Wednesday, November 28, 2007

The New Journ Post

Nakakatuwa tignan ang Friendster ng bagong staff ng The Journ Post. Binuhay nila ang dating naiwan naming dyaryo sa maskom (PUP). That was 5 years ago when the last issue of Journ Post seen light. Nung gumraduate kami, nawala na rin ang JP. Sinubukan naming ipamana ang dyaryo sa sumunod na batch kaso hindi sila successful sa pagbuhay nito. Siguro nagkulang sa lakas ng loob, dedication at support. Pero I could only speculate. Hindi ko talaga alam kung ano ang story behind it.

Tuwang-tuwa kami nung ipatawag kami ni Ma'am Angie (prof sa maskom) para magpatulong sa pagbuhay uli ng JP. Wow! After 5 years! Na-meet namin ang bagong batambatang staff. Tinawag na nila ang Journ Post na THE JOURN POST.

THE NEW STAFF
The TJP Staff... with Ma'am Angie, new TJP consultant

The team at work... Jo Luna, TJP EIC

The new look of The Journ Post
THE OLD "STUFF"
Ancient JP Staff manning the newsstand...
ginabi na para maabutaan ang BJ-1n

Tuesday, November 27, 2007

Friendster Horoscope for November 27, 2007

Cancer (Jun 22 - Jul 22)[?]

The Bottom Line
It's a great time to take a risk in romance. Be more assertive with your flirting.


In Detail
New inventions and just-so-crazy-it-could-work ideas will be entering your mind throughout the day, lighting up your attitude and making you feel empowered. Suddenly, the world is full of opportunity and inspiration! This is a great time to take a risk in the romance department and be a little bit more assertive with your flirting. Take any opportunity you can get to come right out and let this person know you're into them. It will be nothing but flattering



>>> Siyet! Pano ba yun? Flirting, e hindi nga ako marunong nun (hehehe!). Saka, sino naman ifi-flirt ko, si Galo? Eeeww! Sila Direk? Mas lalong eeeww! Si Ayis? Hmm... Nag-isip bigla! Hindi ko na kasi nakikita si Papa Bryan, siya sana. As if kaya.

Pansit, Nakakabangungot

Sabi ni Galo (headwriter ko), nakakabangungot daw ang pansit. Ows? sabi ko. Oo daw. Yun daw kaya ang ikinamatay ni Rico Yan. Kaya siya binangungot dahil sa pansit.

Bawal daw kumain ng pansit sa gabi, lalo na kung malapit ka na matulog. Ha? Pano? Kasi daw, ang bangungot ay lack of water sa katawan. Ang pansit naman, nage-expand daw ito sa tiyan due to the water ng body. Sinisipsip ng pansit ang water kaya sila nage-expand. Kapag natulog ka after kumain ng pansit, babangungutin ka. Yun daw ang nakita kay Rico Yan nung in-autopsy siya---puro pansit ang laman ng tiyan. Owkey! So ang solusyon, wag kang matulog pagkakain ng pansit, o kahit anong lafang para sure. O kaya, uminom ka ng galong-galong tubig para may masisipsip ang pansit, nang hindi ka mauubusan. Tinry daw niya 'yon. Kumain siya ng sandamakmak na pansit galing Chowking. Ginawa niyang midnight snack ang pansit. Hindi siya uminom ng tubig (buti hindi nabilaukan). Tapos natulog na siya. Ang gago, binangungot nga. Buti na lang, nagising siya ni Tiyo. Ayan, may headwriter pa 'ko ngayon. Siraulo talaga 'yon, ginawang guinea pig ang sarili. He, therefore, lived to tell the tale. Ngayon, si Mamu (PM ko), nag-second-the-motion pa, totoo daw 'yon. Kaya, no contest. Sige na nga, maniniwala na 'ko. Ayoko ngang i-try for myself.

Comfort food nilang dalawa ang pansit kaya malawak ang kaalaman nila tungkol dito. Who am I to question, di ba?

Sunday, November 25, 2007

Braso Talks

Napansin ko sa mga pictures ko sa Bora, hindi naman pala ganon kalaki ang braso ko. Proportioned naman pala siya sa katawan ko. Not bad.

Sana magawa kong mag-sleeveless sa tunay na mundo. Para kasi sa’kin, ang Boracay ay isang pantasya. Ang sarap sa fantasy island.

