Sunday, August 22, 2010

marz at pret

Nag-aaya ng meet-up si Marianne next week sa Makati. Pag nakikipagkita kasi ako sa kanya dati, sa Greenbelt o kaya Glorietta. Malapit kasi sa work niya, at ngayon, sa tinitirhan nila ni Glenn, her hubby. Di kasi panatag ang loob niyang bumabiyahe ng malayo. Maarte kasi yun, ayaw ng nage-MRT. Medyo hassle para sa ‘kin bilang galing akong Meycauayan, pero okay lang din kasi at least nakakagala ako roon ng may pakay. At di ako mukhang tanga na palakad-lakad lang doon bilang di naman ako familiar sa lugar. At least, pag kasama ko siya, mukha na ‘kong sosyal.

Si Marianne ay kaibigan ko sa college. Masasabing isa siya sa mga naging successful sa mga batchmates ko sa Journ. Nakapagsulat siya sa isang international newspaper at ngayon, corporate writing ang ginagawa niya --- mostly, events. Mataas ang pangarap nito, di basta-basta ang gusto niyang maabot. Isa siya sa mga pinakamagaling sa klase, nirerespeto at di basura ang ugali. Kilala siyang mahilig mag-crackers diet. Nahilig rin siya sa tofu. Mataba yata siya nung highschool kaya na-obsess sa pagpapapayat. Pero I’m sure di ko siya kasingtaba nung highschool ako. Isa siyang Bicolana na di mahilig sa maanghang. Nag-apply siya dati bilang assistant publisher sa Summit --- Cosmo --- kaso mukhang di na natuloy dahil sa kalagayan niya. She’s preggers, congratulations! Sa wakas, after ilang years bilang may-asawa, finally, they found time para bumuo na ng family.

Boy ang magiging baby nila. Happiness! Sana sipagin akong dumalaw sa house nila. Lalaki na naman ang magiging inaanak ko. (Side note: Naging syota ko ang pamangkin niya, si Jojo. Syota talaga e ‘no? Si Marz ang naging tulay namin, although di naging successful ang relationship. What do you expect, bata pa ko noon at di serious sa ganong mga bagay. Gusto ko lang ng experience --- swerte niya. Uy ha, di experience na “experience” ang ibig kong sabihin. Kiss-perience lang. Di kami umabot dun kasi 2 months lang kaming nagtagal at nakipag-break ako sa kanya over the phone on Valentine’s day. Hehe! Kasi naman siya e, di nagparamdam ng 2 months. Dalawang buwan! How’s that for a boyfriend, di ba? At saka iba naman talaga ang gusto niya, naging rebound lang ako. Ngayon, may anak na siya at engaged na sila ng baby-mama niya (yung pinagkaabalahan niya nung 2 months siyang bula, di ito yung girl na gusto niya prior to “us”). Maga-abroad yata siya para matustusan ang pangangailangan ng family. Relationship status: I think we’re friends naman ngayon.)

Inaya ko rin si Rachel, classmate din namin, na sumama pag nagkita kami ni Marz. Hopefully, pwede siya. Romance pocketbook writer naman ito. Mula nung gumraduate, ito na ang inatupag niya. Isa siya sa mga classmates na makikitaan mo ng pocketbook pag vacant nung college. Mahilig siya sa boybands at anime noon. I think hanggang ngayon. Uma-attend siya ng mga cosplays kasama ang barkada niya. Isa siyang playful at malambing na bata. Bata, kasi parang bata pa rin siya magsalita, makipag-banter, etc. Nabalitaan kong nag-ampon siya ng baby girl. Di ko alam bakit pero ang alam ko, unica hija siya sa pamilya. Siguro, I assumed, dahil malaki na siya, wala nang aalagaan ang nanay niya kaya sila nag-ampon. Di naman siguro dahil wala siyang planong bumuo ng sariling pamilya. Siguro naman meron. To think isa siyang romance writer, malamang gusto rin niyang mangyari sa kanya ang sinusulat niyang love stories. Inaya ko siya kasi gusto ko makipagkwentuhan about her work. Iniisip ko kasing i-try magsulat ng novel. Hihingi ako ng pointers. Nasabi ko na rin naman sa kanya sa txt ang plano ko. Natutuwa ako at ine-encourage niya ‘ko. Okay sa kanya kung ipapa-check ko sa kanya ang nagawa ko. I was touched. Ibig sabihin interested siyang turuan ako.

