Wednesday, September 1, 2010

update 1: crocodile night

Kahit maulan at may baha ang karamihan sa mga pangunahing lungsod sa Kalakhang Maynila noong Huwebes (ay, parang nagbabalita lang sa news?!), natuloy pa rin ang pagkikita namin nina Marz at Pret sa Greenbelt. Usapan 7pm pero 9pm na kami nagkita-kita sa Greenbelt Powerbooks. Chill lang ang byahe ko papunta, di stressful kasi may MRT. Medyo natagalan lang ako papuntang MRT kasi traffic sa Edsa Muñoz, which is usual. Usually, nagji-jeep lang ako papuntang SM North-Trinoma-MRT kasi otso lang pamasahe. Pero dahil ayokong mabasa ng ulan, nag-bus ako, aircon, onse. In fairness sa nakatabi ko sa bus, cuteness, with his Korean hairstyle na natatakpan na ang kalahati ng mukha. Kaso mukhang bata pa siya, teenager. Sa SM siya bumaba — mukhang tatambay lang kasi di naman siya nakaporma, with his slippers-t-shirt-cargo-pants chill attire. Well, porma na rin ‘yun considering the weather and his age. Matagal-tagal din kaming nag-rubbing shoulders dahil sa traffic. Hehehe! Sobrang katigangan, pati ‘yun ikinasisiya ko na, hahaha! Hay…

Anyway, buti na lang, kalat-kalat na ambon na lang nung nakarating na ‘ko sa Ayala. Di na hassle mag-walkathon. Nag-text na si Pret na naroon na siya sa Powerbooks at wala pa si Marz. Kako, magyoyosi muna ‘ko sa may hagdan sa baba. Sa hagdan na napagtambayan ko, katabi nun ay ang Hermes boutique. Mukhang bagong bukas siya dahil may dalawang babaeng nakatambay rin sa hagdan ang may champagne habang nagyoyosi break. Parang soft opening or something kasi may champagne, hehe! Di ko sure kung ito bang Hermes na ito ay ang brand na may mamahaling bag na niregalo ni Derek kay Angelica (showbiz?!). Sa kwentuhan nila (nung dalawang babae), para silang mga taga-tinda ng produkto ng Hermes — na meron din palang tindang shoes, akala ko bag lang. Sabi kasi nung isang babae, meron daw lalaki na gustong bumili ng shoes made of crocodile skin, kaso magiging available pa ito after 3 years kasi daw, basta may sinabi siya kung gaano karami ang skin na kakailanganin para makagawa ng pair of shoes. Siguro baka mga dalawang crocodile ang kailangang patayin para makagawa ng isang pares. Grabe, ganon pala. Di ba bawal ‘yun? Well…

Buntis na buntis na si Marz — as in approaching 8th month na siya. Si Pret naman nagkalaman din — nung college kasi payatot ‘yun. Kumain kami sa Krocodile Grill, kasama si Glenn na asawa ni Marz. Huli ko nang na-realize na nakakain na pala ako sa Trinoma branch nito at di siya masarap, kaya ayun, di na ‘ko nakapagprotesta. Ayos lang, marami namang inorder, dinaan ko na lang sa quantity over quality, hehehe! In fairness, divided by four, P300 each lang ang 5-course meal na kinain namin (tokwa-tokwa, grilled pusit, sinigang na sugpo, adobong kangkong, tuna sisig at 4 plain rice), kasama na pandan jelly ni Marz, 2 beers namin ni Glenn, at Vodka Raspberry ni Pret. Mura na rin — dapat lang, so-so lang naman ang lasa ng foodam. Lait?!

Di na raw nahihirapan si Marz sa pagbubuntis niya. Nung first trimester kasi, di siya makatayo at makalakad, konting galaw sobrang sakit na. As in nag-rehab pa siya para maiayos ang kalagayan niya. Ngayon, ayos na, pumapasok na siya uli sa office. Baka raw sa Makati Med siya manganak by the end of October. Scorpio ang zodiac sign ng baby. Wala lang. Si Pret naman niratrat ko ng mga tanong tungkol sa pagsusulat niya ng nobela. Gusto ko kasing subukan, wala lang akong willpower na i-overcome ang katamaran ko. Pero binigyan niya ako ng mga tips, at number one tip na implied sa kwentuhan namin ay ang self-discipline. Syet! Sinulat ko na ‘to sa isang lesson ng GMRC. Pano na nga uli ‘yun?

Fifty percent siguro of the kwentuhan ay balita about other batchmates, good friends and not-so-good ones. Five percent about mundane stuff like sabong panlabang may hawakan, pampaputi, Martha Cecilia, etc. Pero pakiramdam ko, sandali lang kaming nagchikahan. Ang ingay kasi ng paligid e, napagitnaan kami ng malalaking grupo ng magbabarkada-officemates na ang iingay magkwentuhan at nagpapalakpakan pa. Nakikipagkulitan pa sila sa isa’t isa — as in, pag nagpalakpakan ‘yung table ng magbabarkada, makikipalakpak din ‘yung table ng officemates, and vice versa. Nakikipalakpak nga rin kami kaso di lang halata kasi maliit na grupo lang kami.

Sa totoo lang, masaya ako at magaan sa pakiramdam na nakita ko sina Marz at Pret, kahit a week prior ay naga-alibi ako para di makipag-meet kasi Makati area, malayo. Pero I’m glad, finally, na-push ko ang sarili kong gumalaw kahit pa kontrabida ang weather nun. Gusto ko rin kasi makita nila na medyo pumayat na ‘ko, hihihi! Pero nabitin talaga ‘ko sa kwentuhan. Siguro next time dapat gawing after lunch ang pagkikita para mas mahaba ang time to bond. At sana ‘yung maayos ang weather.

No comments: