I had the urge to txt Tin kagabi. Gusto ko makipagkita. I think I’m ready na to see someone who’s from ABS. Ready na ‘kong makipagkita sa ABS kung dun niya gustong mag-meet. Ready na rin akong makita ng mga taga-ABS. For one, pumayat na ‘ko ng konti, kaya hindi na kahiya-hiya na walang nagbago sa ‘kin after a year of sabbatical. Para kahit paano isipin nila na happy ako sa decision kong umalis. Para maisip nila na may ginawa ako habang wala ako roon.
Tin is a good friend way back when I was starting in the industry. We met at a workshop for wannabe scriptwriters conducted by Sir Ricky Lee for ABS. Isa siya sa masasabi kong matalik na kaibigan sa work. Di man kami laging nagkikita niyan, alam naming magkaibigan kami. Inaanak ko ang panganay nila ni Homer, isa ring workshopper. Okay na tao si Homer pero di siya gaanong okay relationship-wise, kasi may sabit pa siya when they started. Pero ngayon, I think okay na lahat. Mukhang close na si Tin with Homer’s teen-panganay. Ngayon, tatlo na yata ang kanilang supling (supling?!) na puro girls. Silang dalawa ang lagi kong kasama sa inuman noon. Pag punung-puno na kami ng angst sa kabagalan ng pangyayari sa career namin, magkakasama kaming nag-iinuman para pagtawanan na lang ang lahat dahil wala naman kaming magagawa kundi tumawa. Nakapunta na ‘ko kila Tin sa Alitagtag one fiesta sa kanila. Na-invite na rin ako kila Homer sa Tagaytay digs niya. Sila ang kasama ko nung first time kong mag-roadtrip, impromptu swimming sa isang beach, Calaruega picture-taking, at pot sessions. Hehe!
KUNSENSYA
Teka nga, ba’t kailangan makita at isipin ng mga tao na masaya ka?
Bakit, di ka ba masaya? Importante ba ang sasabihin nila?
AKO
Masaya naman ako sa naging desisyon ko. Ewan ko ba, basta kailangan makita nilang okay ako. Kailangan may nangyari sa ‘kin para yun ang pag-uusapan nila pag nakatalikod na ‘ko.
KUNSENSYA
Pathetic.
AKO
Yeah, I know.
Okay rin sana kung may work na ‘ko pagbalik ko dun para mas di kahiya-hiya, but that’s far-fetched for now. Ni hindi naman ako naghahanap, pano ‘ko magkakaroon.
KUNSENSYA
Ba’t ka ba nagka-urge?
AKO
Na-miss ko si Tin. Natutuwa ako sa success ng soap niya.
Gusto ko ng chika, gusto ko ng bagong makikita.
KUNSENSYA
Di ka ba natatakot na ma-miss ang dati, ang pagsusulat sa tv?
AKO
Ewan, I’ll cross the bridge when I get there. Pag na-miss ko, babatukan ko na lang ang sarili ko kasi kagagawan ko naman yun. Pero at least, nakipag-reconnect ako.
Tinext ako ni Caloy kaninang umaga. Sabay pala kaming nag-text kay Tin about her show at na gusto rin niyang maipagkita next week. That’s nice. Isa rin si Caloy sa mga co-workshopper-work-friends ko. Mahirap magkaroon ng totoong kaibigan sa industriya (industriya?!). At isa rin si Caloy sa mga okay na tao doon. We inform each other about career developments, kung sino ang okay na tao at hindi, nang walang halong kaplastikan at pangamba ng panlalaglag. Ilan lang sa kanila ang pinagkakatiwalaan ko roon --- sabagay, iilan lang naman ang mga kaibigan ko sa ABS. Meron siyang RTW stores sa Angeles ngayon. Pero nakaraket siya sa Precious Hearts nung nakaraan. Bumalik siya. What if bumalik din ako?
Sana matuloy ang pagkikita namin next week. Sa Tagaytay sila nag-aaya e, kila Homer. Makapagpagupit nga nang maganda naman ang buhok ko pag nagkita kami.
2 comments:
Hi, very interesting post, greetings from Greece!
top [url=http://www.c-online-casino.co.uk/]c-online-casino.co.uk[/url] brake the latest [url=http://www.casinolasvegass.com/]free casino games[/url] manumitted no consign hand-out at the leading [url=http://www.baywatchcasino.com/]baywatchcasino
[/url].
Post a Comment