Sana di magka-conflict ang meet-up namin sa pagpunta sa Tagaytay. Alin kaya ang matutuloy? Hmm…

safeguard

I had the urge to txt Tin kagabi. Gusto ko makipagkita. I think I’m ready na to see someone who’s from ABS. Ready na ‘kong makipagkita sa ABS kung dun niya gustong mag-meet. Ready na rin akong makita ng mga taga-ABS. For one, pumayat na ‘ko ng konti, kaya hindi na kahiya-hiya na walang nagbago sa ‘kin after a year of sabbatical. Para kahit paano isipin nila na happy ako sa decision kong umalis. Para maisip nila na may ginawa ako habang wala ako roon.

Tin is a good friend way back when I was starting in the industry. We met at a workshop for wannabe scriptwriters conducted by Sir Ricky Lee for ABS. Isa siya sa masasabi kong matalik na kaibigan sa work. Di man kami laging nagkikita niyan, alam naming magkaibigan kami. Inaanak ko ang panganay nila ni Homer, isa ring workshopper. Okay na tao si Homer pero di siya gaanong okay relationship-wise, kasi may sabit pa siya when they started. Pero ngayon, I think okay na lahat. Mukhang close na si Tin with Homer’s teen-panganay. Ngayon, tatlo na yata ang kanilang supling (supling?!) na puro girls. Silang dalawa ang lagi kong kasama sa inuman noon. Pag punung-puno na kami ng angst sa kabagalan ng pangyayari sa career namin, magkakasama kaming nag-iinuman para pagtawanan na lang ang lahat dahil wala naman kaming magagawa kundi tumawa. Nakapunta na ‘ko kila Tin sa Alitagtag one fiesta sa kanila. Na-invite na rin ako kila Homer sa Tagaytay digs niya. Sila ang kasama ko nung first time kong mag-roadtrip, impromptu swimming sa isang beach, Calaruega picture-taking, at pot sessions. Hehe!

KUNSENSYA
Teka nga, ba’t kailangan makita at isipin ng mga tao na masaya ka?
Bakit, di ka ba masaya? Importante ba ang sasabihin nila?

AKO
Masaya naman ako sa naging desisyon ko. Ewan ko ba, basta kailangan makita nilang okay ako. Kailangan may nangyari sa ‘kin para yun ang pag-uusapan nila pag nakatalikod na ‘ko.

KUNSENSYA
Pathetic.

AKO
Yeah, I know.
Okay rin sana kung may work na ‘ko pagbalik ko dun para mas di kahiya-hiya, but that’s far-fetched for now. Ni hindi naman ako naghahanap, pano ‘ko magkakaroon.

KUNSENSYA
Ba’t ka ba nagka-urge?

AKO
Na-miss ko si Tin. Natutuwa ako sa success ng soap niya.
Gusto ko ng chika, gusto ko ng bagong makikita.

KUNSENSYA
Di ka ba natatakot na ma-miss ang dati, ang pagsusulat sa tv?

AKO
Ewan, I’ll cross the bridge when I get there. Pag na-miss ko, babatukan ko na lang ang sarili ko kasi kagagawan ko naman yun. Pero at least, nakipag-reconnect ako.

Tinext ako ni Caloy kaninang umaga. Sabay pala kaming nag-text kay Tin about her show at na gusto rin niyang maipagkita next week. That’s nice. Isa rin si Caloy sa mga co-workshopper-work-friends ko. Mahirap magkaroon ng totoong kaibigan sa industriya (industriya?!). At isa rin si Caloy sa mga okay na tao doon. We inform each other about career developments, kung sino ang okay na tao at hindi, nang walang halong kaplastikan at pangamba ng panlalaglag. Ilan lang sa kanila ang pinagkakatiwalaan ko roon --- sabagay, iilan lang naman ang mga kaibigan ko sa ABS. Meron siyang RTW stores sa Angeles ngayon. Pero nakaraket siya sa Precious Hearts nung nakaraan. Bumalik siya. What if bumalik din ako?

Sana matuloy ang pagkikita namin next week. Sa Tagaytay sila nag-aaya e, kila Homer. Makapagpagupit nga nang maganda naman ang buhok ko pag nagkita kami.

ang tambay

Di ko alam saan galing ang taglay kong katamaran ngayon. Dati hindi ako ganito. As in masipag akong bata, responsible, matino. Ni sa hinagap hindi ko naisip na magiging tambay ako. Imagine, honor student all my life, ngayon tambay. Siguro iniisip ng mga tao --- anong nangyari sa kanya, ba’t siya nagkaganyan, sayang naman, etc. Pero walang effect sa ‘kin. Hindi ako nahihiyang sabihin sa mga tao na tambay ako. Kasi kung iniisip ko ang sasabihin ng iba, eh di sana matagal na ‘kong naghanap ng trabaho. In the first place, sana hindi ko hinayaan ang sarili kong maging tambay. Minsan iniisip ko, sana may effect na lang sa ‘kin ang sasabihin ng mga tao para nagpupursige ako ngayong magkaroon ng ibang trabaho at hindi mabakante.

Ang mga tambay kahit walang trabaho, meron silang ginagawa sa araw-araw. May mga activities sila like:

Nakikipagkita sa mga equally-tambay friends. Ang circle of friends ng mga tambay, meron mang work ang ilan, karamihan ay mga tambay rin. Siguro maaaring totoo ang ‘birds of the same feathers, flock together’ saying sa kanila. Kasi, ang mga tulad nila, gusto sama-sama sa work, kaya sabay-sabay nag-aapply para di magkakahiwalay --- para masaya pa rin. Syempre, sa pag-aapply, isa o dalawa lang ang matatanggap. Mahirap talagang magkakasama. Dahil gusto nilang magkakasama, pag di natanggap ang isa, di na tutuloy ang natanggap. Sama-sama sa hirap at ginhawa. Pero nag-iiba ang paniniwala ng mga tao kung may pamilya na. Kailangang bumuhay ng pamilya kaya kailangan magkatrabaho na. Pero yung mga wala pang pamilya, happy-happy muna. Mahalaga sa kanilang ma-maximize ang panahon para sa happy-happy para pag nagkapamilya na, di na hahanapin ang gimik mode.

Nakikipag-inuman. Madalas, pag nagkikita ang mga tambay, pag bored na sa kwentuhan, nauuwi ito sa inuman. Mas masarap kasi makipagkwentuhan pag may tagayan. Mas nagiging masaya dahil lumalabas ang kalokohan, lalo na sa mga taong tahimik lang pag di nakainom. Lumalabas din ang mga kwentong kutsero. Nawawala ang defenses at reservations kaya mas malakas ang tawanan at basagan kung basagan. Mas makulit mag-reminisce ng past kasi lalabas ang baho ng pinagkukwentuhan nila, na di gaanong nababanggit pag sober ang barkada.

Nakikipagwentuhan sa mga kapitbahay. Pag di available ang barkadang equally-tambay, kapitbahay ang mapagtityagaang kakwentuhan ng isang tambay. Kamustahan sa mga buhay-buhay ang topic of discussion, na mauuwi sa tsismisan about other kapitbahay.

Naglalakwatsa. Ang tambay na may ipon, syempre, maglalakwatsa. Lahat ng di pa napupuntahan dahil walang time at dahil stressed sa trabaho, pagkakataon na para mabisita. Lalo na kung maraming perang gagastusin. Ie-experience ng tambay ang di pa niya nagawa dahil ito na ang tamang pagkakataon para gawin ito. Wala nang trabahong to-toxic sa kanya sa phone, wala nang deadline na dapat i-beat. Wala nang presentation na dapat gugulan ng oras at effort. Kaya pwede nang maglaho nang walang inaalala. Mula sa beaches, scenic spots, theme parks, hanggang sa malls, at simpleng Luneta pwede nang pupuntahan.

Nakababad sa internet. Ang tambay ay updated sa mga palabas sa tv, sine, at maging sa tech world. Walang magawa, may internet connection, ano pa bang hihintayin kundi pumindot-pindot lang ng konti, at konektado na sa mundo. Lahat ng social networking sites, member na. araw-araw may shout-out, uploaded pictures, kumpleto sa mga kanta at tv series. Maraming pwedeng magawa sa internet --- just with a touch of a button.

