Sunday, August 22, 2010

ang tambay

Di ko alam saan galing ang taglay kong katamaran ngayon. Dati hindi ako ganito. As in masipag akong bata, responsible, matino. Ni sa hinagap hindi ko naisip na magiging tambay ako. Imagine, honor student all my life, ngayon tambay. Siguro iniisip ng mga tao --- anong nangyari sa kanya, ba’t siya nagkaganyan, sayang naman, etc. Pero walang effect sa ‘kin. Hindi ako nahihiyang sabihin sa mga tao na tambay ako. Kasi kung iniisip ko ang sasabihin ng iba, eh di sana matagal na ‘kong naghanap ng trabaho. In the first place, sana hindi ko hinayaan ang sarili kong maging tambay. Minsan iniisip ko, sana may effect na lang sa ‘kin ang sasabihin ng mga tao para nagpupursige ako ngayong magkaroon ng ibang trabaho at hindi mabakante.

Ang mga tambay kahit walang trabaho, meron silang ginagawa sa araw-araw. May mga activities sila like:

Nakikipagkita sa mga equally-tambay friends. Ang circle of friends ng mga tambay, meron mang work ang ilan, karamihan ay mga tambay rin. Siguro maaaring totoo ang ‘birds of the same feathers, flock together’ saying sa kanila. Kasi, ang mga tulad nila, gusto sama-sama sa work, kaya sabay-sabay nag-aapply para di magkakahiwalay --- para masaya pa rin. Syempre, sa pag-aapply, isa o dalawa lang ang matatanggap. Mahirap talagang magkakasama. Dahil gusto nilang magkakasama, pag di natanggap ang isa, di na tutuloy ang natanggap. Sama-sama sa hirap at ginhawa. Pero nag-iiba ang paniniwala ng mga tao kung may pamilya na. Kailangang bumuhay ng pamilya kaya kailangan magkatrabaho na. Pero yung mga wala pang pamilya, happy-happy muna. Mahalaga sa kanilang ma-maximize ang panahon para sa happy-happy para pag nagkapamilya na, di na hahanapin ang gimik mode.

Nakikipag-inuman. Madalas, pag nagkikita ang mga tambay, pag bored na sa kwentuhan, nauuwi ito sa inuman. Mas masarap kasi makipagkwentuhan pag may tagayan. Mas nagiging masaya dahil lumalabas ang kalokohan, lalo na sa mga taong tahimik lang pag di nakainom. Lumalabas din ang mga kwentong kutsero. Nawawala ang defenses at reservations kaya mas malakas ang tawanan at basagan kung basagan. Mas makulit mag-reminisce ng past kasi lalabas ang baho ng pinagkukwentuhan nila, na di gaanong nababanggit pag sober ang barkada.

Nakikipagwentuhan sa mga kapitbahay. Pag di available ang barkadang equally-tambay, kapitbahay ang mapagtityagaang kakwentuhan ng isang tambay. Kamustahan sa mga buhay-buhay ang topic of discussion, na mauuwi sa tsismisan about other kapitbahay.

Naglalakwatsa. Ang tambay na may ipon, syempre, maglalakwatsa. Lahat ng di pa napupuntahan dahil walang time at dahil stressed sa trabaho, pagkakataon na para mabisita. Lalo na kung maraming perang gagastusin. Ie-experience ng tambay ang di pa niya nagawa dahil ito na ang tamang pagkakataon para gawin ito. Wala nang trabahong to-toxic sa kanya sa phone, wala nang deadline na dapat i-beat. Wala nang presentation na dapat gugulan ng oras at effort. Kaya pwede nang maglaho nang walang inaalala. Mula sa beaches, scenic spots, theme parks, hanggang sa malls, at simpleng Luneta pwede nang pupuntahan.

Nakababad sa internet. Ang tambay ay updated sa mga palabas sa tv, sine, at maging sa tech world. Walang magawa, may internet connection, ano pa bang hihintayin kundi pumindot-pindot lang ng konti, at konektado na sa mundo. Lahat ng social networking sites, member na. araw-araw may shout-out, uploaded pictures, kumpleto sa mga kanta at tv series. Maraming pwedeng magawa sa internet --- just with a touch of a button.

May sports activities. Lalo na ang mga lalaking active sa sports, tulad ng basketball, badminton, etc., magkakapanahon na para sa mga ganito. Ang walang hilig, susubukang mag-explore. Lalo na ang mga health- at body-conscious. Para di tumaba sa kakaupo sa harap ng computer at ayaw lumaki ang tiyan kakainom, maiisip niyang mag-exercise. At dahil boring mag-exercise at walang pera mag-gym, sports ang pinaka-best way to lose weight. Makakakilala pa siya ng ibang taong mahilig din sa sports. Lalaki ang ang circle of friends.

Kahit hindi kumikita, may mga activities pa rin na nakakatulong para hindi stagnant ang katawan at utak nila --- may exercise at may natututunan pa rin.

Ako, mas masahol pa ‘ko sa tambay. Baka nga mas active pa sa ‘kin ang ermitanyo eh.

No comments: