AWAN TRIPPIN'
matibay ang mga kawayan
(bawal mag-yosi kapag hinihingal, sabi ng nurse!)
stop and smell the flowers---tsaka hinihingal na rin ako e
HAPPY BIRTHDAY, KIM (JAN 13)
BREAKFAST OVERLOOKING
i love this improvised sala/dining set---henyo!
HINDI NAMIN BAHAY

Gusto mo pa?

Wednesday, December 12, 2007

The Ultimate Wishlist of All Time

Pantanggal ginaw.
Isang boyfriend.
Yun lang.

Tangina, siyet! I'm so ngarag!

(ANG MUKHA NG KANGARAGAN)
Konting tulog, puro yosi, email lang ang pahinga---tangina, ang hirap magtrabaho!
Hindi ako makaligo, mapapasma ako. Nakukuba na 'ko sa harap ng computer.
Walang OT pay---siyet, hindi pa 'ko nakakakubra!
Gusto kong lumabas, gusto kong mag-mall.
New find: Landmark sa Trinoma, mas mura sa SM dept store. Siyet, I'm so excited!
Gusto kong uminom, gusto kong maglasing, gusto kong gumimik. Wala naman akong kasama.
Gusto ko nang matulog, kaso bawal. Deadline ko na bukas, day 2 pa lang ako!
Toxic pa ng boss, padagdag ng padagdag, bawal naman humindi.

Gusto ko ng yakap, 'yung may malisya.
Gusto ko ng sex kahit hindi ko pa nata-try.
Gusto ko ng bagong damit.
Gusto ko ng bagong gadget.
Gusto ko ng bagong cellphone.
Pampalubag-loob.

Mas gusto ko ng pera---marami lang, wag maraming-marami.
Mas gusto ko ng reunion with my college classmates---kokonti ang interesado.
Mas gusto ko ng konting stress.
Mas gusto ko ng happiness.

Ayoko pang magtrabaho.
Ayokong mawalan ng trabaho.
Ayokong isipin na ang trabaho ay trabaho.
Ayoko ng matrabaho.

Sana matapos na ang trabaho, para iba naman.
Sana matapos na ang stress, imposible naman.
Sana magka-jowa na 'ko, ni manliligaw wala naman.
Kahit date na lang, kaso time wala naman.

Ayoko naman ng puro gusto.
Gusto ko naman meron ding ayaw.
Naman.

Saturday, December 8, 2007

Updates.1

Yey! Sumagot na rin sina Flor at Stephen, interesado rin sila sa reunion! Sabi ni Stephen, sana daw may malupit na organizer. Sabi ko, sana malupit ako para ako na lang mag-organize, hehehe! Sino bang pwedeng mag-organize?!!!

Sana sumagot na rin sina Bern, Grace at She. Hoy, mga bruha, kahit moral support lang---to keep the fire burning.

10 na kaming interesado. Yung iba kaya?

* * *
2pm-5pm---sa pagitan ng mga oras na yan lang nakapagpahinga ang utak ko at nakatulog. Mula pa kahapon, wala pa 'kong tigil sa pagsusulat.
Blog at email---ang pahinga ko lang ay ito, kapag naisesend na ni Galo ang treatment ng bawat day ng week 14.
Txt ni Direk Jerome---nagandahan daw siya sa days 1-2 ng week 14. But wait... may comment na agad siya. Wag na raw gumawa ng ibang set dahil may naiisip na sila para sa isang eksena. E malay ko ba, di ba? Pwede namang palitan ang pangalan ng location, bakit parang nanggagalaiti at nagtataray? O baka naman na-misunderstood ko lang ang txt... baka hindi naman siya nagtataray. Ewan ko---anlupet mo! (ikaw kaya mag-organize ng reunion?) Ang simple-simple, pinoproblema. Pwede namang sabihin na lang na kung pwede palitan ang location dahil may plano na siya. Ba't kailangan pang pumunta sa Binondo, kung pwede namang i-press na lang ang DEL key sa keyboard?
Isyu?!

Friday, December 7, 2007

Reunion

Grabe! Ang effort pala mag-organize ng reunion. Nakikita ko sila Kym na nagmi-meeting about their reunion, parang hindi naman mahirap. Ang mahirap pala talaga ay ang magsimula. Imagine, inisa-isa ko ang pagse-send ng message na 'to sa friendster:

Mga Ate at Kuya, trip n'yo bang mag-reunion? Wala lang, for
fun. Matagal-tagal na ri tayong hindi nagkikita-kita. As in buong batch
ha.
Kelan ba tayo huling nagkita-kita lahat---2002? Grabe, 5 years na,
going
on 6. Kelan n'yo ba trip mag-reunion---after 10 yrs pa? Sige na! Ano
po? Waiting for all your reactions! Pls pass.

Buti na lang, may sumasagot sa message ko at okay daw sila. Thank you kina:

  1. Aprillette
  2. Weng
  3. Mic
  4. Rosario
  5. Lei
  6. Cot
  7. Adeli

Sila pa lang. Sana dumami pa sila. Sabi nga ni Ma’am Angie (Borican), invite naman daw siya pag natuloy. Sure!

Sana matuloy.

Revise, revise, revise

Kahapon inumaga na ‘ko sa office. Pano, gusto nila, mag-revise na ’ko right then and there, bawal umuwi. Kainis talaga. Pahamak ang laptop. Kung hindi nila alam na may laptop na kami ni Nix, hindi nila kami maaabuso ng ganito. Syempre, pag dala lagi ang laptop, anywhere, any moment, pwede ka magtrabaho. Sinong may sabing pwedeng umuwi. Kaya ayun, after ng meeting, sa prod ako nagsulat. Wala kasi akong dalang laptop that time at iiwan naman ako ni Nix dahil magre-revise siya ng Palos.

So, lonely ako habang naglalakad papuntang prod. Sa computer ni Darnel ako nag-revise ng Week 13. For taping na kasi kinabukasan ‘yung ibang mga eksena. Buti na lang, na-sight ko si Papa Bryan. Akala ko nag-resign na siya kasi balita ko pinagre-resign na siya ng family niya dahil injured siya, not so sure kung sa binti. Pano ba naman, hindi ko na siya nakikita sa prod. As if lagi naman ako sa office.

So, ’yun na nga, naroon si Bryan sa cubicle nila. Sabi ni Darnel, ”Bryan, is this goodbye?” Sa isip-isip ko, ”What?! Totoo ngang magre-resign na siya? Ano ba naman ’yan, hindi man lang kami naging friends! Chos!”

Revise, revise, revise.

Hindi ako nakatiis. Nung kami na lang dalawa ni Darnel sa cubicle, nagtanong na talaga ’ko. Shy-type, ”magre-resign na si Bryan?” Sagot, ”Hindi. Magpapa-therapy siya for one month. May hip injury kasi siya mula pa nung bata siya. Pagbalik niya, tapos na ang show.” Aahh... Aayy... Masayang malungkot.

Ang nakakakilig sa lahat, alam pala ni Papa Bryan ang pangalan ko! Tinawag niya ako para tanungin kung nasaan si Darnel. Ang tawag niya sa ’kin ay Ee-den, as in cheese. Ok lang, at least alam niyang nage-exist ako.

Txt message: Darnel, may gf na ba si Bryan?
Reply: Wala pero ang alam ko, pinopormahan niya ’yung trainee sa Maging.

Aayy... Pakshet.