Couch Potato

Dati, gustung-gusto kong manood ng Blind Date, Fifth Wheel, Change of Heart at Elimidate. Nakakaaliw kasi panoorin yung mga taong magaganda naman pero nagre-rely sa orchestrated dates para magkaroon ng romance sa buhay. Informative din kasi, nakikita mo ang psyche ng iba’t ibang klase ng tao. Nalalaman kung paano sila gumalaw para maakit ang partner. Kung pano sila manindigan sa values/beliefs nila.

Pero ngayon, tinamad na ‘ko. Bukod sa panay replay na sila, nakaka-frustrate lang sila panoorin. Wala nang tunay na love. Puro sex na lang sila.

Nahihilig ako ngayon sa Cinemaone—mga tagalog films, old and recent. Aliw kaya, lalo na yung mga Petrang Kabayo ni Roderick Paulate, Narinig mo na ba ang l8st? nina Aga at Joyce Jimenez, T-bird at Ako nina Nora at Vilma, etc. Nakakaaliw kasi. Makikita kung paano nag-evolve ang storytelling, visual effects, fashion, language, especially ang stories mismo.

Ang mga teleserye ngayon, pabilisan na ang labanan. Revelation after revelation. Hindi na masyadong mini-milk ang emotions. Whatever happened to "salsalan ng emosyon"?

Anong Date na ba Ngayon?

Sa totoo lang, hindi ko na alam kung anong date na ngayon. Kung hindi pa ‘ko titingin sa cellphone ko, hindi ko pa malalaman. Ba’t ganon? Hindi naman ako ganon dati. I kept track of the date of the day everytime. Pero ngayon, parang balewala na ito sa ‘kin. Baka dahil sobrang bilis ng galaw ko na ang huminto at tumingin sa kalendaryo ay hindi ko magawa. Kalungkot naman. Ni pagtingin sa biirthday list ko, para man lang mabati ko yung mga taong nag-birthday at magbi-birthday sa buwan, hindi ko magawa. Ito na ba yung perennial situation na sasabihan ka ng “you should stop and smell the flowers”?

Hindi naman. Hindi naman siguro ako ganon ka-busy. For one, hindi naman everyday ang pasok ko. Hindi naman ako nago-office. Hindi naman araw-araw ang meeting (akshuli, gabi-gabi). Panay tulog lang naman ako (minsan bumabawi ng tulog, minsan batugan lang talaga ako).

Siguro tamad lang talaga ako.

Saturday, November 24, 2007

Aanim-pipito Relived

Habang nakikialam ako sa blog entries ni Bern ay nakita ko ang mga ito.
Siyet, ambabata pa namin nito. Nakakatuwa.

tambay sa lagoon
kila grace: hayok sa picture kaya kami nagkaganyan
(above) bern, weng (below) aimee, grace, she, eden
thesis: jeep ni grace, ayun ang braso ni bern, si eman yang kumukuha ng video sa ibabaw, ang nagda-drive ay si grace
ang ganda ng hair ko rito a, mukhang nagpa-hot oil
miss ko na ang shirt na 'to, hindi na siya kasya, hehe!
sa grotto 'ata ito, biglaan pa nga 'ata, tapos naaya pa namin si cot at sisteret niya, kaaliw!
may mga work na kami nito
Ay, na-miss ko bigla ang "aanim-pipito".
Magkita-kita naman tayo!!!

What Gender is My Brain?

Your Brain is 47% Female, 53% Male

Your brain is a healthy mix of male and female
You are both sensitive and savvy
Rational and reasonable, you tend to keep level headed
But you also tend to wear your heart on your sleeve

Ang Cute Talaga ni Bryan!

Hay! Nakakapawi ka talaga ng pagod. Tamang-tama lang ang timing mo. Kainitan ng brainstorming at antok na antok ako. Paglingon, ayan ka, palapit, may inaabot na papeles sa boss mo. Naka-jacket ka ng puti at tshirt na green sa loob. Mahilig ka siguro sa green, mas madalas kasi kitang makitang naka-green kesa iba pang kulay. Kahit sobrang gabi na, maayos pa rin ang buhok mo. Ano kayang itsura ng buhok mo pag walang gel?

