Thursday, January 19, 2012

Android at Wattpad

May bago akong cellphone! Xmas gift ni sisterette. Samsung Galaxy Y. Shala! Well, pinakamurang android phone daw siya. Smart choice na rin, kesa bumili ng mahal, di naman mama-maximize ang paggamit.

Anyway, kakaaliw siyang kalikutin. Sarap mag-wifi. Kaya nga nawiwili akong tumambay sa SM para mag-internet. Free wifi e.

Sa pagsi-search ko ng mga apps, I stumbled upon an ebook downloader called Wattpad. Isa siyang community ng mga kwentista. Maraming mga unpublished stories ang pwedeng mabasa dito na ang mga nagsusulat ay members.

Kahit sino pwedeng magsulat, bata man o matanda, experienced man o neophyte. Kahit anong genre pwede ring sulatin, kanya-kanyang trip. At higit sa lahat, mababasa ka agad ng mga tao, at pwede silang mag-like at mag-comment agad-agad. Instant gratification.

Walang gagastusin para sa publishing. Wala ring editor at boss na magbibigay ng deadline. Basta bahala kang mag-proofread ng gawa mo. Ikaw rin bahala sa deadline. Well, depende sa demand ng readers. Kung gusto mo silang i-suspense na parang teleserye, pwedeng chop-chopin by chapters, bahala ka.

Nakakaengganyo. Binabasa ko yung iba. Nakaka-inspire. Nai-inspire akong magsulat uli. Parang nabuhay uli yung writer within me.

Yun nga lang, walang bayad. Di pwedeng pagkakitaan. Pang-hobby lang siya. Well, ayos lang. Tingin ko, di man siya nakaka-satisfy financially, mafu-fulfill naman niya yung desire ko to write. Again.

Thursday, January 12, 2012

Children's Party Times Two

Birthday ng inaanak kong si Shey sa Friday, 13. First birthday party niya sa Sabado sa Shakey's SM Manila. Invited ang mga college friends namin ng nanay niya. Mga friends na may bibitbiting chikiting. Hay...

Ka-birthday ni Shey si Kim, my friend since 9 years old. May surprise house party na niluluto ang family niya para sa kanya sa Friday. Invited ang mga college friends niya na naging friends ko na rin. Ako lang yata ang kababata niya dun.

Yung isa, magsisimula pa lang, yung isa naman, malapit na sa gitna ng buhay. One at 31 years old.

Pareho silang walang kaalam-alam sa mangyayaring party.

Ako, nakikinita ko na ang mga usapang magaganap.

Comparative conversation prediction:

Party 1:

Friends: "Ikaw, kailan ka naman magbibitbit ng chikiting?"

Ako: "Hehe..." *magpapaka-polite*

Party 2:

Ako: "Kailan kaya tayo magkaka-chikiting?"

Friends: "Hehe..." *hoping din*

Di namin gaanong napapag-usapan ni Kim ang pagkakaroon ng anak, pero may paminsan-minsan na rin kaming conversations about it. Di naman gaanong concern yung pagpapamilya. Ang mas napapag-usapan ay kung paanong proseso kami makakarating doon. AKA lovelife.

Halos lahat ng kaibigan ko sa college, may asawa't anak na. Ako na lang ang single. Ako na lang ang di pa maayos ang buhay. Literally. Walang work, walang plans. Walang long-term, kahit short-term goals. See, literal, di ba?

Madalas kong ihinga kay Kim 'tong pangambang 'to. Yung ako na lang ang natitira sa barkada ko. Lagi naman niyang pinapalubag ang loob ko, kasi sila ng mga friends niya single pa rin naman. Di daw ako nag-iisa.

Buti naman.

Siguro, kung ako na nga lang talaga, di ko alam kung anong damage control ang gagawin ko sa self-esteem ko.

Pero sa totoo lang, sila Kim, di sila totally single. Yung isa, may long-term relationship. Kasal na lang ang hinihintay, I think. Yung isa naman, may kakiligan sa chat. Nag-EB na nga sila nung umuwi dito yung guy. Si Kim naman, may hinihintay din sa ibang bansa. At may history na sila.

E ako? Wala. Walang kakiligan, walang hinihintay, walang someone to look forward to. Wala! Wala lang. Haaay...

Yung mga friends ko, next chapter na ng life ang inaasikaso. Family and parenting na sila. Ako, di ko pa rin matapos-tapos ang single and still searching chapter ng life na ito.

Word war within me:

Reasonable Me: Puro ka reklamo. Ba't di mo kaya i-try umaksyon?

Me: Easier said than done. Iniisip ko pa lang, nalilito na 'ko. Di ko alam kung pano magsisimula. Sige nga, ikaw nga, ano ang first step?

Reasonable Me: Di ka pa nga gumagalaw, sumusuko ka na. Try mo kayang wag matakot, for a change?

Me: Haaay...

Parehong walang kaalam-alam sina Shey at Kim sa mangyayari. Sa party. At sa buhay.

Lalo naman ako.