Nag-aaya ng meet-up si Marianne next week sa Makati. Pag nakikipagkita kasi ako sa kanya dati, sa Greenbelt o kaya Glorietta. Malapit kasi sa work niya, at ngayon, sa tinitirhan nila ni Glenn, her hubby. Di kasi panatag ang loob niyang bumabiyahe ng malayo. Maarte kasi yun, ayaw ng nage-MRT. Medyo hassle para sa ‘kin bilang galing akong Meycauayan, pero okay lang din kasi at least nakakagala ako roon ng may pakay. At di ako mukhang tanga na palakad-lakad lang doon bilang di naman ako familiar sa lugar. At least, pag kasama ko siya, mukha na ‘kong sosyal.
Si Marianne ay kaibigan ko sa college. Masasabing isa siya sa mga naging successful sa mga batchmates ko sa Journ. Nakapagsulat siya sa isang international newspaper at ngayon, corporate writing ang ginagawa niya --- mostly, events. Mataas ang pangarap nito, di basta-basta ang gusto niyang maabot. Isa siya sa mga pinakamagaling sa klase, nirerespeto at di basura ang ugali. Kilala siyang mahilig mag-crackers diet. Nahilig rin siya sa tofu. Mataba yata siya nung highschool kaya na-obsess sa pagpapapayat. Pero I’m sure di ko siya kasingtaba nung highschool ako. Isa siyang Bicolana na di mahilig sa maanghang. Nag-apply siya dati bilang assistant publisher sa Summit --- Cosmo --- kaso mukhang di na natuloy dahil sa kalagayan niya. She’s preggers, congratulations! Sa wakas, after ilang years bilang may-asawa, finally, they found time para bumuo na ng family.
Boy ang magiging baby nila. Happiness! Sana sipagin akong dumalaw sa house nila. Lalaki na naman ang magiging inaanak ko. (Side note: Naging syota ko ang pamangkin niya, si Jojo. Syota talaga e ‘no? Si Marz ang naging tulay namin, although di naging successful ang relationship. What do you expect, bata pa ko noon at di serious sa ganong mga bagay. Gusto ko lang ng experience --- swerte niya. Uy ha, di experience na “experience” ang ibig kong sabihin. Kiss-perience lang. Di kami umabot dun kasi 2 months lang kaming nagtagal at nakipag-break ako sa kanya over the phone on Valentine’s day. Hehe! Kasi naman siya e, di nagparamdam ng 2 months. Dalawang buwan! How’s that for a boyfriend, di ba? At saka iba naman talaga ang gusto niya, naging rebound lang ako. Ngayon, may anak na siya at engaged na sila ng baby-mama niya (yung pinagkaabalahan niya nung 2 months siyang bula, di ito yung girl na gusto niya prior to “us”). Maga-abroad yata siya para matustusan ang pangangailangan ng family. Relationship status: I think we’re friends naman ngayon.)
Inaya ko rin si Rachel, classmate din namin, na sumama pag nagkita kami ni Marz. Hopefully, pwede siya. Romance pocketbook writer naman ito. Mula nung gumraduate, ito na ang inatupag niya. Isa siya sa mga classmates na makikitaan mo ng pocketbook pag vacant nung college. Mahilig siya sa boybands at anime noon. I think hanggang ngayon. Uma-attend siya ng mga cosplays kasama ang barkada niya. Isa siyang playful at malambing na bata. Bata, kasi parang bata pa rin siya magsalita, makipag-banter, etc. Nabalitaan kong nag-ampon siya ng baby girl. Di ko alam bakit pero ang alam ko, unica hija siya sa pamilya. Siguro, I assumed, dahil malaki na siya, wala nang aalagaan ang nanay niya kaya sila nag-ampon. Di naman siguro dahil wala siyang planong bumuo ng sariling pamilya. Siguro naman meron. To think isa siyang romance writer, malamang gusto rin niyang mangyari sa kanya ang sinusulat niyang love stories. Inaya ko siya kasi gusto ko makipagkwentuhan about her work. Iniisip ko kasing i-try magsulat ng novel. Hihingi ako ng pointers. Nasabi ko na rin naman sa kanya sa txt ang plano ko. Natutuwa ako at ine-encourage niya ‘ko. Okay sa kanya kung ipapa-check ko sa kanya ang nagawa ko. I was touched. Ibig sabihin interested siyang turuan ako.
Sana di magka-conflict ang meet-up namin sa pagpunta sa Tagaytay. Alin kaya ang matutuloy? Hmm…
No comments:
Post a Comment