Alam mo ba na everytime pumupunta ako sa production, wini-wish ko na sana makita kita o kaya makasalubong at magkatinginan man lang tayo. Pero kahit hindi tayo magkatinginan, makita lang kita, okay na 'ko. Siyet, ang cheap ko! Sobrang chine-cherish ko ang time na nagkakatinginan pa tayo. Lalo na dun sa dressing room. Naka-polo shirt ka na green, nakaupo sa sahig at nagte-text. Pagdaan namin ni Danica, nakatingin ka sa 'kin, siguro sa 'ming dalawa ka nakatingin pero mahirap 'yon gawin unless banlag ka, kaya mas gusto ko nang isipin na sa 'kin nga namahinga ang mga mata mo. Tinanong kita kung nakita mo si Galo. Para kang na-speechless na nakatingin lang sa 'kin. Nakyutan ako sa'yo nun, as in. Gusto kong isipin na crush mo rin ako kaya para kang nauutal nun, kaso pwede ko ring isiping busy ka lang sa pagtetext kaya hindi mo agad na-gets ang tanong ko, o kaya hindi mo pala kilala si Galo, pwede ring ganon. O pwedeng masyado lang akong ilusyunada.

Nakakainis ka naman. Bakit kasi hindi mo man lang ako batiin o kausapin? Alangan namang ako pa ang lumapit sa'yo at mag-effort para mambati. E torpe kaya ako. Sige na, ikaw na lang gumawa ng first move. O kahit friendship na lang, okay na 'ko dun. Hindi naman ako choosy e.

Thursday, November 15, 2007

Wala pa rin?!

Naghahanap ako ng WIFI spot kanina. Sa The Block, yung Seattles Best dun, meron. Pero naisip kong mag-Trinoma na lang kasi umaambon. Labo? Hindi. Kasi sa Seattles, maraming tao, daanan. E, alam mo na, takaw-nakaw ang laftaf. E kung sa Trinoma, at least covered ang Coffee Bean, hindi mauulanan, at di daanan. So, go ako sa Trinoma. Na-discover ko na hindi na pala mahirap maglakad at tumawid papuntang Trinoma. Mas malapit yung daanang offered ngayon ng SM, tumbok agad ang tatawiran to Trinoma. Yung dati kasing daanan, parang may dating na ang layo-layo ng Trinoma. E ngayon, may ginagawa kasi, kaya ibang walkway na yung meron.

Nakarating na nga ‘ko sa Trinoma. Hanap ako ng pwedeng pagtambayan na may WIFI. Sabi sa Concierge, sa Coffee Bean daw. Good, at least, at ease na ‘ko dun kasi tumatambay ako dun pag nasa Trinoma. So, punta nga ‘ko. Buy na ‘ko ng coffee para di halatang WIFI lang naman talaga yung ipinunta ko dun. Kaso mo, sabi nung barista, WIFI zone nga ang Coffee Bean, pero wala naman silang card para magamit ang privilege na ‘to. Card ito para sa password. Hay naku! Kainis! Walang kwenta!

Kaya eto, mega type na lang ako dito ng ipo-post sa blog. Sayang naman ang effect kong laftap, hindi nagamit sa pagi-internet. Buti pa sa Burger King, may silbi kahit mahal ang foodam. Kailangan lang ng password na kukunin sa counter. At libre ito. Hindi tulad sa Coffee Bean na may bayad ang card ng P100. Mahal na nga ang kape, magbabayad ka pa para mag-internet. Hmp!

At least, nabasa ko na rin ang week 11 iskrip ni Danica. Actually, dapat may feedback meeting ngayon. Kaso paalis na ‘ko ng bahay nung nag-text si Danica na postponed daw ang meeting, sa Friday na lang daw. Tinuloy ko pa rin ang paglarga. Sana lumuwas na lang ako ng maaga para kumuha ng sweldo para may nahita naman ako sa pagluwas kong ‘to. Ayan tuloy, tumambay lang ako. E wala pa naman akong nadalang babasahin dahil I was up for the meeting. Bad trip!

E ba’t kasi lumuwas ka pa? Ayan tuloy, gumastos ka lang para tumambay!

Sus, ayos lang. Lagi ko naman ‘tong ginagawa—lumuluwas para makapagkape lang, tumambay, makapagyosi, at i-meet si Kym. What’s new?

Kape?! Meron sa bahay a. Palibhasa, may pera ka pa.

Paubos na nga e.

Gagah ka.

Oo na. Pagbigyan mo na ‘ko. Eto lang naman ang luho ko.

Bahala ka.

Baka nagugulat kayo sa sumasagot na italics. That’s the other side of my brain. Binibisita niya ‘ko paminsan-minsan. Adik ‘yan e. Kontrabida!

