Thursday, October 18, 2012

The Tesda Experience: Filthy

Part 2:  Ako na yata ang pinakamatanda sa klase.  Pero meron namang may mga anak na.  Siguro kasing edad ko sila.  Sana naman.  Di ko lang din sure, di pa 'ko masyadong nakikipag-usap kaya di pa 'ko nakakapagtanong.  Unlike nung college, enrolment pa lang may nakangitian na 'ko, na eventually naging kaibigan ko, na hanggang ngayon, kahit di na kami nagkikita, kaibigan ko pa rin.  Sign ba 'to ng pagtanda, ang di na gaanong friendly at ready to smile to strangers?  E meron nga akong kakilala dun na di ko man lang nginitian nung first day dahil nag-alangan ako.  Kaklase siya ng kapatid ko nung highschool.  Imagine, meron kaming something in common tapos di ko pa yun tinake advantage para di ako mapanisan ng laway.  I think, being a hermit for 3 years was bad for me.  Nawala ang social skills ko.  Tsk!  I have to jumpstart my life.  Hopefully, this is the way. Anyway, sa FB ko nalaman ang Tesda training na 'to.  Nasa Friends List ko kasi yung barangay.  Sakto nag-alert.  Nagkainteres ako.  Wala naman akong ginagawa e.  Okay rin na may bagong matutunan.  FBS ang first choice ko.  Akala ko kasi may cooking involved.  Baka pagkakataon ko na matuto magluto ng libre.  Sa culinary school naman kasi ke mamahal.  E favorite ko pa naman manood ng mga cooking contests/shows.  Kaso nga, wala palang cooking dun, pagwe-waiter nga siya, so table settings ang pag-aaralan.  E hate ko yun nung elementary, sa HELE/THE, yung mga napkin-folding.  Tapos ituturo raw dun yung iba-ibang klase ng wares.  Okay sana, as far as it's concerned.  Inisip ko rin, baka kasama sa pag-aaralan yung bartending.  Konti raw, sabi ni Sir Ed.  Kaso di raw talaga dun nakasentro ang FBS training.  Disappointed. So konti nga ang nagpa-register dun kaya na-dissolve ang class.  Next time na lang daw pag marami nang nag-enrol.  Sana.  Gusto ko pa rin matutunan yun.  Tamang-tama kung gusto kong mag-change career --- new knowledge. First time ko maglinis ng CR.  Buti na lang di ako ang una.  Yung una kasi, totohanang paglilinis ang gagawin.  Panlima ako.  Yey!  So habang nire-recite ang procedure, dine-demo yung paglilinis.  Sa bahay di ko yun ginagawa tapos sa barangay hall?!  Eww-ness!  Habang nagsu-pseudo linis ako, nasa isip ko, sana FBS na lang, sana FBS na lang! Sa Sunday na yung Tesda assessment namin for Housekeeping NC II.  Sa Calamba gagawin, siguro kasi dun naka-base yung training center namin.  Aga nga ng kitaan e, 4am.  7am kasi ang start.  Buti na lang may service kami to and fro. Kailangan mag-review. --- Eden Kabisote.

Panaginip

Napanaginipan ko may nakikipag-flirt sa 'kin habang kasama ko si Mama.1   Tapos umalis ako sandali.2   Pagbalik ko nakita ko tinitignan ng guy ang address ko sa bill ng tubig na nalaglag ko. Nagalit ako kay Mama kasi hinayaan niyang makita nung guy yung address namin.3   Ba't daw ba 'ko nagagalit. Kako okay lang manlandi, wag lang manligaw.4   Sabi niya, "pano ka mag-aasawa niyan e si Ninin gusto niya mauna ka." Tanong ko, "bakit, may boyfriend na ba siya?" Oo raw, taga-Bicol.5   E di mauna na sila kako. E gusto raw ni Ninin tama ang gawin.6   Sino yung boyfriend kako, nakilala na ba niya, anong pangalan. Walang sinabing name.7   Tapos kinwento niya na na-overeat sila Ninin at boyfriend.8   Nagkukwento si Mama habang sikreto akong naiyak kasi may boyfriend na si Ninin, ako wala pa rin, at gusto na nila magpakasal pero hinihintay lang nila akong mauna. Naiyak ako sa pressure. Tapos bigla akong nagising. WTF?! Parang masamang panaginip na bigla na lang napapamulat. Ano yun, may ibig sabihin kaya yun? Past, present o future self ko kaya ang panaginip na yun? O fears?! Bakit, natatakot ba 'ko mag-asawa? Natatakot ba 'ko sa commitment? Weird dream. ---------- Footnotes: 1 Nakaupo kami somewhere habang nakikinig ng mass (supermarket yata yun na nagma-mass muna bago magbukas). Yung guy katabi ko. Bata, parang estudyante (naka-uniform e, pero di ko alam yung logo, basta red/yellow). May kasama siyang barkada na nakikipagharutan din sa 'kin (habang nagsisimba, tsk-tsk!) 2 Para tignan kung nasaan si Papa dahil sabi ni Mama may lagnat daw. Tumayo lang ako at naglakad ng ilang steps kasi nasa harapan ko na bigla ang sala at computer kung saan lagi siyang naggi-games. Wala siya dun, naisip ko baka lumabas nagyosi. 3 Nag-iba na yung setting. Nasa kusina na kami ng dating bahay, yung bago pa ma-renovate. 4 San galing yun? Wala naman akong ganong philosophy sa buhay. Subconsciously kaya? 5 Sino kaya 'yon?! 6 That is, mauuna mag-asawa ang panganay o nakatatanda. 7 In-assume kong nakalimutan niya, senior moment. 8 Kakakain lang daw nila ng kimchi tapos nagdala yung officemate nila ng afritada, kumain uli sila.

Friday, September 14, 2012

Tesda 1-2, 1-2, Tesda 1-2!

Part 1:  Making Up The Bathroom Unang main lesson sa Housekeeping NC 2 ang paglilinis ng banyo.  Eeww!  Ni hindi ko 'to ginagawa sa bahay.  Bukas ia-apply ang kinabisado naming step-by-step procedure ng tamang paglilinis ng banyo sa guestrooms ng commercial lodging establishments.  Akalain mong may tamang pagkakasunud-sunod palang mahigpit na sinusunod ang mga housekeeper?!  Akalain mong baka linisin namin ang kubeta ng barangay hall kung saan kami nagkaklase?!  Ba't ba 'ko napasok dito?! First choice ko sana ang Food and Beverage Service (FBS), isa sa dalawang courses na ino-offer ng Tesda dito sa barangay namin.  Kaso, since konti ang nag-sign up, na-dissolve ang klase, kaya lumipat ako ng Housekeeping.  Sabagay, ang ibig sabihin pala ng FBS ay waitering.  E pasmado pa naman ako, baka makabasag ako ng pinggan!  Kaya ayos lang din na lumipat ng course, libre naman e.  As if rin naman may choice. Kaso naman!  Kubeta as first lesson?!  How encouraging! Recitation:  I hate, a lot, hated the quiver in my voice during public speaking Index-card-shuffling:  Makes my crossed fingers white, but I think it works, I was, like, 5th to the last called Memorization:  Realized I could do it in an hour, kaso may isa akong sablay, nakalimutan ko i-flush ang toilet after i-clean ang inner part ng bowl bago mag-proceed sa cleaning the seat, cover and tank Question-and-answer portion:  Avoid eye contact with the trainer, who is, by the way, just 23 years old Sir Ed:  The trainer, not cute *disappointed* Classmates:  18-20+ y/o, wala man lang cute *inis*

Thursday, January 19, 2012

Android at Wattpad

May bago akong cellphone! Xmas gift ni sisterette. Samsung Galaxy Y. Shala! Well, pinakamurang android phone daw siya. Smart choice na rin, kesa bumili ng mahal, di naman mama-maximize ang paggamit.

Anyway, kakaaliw siyang kalikutin. Sarap mag-wifi. Kaya nga nawiwili akong tumambay sa SM para mag-internet. Free wifi e.

Sa pagsi-search ko ng mga apps, I stumbled upon an ebook downloader called Wattpad. Isa siyang community ng mga kwentista. Maraming mga unpublished stories ang pwedeng mabasa dito na ang mga nagsusulat ay members.

Kahit sino pwedeng magsulat, bata man o matanda, experienced man o neophyte. Kahit anong genre pwede ring sulatin, kanya-kanyang trip. At higit sa lahat, mababasa ka agad ng mga tao, at pwede silang mag-like at mag-comment agad-agad. Instant gratification.

Walang gagastusin para sa publishing. Wala ring editor at boss na magbibigay ng deadline. Basta bahala kang mag-proofread ng gawa mo. Ikaw rin bahala sa deadline. Well, depende sa demand ng readers. Kung gusto mo silang i-suspense na parang teleserye, pwedeng chop-chopin by chapters, bahala ka.

Nakakaengganyo. Binabasa ko yung iba. Nakaka-inspire. Nai-inspire akong magsulat uli. Parang nabuhay uli yung writer within me.

Yun nga lang, walang bayad. Di pwedeng pagkakitaan. Pang-hobby lang siya. Well, ayos lang. Tingin ko, di man siya nakaka-satisfy financially, mafu-fulfill naman niya yung desire ko to write. Again.

Thursday, January 12, 2012

Children's Party Times Two

Birthday ng inaanak kong si Shey sa Friday, 13. First birthday party niya sa Sabado sa Shakey's SM Manila. Invited ang mga college friends namin ng nanay niya. Mga friends na may bibitbiting chikiting. Hay...

Ka-birthday ni Shey si Kim, my friend since 9 years old. May surprise house party na niluluto ang family niya para sa kanya sa Friday. Invited ang mga college friends niya na naging friends ko na rin. Ako lang yata ang kababata niya dun.

Yung isa, magsisimula pa lang, yung isa naman, malapit na sa gitna ng buhay. One at 31 years old.

Pareho silang walang kaalam-alam sa mangyayaring party.

Ako, nakikinita ko na ang mga usapang magaganap.

Comparative conversation prediction:

Party 1:

Friends: "Ikaw, kailan ka naman magbibitbit ng chikiting?"

Ako: "Hehe..." *magpapaka-polite*

Party 2:

Ako: "Kailan kaya tayo magkaka-chikiting?"

Friends: "Hehe..." *hoping din*

Di namin gaanong napapag-usapan ni Kim ang pagkakaroon ng anak, pero may paminsan-minsan na rin kaming conversations about it. Di naman gaanong concern yung pagpapamilya. Ang mas napapag-usapan ay kung paanong proseso kami makakarating doon. AKA lovelife.

Halos lahat ng kaibigan ko sa college, may asawa't anak na. Ako na lang ang single. Ako na lang ang di pa maayos ang buhay. Literally. Walang work, walang plans. Walang long-term, kahit short-term goals. See, literal, di ba?

Madalas kong ihinga kay Kim 'tong pangambang 'to. Yung ako na lang ang natitira sa barkada ko. Lagi naman niyang pinapalubag ang loob ko, kasi sila ng mga friends niya single pa rin naman. Di daw ako nag-iisa.

Buti naman.

Siguro, kung ako na nga lang talaga, di ko alam kung anong damage control ang gagawin ko sa self-esteem ko.

Pero sa totoo lang, sila Kim, di sila totally single. Yung isa, may long-term relationship. Kasal na lang ang hinihintay, I think. Yung isa naman, may kakiligan sa chat. Nag-EB na nga sila nung umuwi dito yung guy. Si Kim naman, may hinihintay din sa ibang bansa. At may history na sila.

E ako? Wala. Walang kakiligan, walang hinihintay, walang someone to look forward to. Wala! Wala lang. Haaay...

Yung mga friends ko, next chapter na ng life ang inaasikaso. Family and parenting na sila. Ako, di ko pa rin matapos-tapos ang single and still searching chapter ng life na ito.

Word war within me:

Reasonable Me: Puro ka reklamo. Ba't di mo kaya i-try umaksyon?

Me: Easier said than done. Iniisip ko pa lang, nalilito na 'ko. Di ko alam kung pano magsisimula. Sige nga, ikaw nga, ano ang first step?

Reasonable Me: Di ka pa nga gumagalaw, sumusuko ka na. Try mo kayang wag matakot, for a change?

Me: Haaay...

Parehong walang kaalam-alam sina Shey at Kim sa mangyayari. Sa party. At sa buhay.

Lalo naman ako.

Wednesday, September 1, 2010

update 2: tin at caloy

Di kami natuloy magkita nina Tin at Caloy sa Tagaytay ngayong weekend kasi maulan. Thankfully, actually. Di ko kasi trip bumyahe mag-isa, tapos maulan pa, tapos di na gaanong malaki ang funds ko. Prior to weekend, tinext ko na si Tin na kinda nagba-backout ako sa planong Tagaytay. I suggested na kita na lang muna sa ABS to dine or something. Kaso nasa Tagaytay pala si Tin the whole week at doon siya nagsulat. I assumed pagod siya at hassle namang paluwasin ko siya para magkita kami kaya di ko na siya inaya — although, ako rin naman luluwas, same thing. Mukhang busy siya pag-iiskrip until October so baka after na lang nun kami magkita. Sayang, sa October pa pala malalaman ng mga taga-ABS na medyo pumayat na ‘ko. Hahaha! As if they care naman ‘no?

* * *

Caloy texted me again about Ted, the creative manager of Dyogi unit, na mag-email na raw ako ng resume. Kulang kasi sila ng writers. Nirekomenda ako ni Caloy dito kaso may doubt ito sa ‘kin na baka maglaho na naman ako uli. Nakaharap kasi si Ted nung kinumusta ako ni Caloy kay Joyce noon. Si Joyce ay inaanak ko sa kasal niya, haha, believe it or not. Ayun, kaya nagkaroon ako ng ganung impression kay Ted, which is minus ganda points. Tapos si Jayson naman, a co-workshopper-friend, naka-Facebook ko one time at sinuggest niya sa ‘kin na irerekomenda niya ako kay Ted. May ibig sabihin ba ito, Lord? Pinapabalik N’yo ba ‘ko dun?

update 1: crocodile night

Kahit maulan at may baha ang karamihan sa mga pangunahing lungsod sa Kalakhang Maynila noong Huwebes (ay, parang nagbabalita lang sa news?!), natuloy pa rin ang pagkikita namin nina Marz at Pret sa Greenbelt. Usapan 7pm pero 9pm na kami nagkita-kita sa Greenbelt Powerbooks. Chill lang ang byahe ko papunta, di stressful kasi may MRT. Medyo natagalan lang ako papuntang MRT kasi traffic sa Edsa Muñoz, which is usual. Usually, nagji-jeep lang ako papuntang SM North-Trinoma-MRT kasi otso lang pamasahe. Pero dahil ayokong mabasa ng ulan, nag-bus ako, aircon, onse. In fairness sa nakatabi ko sa bus, cuteness, with his Korean hairstyle na natatakpan na ang kalahati ng mukha. Kaso mukhang bata pa siya, teenager. Sa SM siya bumaba — mukhang tatambay lang kasi di naman siya nakaporma, with his slippers-t-shirt-cargo-pants chill attire. Well, porma na rin ‘yun considering the weather and his age. Matagal-tagal din kaming nag-rubbing shoulders dahil sa traffic. Hehehe! Sobrang katigangan, pati ‘yun ikinasisiya ko na, hahaha! Hay…

Anyway, buti na lang, kalat-kalat na ambon na lang nung nakarating na ‘ko sa Ayala. Di na hassle mag-walkathon. Nag-text na si Pret na naroon na siya sa Powerbooks at wala pa si Marz. Kako, magyoyosi muna ‘ko sa may hagdan sa baba. Sa hagdan na napagtambayan ko, katabi nun ay ang Hermes boutique. Mukhang bagong bukas siya dahil may dalawang babaeng nakatambay rin sa hagdan ang may champagne habang nagyoyosi break. Parang soft opening or something kasi may champagne, hehe! Di ko sure kung ito bang Hermes na ito ay ang brand na may mamahaling bag na niregalo ni Derek kay Angelica (showbiz?!). Sa kwentuhan nila (nung dalawang babae), para silang mga taga-tinda ng produkto ng Hermes — na meron din palang tindang shoes, akala ko bag lang. Sabi kasi nung isang babae, meron daw lalaki na gustong bumili ng shoes made of crocodile skin, kaso magiging available pa ito after 3 years kasi daw, basta may sinabi siya kung gaano karami ang skin na kakailanganin para makagawa ng pair of shoes. Siguro baka mga dalawang crocodile ang kailangang patayin para makagawa ng isang pares. Grabe, ganon pala. Di ba bawal ‘yun? Well…