May sports activities. Lalo na ang mga lalaking active sa sports, tulad ng basketball, badminton, etc., magkakapanahon na para sa mga ganito. Ang walang hilig, susubukang mag-explore. Lalo na ang mga health- at body-conscious. Para di tumaba sa kakaupo sa harap ng computer at ayaw lumaki ang tiyan kakainom, maiisip niyang mag-exercise. At dahil boring mag-exercise at walang pera mag-gym, sports ang pinaka-best way to lose weight. Makakakilala pa siya ng ibang taong mahilig din sa sports. Lalaki ang ang circle of friends.

Kahit hindi kumikita, may mga activities pa rin na nakakatulong para hindi stagnant ang katawan at utak nila --- may exercise at may natututunan pa rin.

Ako, mas masahol pa ‘ko sa tambay. Baka nga mas active pa sa ‘kin ang ermitanyo eh.

Friday, August 13, 2010

GMRC

Nagkaroon ako ng pagkakataon na makaraket. Book na pang-Grade 4. GMRC ang subject --- oo, as in Values Education! Di ba naman, nakakatawa? Ang hirap, kasi ako na isang tambay, mangangaral tungkol sa mga values gaya ng kasipagan. Ang kulit, di ba?

Na-evaluate na ‘yung buong book. May mga minor revisions. Tapos na ‘kong mag-revise ng eight lessons na ginawa ko. Madali lang kasi, bukod sa in Tagalog naman, titles at warm-up activities lang naman ang kinoment ng evaluator na di raw akma sa topics. Binasa ko uli ‘yung mga lessons for last repaso. Nag-revise ng konti. Dinagdagan ko lang ng insights at ni-revise ang mga maling grammar. Yun lang naman.

Bibigyan na nga sana ako ni Ate Au, yung editor/writer na nagbigay sa ‘kin ng raket, ng down payment para sa ginawa ko pero di ko muna kinuha. Baka magastos ko kasi agad. Buo ko na lang kukunin para masaya, isang bagsakan na lang para marami, hehe. Iipinunin ko yun kasi di pa ‘ko naghahanap ng work. Para may ipon hanggang magka-work.

Yung ginawa kong mga lessons, meron naman siyang guidelines kung ano at paano gagawin. Hindi naman siya yung random lang na ako mismo ang mag-iisip. May mga topics na ibinigay tapos idi-discuss ko siya. May activity muna, parang refresher. Parang gauge kung ano ang alam ng mga bata. Then may story o poem or anything to jumpstart the lesson proper. Most of it mga composition ko. Buti na lang pambata yung libro kaya madali lang mag-isip ng mga stories. Simpleng stories lang na naka-incorporate doon ang main topic. Then, may comprehension questions about the story, at lesson learned. Tapos discussion na about the topic na usually ay values to learn, like pagsunod sa batas, pagiging committed sa responsibility, pagtitipid, atbp. Then, apat hanggang limang activities na magte-test ng kakayahan ng mga bata with application ng values na natutunan. Usually, yung mga test na ginawa ko ay essay, drawings, multiple choice questions, atbp. Para nga ‘kong teacher habang sinusulat ko yun e. Iniisip ko, kung ako ay teacher, paano ko ipapagawa sa mga students ang mga pinagsususulat ko.

Naalala ko tuloy nung ang pangarap ko sa buhay ay maging isang teacher. Masarap kasi yung may naituturo kang bago sa mga bata, at madali mo itong naipapaintindi sa kanila. Masaya rin yung mga activities na magpapakita kung gaano na kagaling ang mga bata ngayon. At syempre, masaya na may power ka over the kids. Ikaw ang pinakamagaling sa klase, pinapakinggan ka nila, at hanga sila sa iyo --- yun ay kung naging magaling akong teacher.

Ano kaya ang nangyari kung naging teacher ako at hindi writer? Ano kayang klaseng teacher ako? Elementary kaya o highschool? Definitely, hindi college kasi mahirap na yun e. Kailangan may Master’s degree. Ayoko rin ng preschool kasi makukulit ang mga toddlers. Tingin ko, mahirap silang turuan at feeling ko wala akong patience magturo ng mga magugulong bata. Kaya either elementary o highschool ang tuturuan ko. Ano kayang subject maganda? Lahat kaya o may specialty lang ako? Masaya siguro ang elementary math --- ang yabang, samantalang hanggang ngayon nagbibilang pa rin ako sa daliri. Okay rin siguro ang Filipino at Science. Pero definitely not Social Studies/Makabayan. Hate ko ang subject na yun elementary pa lang ako. Ito ang subject na may pinakamababa akong grade. At masaya rin ang may class record. Ako ang magde-decide sa grades nila, ako ang magde-decide kung sino ang top one, hehe.