Buntis na buntis na si Marz — as in approaching 8th month na siya. Si Pret naman nagkalaman din — nung college kasi payatot ‘yun. Kumain kami sa Krocodile Grill, kasama si Glenn na asawa ni Marz. Huli ko nang na-realize na nakakain na pala ako sa Trinoma branch nito at di siya masarap, kaya ayun, di na ‘ko nakapagprotesta. Ayos lang, marami namang inorder, dinaan ko na lang sa quantity over quality, hehehe! In fairness, divided by four, P300 each lang ang 5-course meal na kinain namin (tokwa-tokwa, grilled pusit, sinigang na sugpo, adobong kangkong, tuna sisig at 4 plain rice), kasama na pandan jelly ni Marz, 2 beers namin ni Glenn, at Vodka Raspberry ni Pret. Mura na rin — dapat lang, so-so lang naman ang lasa ng foodam. Lait?!

Di na raw nahihirapan si Marz sa pagbubuntis niya. Nung first trimester kasi, di siya makatayo at makalakad, konting galaw sobrang sakit na. As in nag-rehab pa siya para maiayos ang kalagayan niya. Ngayon, ayos na, pumapasok na siya uli sa office. Baka raw sa Makati Med siya manganak by the end of October. Scorpio ang zodiac sign ng baby. Wala lang. Si Pret naman niratrat ko ng mga tanong tungkol sa pagsusulat niya ng nobela. Gusto ko kasing subukan, wala lang akong willpower na i-overcome ang katamaran ko. Pero binigyan niya ako ng mga tips, at number one tip na implied sa kwentuhan namin ay ang self-discipline. Syet! Sinulat ko na ‘to sa isang lesson ng GMRC. Pano na nga uli ‘yun?

Fifty percent siguro of the kwentuhan ay balita about other batchmates, good friends and not-so-good ones. Five percent about mundane stuff like sabong panlabang may hawakan, pampaputi, Martha Cecilia, etc. Pero pakiramdam ko, sandali lang kaming nagchikahan. Ang ingay kasi ng paligid e, napagitnaan kami ng malalaking grupo ng magbabarkada-officemates na ang iingay magkwentuhan at nagpapalakpakan pa. Nakikipagkulitan pa sila sa isa’t isa — as in, pag nagpalakpakan ‘yung table ng magbabarkada, makikipalakpak din ‘yung table ng officemates, and vice versa. Nakikipalakpak nga rin kami kaso di lang halata kasi maliit na grupo lang kami.

Sa totoo lang, masaya ako at magaan sa pakiramdam na nakita ko sina Marz at Pret, kahit a week prior ay naga-alibi ako para di makipag-meet kasi Makati area, malayo. Pero I’m glad, finally, na-push ko ang sarili kong gumalaw kahit pa kontrabida ang weather nun. Gusto ko rin kasi makita nila na medyo pumayat na ‘ko, hihihi! Pero nabitin talaga ‘ko sa kwentuhan. Siguro next time dapat gawing after lunch ang pagkikita para mas mahaba ang time to bond. At sana ‘yung maayos ang weather.

Sunday, August 22, 2010

marz at pret

Nag-aaya ng meet-up si Marianne next week sa Makati. Pag nakikipagkita kasi ako sa kanya dati, sa Greenbelt o kaya Glorietta. Malapit kasi sa work niya, at ngayon, sa tinitirhan nila ni Glenn, her hubby. Di kasi panatag ang loob niyang bumabiyahe ng malayo. Maarte kasi yun, ayaw ng nage-MRT. Medyo hassle para sa ‘kin bilang galing akong Meycauayan, pero okay lang din kasi at least nakakagala ako roon ng may pakay. At di ako mukhang tanga na palakad-lakad lang doon bilang di naman ako familiar sa lugar. At least, pag kasama ko siya, mukha na ‘kong sosyal.

Si Marianne ay kaibigan ko sa college. Masasabing isa siya sa mga naging successful sa mga batchmates ko sa Journ. Nakapagsulat siya sa isang international newspaper at ngayon, corporate writing ang ginagawa niya --- mostly, events. Mataas ang pangarap nito, di basta-basta ang gusto niyang maabot. Isa siya sa mga pinakamagaling sa klase, nirerespeto at di basura ang ugali. Kilala siyang mahilig mag-crackers diet. Nahilig rin siya sa tofu. Mataba yata siya nung highschool kaya na-obsess sa pagpapapayat. Pero I’m sure di ko siya kasingtaba nung highschool ako. Isa siyang Bicolana na di mahilig sa maanghang. Nag-apply siya dati bilang assistant publisher sa Summit --- Cosmo --- kaso mukhang di na natuloy dahil sa kalagayan niya. She’s preggers, congratulations! Sa wakas, after ilang years bilang may-asawa, finally, they found time para bumuo na ng family.

Boy ang magiging baby nila. Happiness! Sana sipagin akong dumalaw sa house nila. Lalaki na naman ang magiging inaanak ko. (Side note: Naging syota ko ang pamangkin niya, si Jojo. Syota talaga e ‘no? Si Marz ang naging tulay namin, although di naging successful ang relationship. What do you expect, bata pa ko noon at di serious sa ganong mga bagay. Gusto ko lang ng experience --- swerte niya. Uy ha, di experience na “experience” ang ibig kong sabihin. Kiss-perience lang. Di kami umabot dun kasi 2 months lang kaming nagtagal at nakipag-break ako sa kanya over the phone on Valentine’s day. Hehe! Kasi naman siya e, di nagparamdam ng 2 months. Dalawang buwan! How’s that for a boyfriend, di ba? At saka iba naman talaga ang gusto niya, naging rebound lang ako. Ngayon, may anak na siya at engaged na sila ng baby-mama niya (yung pinagkaabalahan niya nung 2 months siyang bula, di ito yung girl na gusto niya prior to “us”). Maga-abroad yata siya para matustusan ang pangangailangan ng family. Relationship status: I think we’re friends naman ngayon.)

Inaya ko rin si Rachel, classmate din namin, na sumama pag nagkita kami ni Marz. Hopefully, pwede siya. Romance pocketbook writer naman ito. Mula nung gumraduate, ito na ang inatupag niya. Isa siya sa mga classmates na makikitaan mo ng pocketbook pag vacant nung college. Mahilig siya sa boybands at anime noon. I think hanggang ngayon. Uma-attend siya ng mga cosplays kasama ang barkada niya. Isa siyang playful at malambing na bata. Bata, kasi parang bata pa rin siya magsalita, makipag-banter, etc. Nabalitaan kong nag-ampon siya ng baby girl. Di ko alam bakit pero ang alam ko, unica hija siya sa pamilya. Siguro, I assumed, dahil malaki na siya, wala nang aalagaan ang nanay niya kaya sila nag-ampon. Di naman siguro dahil wala siyang planong bumuo ng sariling pamilya. Siguro naman meron. To think isa siyang romance writer, malamang gusto rin niyang mangyari sa kanya ang sinusulat niyang love stories. Inaya ko siya kasi gusto ko makipagkwentuhan about her work. Iniisip ko kasing i-try magsulat ng novel. Hihingi ako ng pointers. Nasabi ko na rin naman sa kanya sa txt ang plano ko. Natutuwa ako at ine-encourage niya ‘ko. Okay sa kanya kung ipapa-check ko sa kanya ang nagawa ko. I was touched. Ibig sabihin interested siyang turuan ako.

Sana di magka-conflict ang meet-up namin sa pagpunta sa Tagaytay. Alin kaya ang matutuloy? Hmm…

safeguard

I had the urge to txt Tin kagabi. Gusto ko makipagkita. I think I’m ready na to see someone who’s from ABS. Ready na ‘kong makipagkita sa ABS kung dun niya gustong mag-meet. Ready na rin akong makita ng mga taga-ABS. For one, pumayat na ‘ko ng konti, kaya hindi na kahiya-hiya na walang nagbago sa ‘kin after a year of sabbatical. Para kahit paano isipin nila na happy ako sa decision kong umalis. Para maisip nila na may ginawa ako habang wala ako roon.

Tin is a good friend way back when I was starting in the industry. We met at a workshop for wannabe scriptwriters conducted by Sir Ricky Lee for ABS. Isa siya sa masasabi kong matalik na kaibigan sa work. Di man kami laging nagkikita niyan, alam naming magkaibigan kami. Inaanak ko ang panganay nila ni Homer, isa ring workshopper. Okay na tao si Homer pero di siya gaanong okay relationship-wise, kasi may sabit pa siya when they started. Pero ngayon, I think okay na lahat. Mukhang close na si Tin with Homer’s teen-panganay. Ngayon, tatlo na yata ang kanilang supling (supling?!) na puro girls. Silang dalawa ang lagi kong kasama sa inuman noon. Pag punung-puno na kami ng angst sa kabagalan ng pangyayari sa career namin, magkakasama kaming nag-iinuman para pagtawanan na lang ang lahat dahil wala naman kaming magagawa kundi tumawa. Nakapunta na ‘ko kila Tin sa Alitagtag one fiesta sa kanila. Na-invite na rin ako kila Homer sa Tagaytay digs niya. Sila ang kasama ko nung first time kong mag-roadtrip, impromptu swimming sa isang beach, Calaruega picture-taking, at pot sessions. Hehe!

KUNSENSYA
Teka nga, ba’t kailangan makita at isipin ng mga tao na masaya ka?
Bakit, di ka ba masaya? Importante ba ang sasabihin nila?

AKO
Masaya naman ako sa naging desisyon ko. Ewan ko ba, basta kailangan makita nilang okay ako. Kailangan may nangyari sa ‘kin para yun ang pag-uusapan nila pag nakatalikod na ‘ko.

KUNSENSYA
Pathetic.

AKO
Yeah, I know.
Okay rin sana kung may work na ‘ko pagbalik ko dun para mas di kahiya-hiya, but that’s far-fetched for now. Ni hindi naman ako naghahanap, pano ‘ko magkakaroon.

KUNSENSYA
Ba’t ka ba nagka-urge?

AKO
Na-miss ko si Tin. Natutuwa ako sa success ng soap niya.
Gusto ko ng chika, gusto ko ng bagong makikita.

KUNSENSYA
Di ka ba natatakot na ma-miss ang dati, ang pagsusulat sa tv?

AKO
Ewan, I’ll cross the bridge when I get there. Pag na-miss ko, babatukan ko na lang ang sarili ko kasi kagagawan ko naman yun. Pero at least, nakipag-reconnect ako.

Tinext ako ni Caloy kaninang umaga. Sabay pala kaming nag-text kay Tin about her show at na gusto rin niyang maipagkita next week. That’s nice. Isa rin si Caloy sa mga co-workshopper-work-friends ko. Mahirap magkaroon ng totoong kaibigan sa industriya (industriya?!). At isa rin si Caloy sa mga okay na tao doon. We inform each other about career developments, kung sino ang okay na tao at hindi, nang walang halong kaplastikan at pangamba ng panlalaglag. Ilan lang sa kanila ang pinagkakatiwalaan ko roon --- sabagay, iilan lang naman ang mga kaibigan ko sa ABS. Meron siyang RTW stores sa Angeles ngayon. Pero nakaraket siya sa Precious Hearts nung nakaraan. Bumalik siya. What if bumalik din ako?

Sana matuloy ang pagkikita namin next week. Sa Tagaytay sila nag-aaya e, kila Homer. Makapagpagupit nga nang maganda naman ang buhok ko pag nagkita kami.

ang tambay

Di ko alam saan galing ang taglay kong katamaran ngayon. Dati hindi ako ganito. As in masipag akong bata, responsible, matino. Ni sa hinagap hindi ko naisip na magiging tambay ako. Imagine, honor student all my life, ngayon tambay. Siguro iniisip ng mga tao --- anong nangyari sa kanya, ba’t siya nagkaganyan, sayang naman, etc. Pero walang effect sa ‘kin. Hindi ako nahihiyang sabihin sa mga tao na tambay ako. Kasi kung iniisip ko ang sasabihin ng iba, eh di sana matagal na ‘kong naghanap ng trabaho. In the first place, sana hindi ko hinayaan ang sarili kong maging tambay. Minsan iniisip ko, sana may effect na lang sa ‘kin ang sasabihin ng mga tao para nagpupursige ako ngayong magkaroon ng ibang trabaho at hindi mabakante.

Ang mga tambay kahit walang trabaho, meron silang ginagawa sa araw-araw. May mga activities sila like:

Nakikipagkita sa mga equally-tambay friends. Ang circle of friends ng mga tambay, meron mang work ang ilan, karamihan ay mga tambay rin. Siguro maaaring totoo ang ‘birds of the same feathers, flock together’ saying sa kanila. Kasi, ang mga tulad nila, gusto sama-sama sa work, kaya sabay-sabay nag-aapply para di magkakahiwalay --- para masaya pa rin. Syempre, sa pag-aapply, isa o dalawa lang ang matatanggap. Mahirap talagang magkakasama. Dahil gusto nilang magkakasama, pag di natanggap ang isa, di na tutuloy ang natanggap. Sama-sama sa hirap at ginhawa. Pero nag-iiba ang paniniwala ng mga tao kung may pamilya na. Kailangang bumuhay ng pamilya kaya kailangan magkatrabaho na. Pero yung mga wala pang pamilya, happy-happy muna. Mahalaga sa kanilang ma-maximize ang panahon para sa happy-happy para pag nagkapamilya na, di na hahanapin ang gimik mode.

Nakikipag-inuman. Madalas, pag nagkikita ang mga tambay, pag bored na sa kwentuhan, nauuwi ito sa inuman. Mas masarap kasi makipagkwentuhan pag may tagayan. Mas nagiging masaya dahil lumalabas ang kalokohan, lalo na sa mga taong tahimik lang pag di nakainom. Lumalabas din ang mga kwentong kutsero. Nawawala ang defenses at reservations kaya mas malakas ang tawanan at basagan kung basagan. Mas makulit mag-reminisce ng past kasi lalabas ang baho ng pinagkukwentuhan nila, na di gaanong nababanggit pag sober ang barkada.

Nakikipagwentuhan sa mga kapitbahay. Pag di available ang barkadang equally-tambay, kapitbahay ang mapagtityagaang kakwentuhan ng isang tambay. Kamustahan sa mga buhay-buhay ang topic of discussion, na mauuwi sa tsismisan about other kapitbahay.

Naglalakwatsa. Ang tambay na may ipon, syempre, maglalakwatsa. Lahat ng di pa napupuntahan dahil walang time at dahil stressed sa trabaho, pagkakataon na para mabisita. Lalo na kung maraming perang gagastusin. Ie-experience ng tambay ang di pa niya nagawa dahil ito na ang tamang pagkakataon para gawin ito. Wala nang trabahong to-toxic sa kanya sa phone, wala nang deadline na dapat i-beat. Wala nang presentation na dapat gugulan ng oras at effort. Kaya pwede nang maglaho nang walang inaalala. Mula sa beaches, scenic spots, theme parks, hanggang sa malls, at simpleng Luneta pwede nang pupuntahan.

Nakababad sa internet. Ang tambay ay updated sa mga palabas sa tv, sine, at maging sa tech world. Walang magawa, may internet connection, ano pa bang hihintayin kundi pumindot-pindot lang ng konti, at konektado na sa mundo. Lahat ng social networking sites, member na. araw-araw may shout-out, uploaded pictures, kumpleto sa mga kanta at tv series. Maraming pwedeng magawa sa internet --- just with a touch of a button.

May sports activities. Lalo na ang mga lalaking active sa sports, tulad ng basketball, badminton, etc., magkakapanahon na para sa mga ganito. Ang walang hilig, susubukang mag-explore. Lalo na ang mga health- at body-conscious. Para di tumaba sa kakaupo sa harap ng computer at ayaw lumaki ang tiyan kakainom, maiisip niyang mag-exercise. At dahil boring mag-exercise at walang pera mag-gym, sports ang pinaka-best way to lose weight. Makakakilala pa siya ng ibang taong mahilig din sa sports. Lalaki ang ang circle of friends.

Kahit hindi kumikita, may mga activities pa rin na nakakatulong para hindi stagnant ang katawan at utak nila --- may exercise at may natututunan pa rin.

Ako, mas masahol pa ‘ko sa tambay. Baka nga mas active pa sa ‘kin ang ermitanyo eh.