Ba’t nga ba hindi ako naging teacher? Kasi ayokong gumawa ng bulletin board sa klase? E pwede ko naman yun ipagawa sa mga estudyante. Ayokong pupuntahan ako ng principal sa klase para mag-observe kung paano ako magturo sa klase? Pero okay nga yun lalo na kung alternative ang style ng pagtuturo ko, hindi yung usual na discussion, reporting, etc. Gusto ko dynamic ang style, may class participation. Ayokong matatakot ang mga bata sa ‘kin. Gusto ko mag-eenjoy sila at looking forward sila na magklase with me kasi masaya. Ayoko ng puro recitation kasi ako mismo takot dun nung estudyante pa lang ako. Gusto ko gumagalaw ang lahat, ayoko ng aantukin sila sa ‘kin. Gusto ko mangangarap din silang maging teacher para maging gaya ko. Gusto ko ma-inspire sila na maging tulad ko. At gusto ko maging barkada ko sila, di yung mangingilag sila sa ‘kin. Yun ay kung naging teacher nga ako. So ba’t hindi ako naging teacher? Kasi konti ang teachers na boys kaya konti rin ang pag-asa na magka-jowa ako? Pero malay mo, may cute na anak yung may-ari ng school, di ba? Hehe! Pwede akong maging may-ari ng school! At forever akong bata dahil sa mga batang kasama ko. Yun nga lang, yung growth as a person, hindi masyado. Puro pambata lang ang alam kong uso. Baka jejemon ako ngayon. Pero at least, updated ako sa uso. Kaso baka maliit lang ang circle of friends ko. At baka yung alam ko ngayon, hindi ko na malalaman. Pero may malalaman naman akong iba na makatutulong sa pagiging teacher ko. Tapos hindi ako marunong mag-internet ngayon. Wala rin akong laptop kasi aanhin ko naman yun? Kaya lang naman ako nagka-laptop para aid sa pagiging writer ko. Mas magiging masaya kaya ako kung naging teacher ako? Baka hindi na ‘ko pumayat at naging ultimate cliché, teacher na mataba at matandang dalaga. Nyi! Ayaw! Pero pwede rin namang hindi. Pwedeng pumayat pa rin ako at naging maganda at naging pantasya ng mga kabataang lalaki. Hahaha! Adik!

Pero sa totoo lang, ano ba ang alam ko ngayon na hindi ko malalaman kung naging teacher ako? Meron namang internet na lahat pwede kong matutunan. At dahil maraming bata sa paligid ko, pwede akong matuto sa kanila. Mas updated pa nga sa uso ang mga kabataan kesa sa ‘kin ngayon e. Di nga lang ako magiging sosyal --- as if sosyal ako ngayon. Di ako makaka-mingle ng mga sosyal na tao --- as if importante yun sa buhay. Di ako makakagimik sa mga sosyal na lugar --- e ano naman kung hindi. Di ako naging writer sa teleserye --- oo nga, gusto ko pa naman yun. Di ako nakakilala ng mga artista --- as if naaalala pa rin nila ako ngayon. Meron akong what-if question ngayon (ano kaya kung naging writer ako?) --- parang ngayon wala akong what-if-naging-teacher-ako question e ‘no? Sabagay, kung naging teacher ako, pwede pa rin naman akong magsulat. E ngayong writer ako, pwede pa rin kaya akong maging teacher?

Malamang sasabihin mong pwede pa rin naman. Kaso kailangan ko uling mag-aral. Kailangang makapasa sa LET. Sana pwedeng mag-apply na lang ako as teacher tapos saka ako magse-self-study ng subject na preferred kong ituro. Pwede? Siguro. Kung may tatanggap sa 'king school na ganon ang magiging arrangement. Malay natin. Oo nga. Sige, pwedeng pag-isipan.