Wala na ‘kong yosi. Maya-maya, uwi na ‘ko.

May sakit ka pa, lakwacha ka ng lakwacha, nagyoyosi pa.
Kaya nga may gamot no.


TAMPO!

Hmp! Kakainis! Week ko na nga yung lumalabas sa Lastikman e wala pa rin ang pangalan ko as episode writer. Ronald Tabuzo pa rin yung nakalagay. Hindi ko pa mapapansin kung di nakita ni Mama. Nagtanong tuloy siya. Sabi ko, baka nakalimutan lang sa editing. Sabi niya, parang mali naman daw yon. Gusto ko sanang i-pacify si Mama kaso ano nga naman ang magagawa ko, di ko rin naman alam kung bakit ganon. Nahihiya ako kay Mama dahil inaabangan niya yon tapos wala. Yun na nga lang kaligayahan niya, ang makita ang pangalan ko sa TV. Pano, nung primer ng Lastikman, hindi ako nagpa-interview. Hiya ako e. Saka ever since, Panday primer pa lang, hindi na ‘ko nagpapa-interview. Ayaw! Kuntento na ‘ko na nasa likod ng camera, bumubuo ng story. Bahala na ang mga artista sa harap ng camera. Kaya kahit man lang pangalan ko, sana makita ni Mama. Para may maipagyabang naman siya na, “Anak ko yang writer na yan.”

Buti na lang tumawag si Darnel (Executive Producer ng show) kanina para magtanong tungkol sa isang character sa kwento. Nai-segue ko sa pangalan ko. Hehe! Sana tuparin niya. Buti na lang akin pa rin ang week 7.

Thursday, November 1, 2007

Miss ko na si Gidgett!

Birthday niya nung 29 Oct.
Hapon ko na siya nabati.
Si Kim kinabukasan na siya nabati.
Gustung-gusto niya si Jake.
Dati may E sa dulo ang name niya.
Gidgette.
Nalaman niya sa birth cert niya, wala pala dapat E.
May sarili na siyang apartment.
Pwede na siyang gumawa ng himala.
Marami siyang crushes.
Pero marami rin siyang heartaches.
Di bale, marami naman siyang pera.
Hehehe!

This is the Life

What: Trip to Boracay
When: 15-17 Oct 2007
The Rides

:: We were in the domestic airport at around 6am. Bad trip yung driver ng taxing nasakyan namin. Kulang na lang sabihin niya na "ang tataba n'yo kasi kaya sumasayad ang taxi ko sa daan". Reklamo pa ng reklamo na parang gustong humingi ng tip dahil naperwisyo namin siya. Kainis! Ke aga-aga, nang-uurat. Di pa naman ako sanay na gising sa umaga.
:: Cebu Pacific ang ride namin. Medyo pamilyar siya sa'kin kasi dito rin kami nung pumunta kami ng mga co-Maharlikans ko ("Maharlika" was a shelved teleserye) sa Cebu (for the BIMP-EAGA conference na kailangan namin sa soap). Sinabi ko agad kay Bern na may smoking area sa airport. Pagkatapos na pagkatapos namin sa mga rekositos ng airport, go agad kami ni Bern sa smoking area. Ang lamig kasi. :: Ang daming magjowa na matching ang mga suot---parehong kulay ng shirt o kaya shoes, etc. Bakit kaya? Para isigaw sa buong mundo na magjowa sila? Para sabihin sa lahat na taken na sila? O baka naman may contest na "Find Your Partner", at ang clue ay matching colors? Basta ako, happy ang color---blue.

Plane to Kalibo: puro pakpak
:: Less than an hour lang 'ata ang iniupo namin sa plane pero halatang enjoy na enjoy sina Grace at Rez, parang ako nung first time kong sumakay sa plane. Si Bern naman, tahimik na nakaupo sa may aisle, tensyonado. Pano, pagkatapos ng plane at van na 2 hours, magbo-boat. Ayaw niya ng boat, hihimatayin siya sa takot. (Pero sabi niya, natutulog daw siya nun.)

Welcome to Kalibo!


:: Maliit lang ang Kalibo airport. Pagkakuha namin sa mga baggage, may lumapit na agad para mag-offer ng van to Caticlan. Di ko na maalala kung magkano ang pamasahe sa van. Basta ang masasabi ko, sulit-sarap ang biyahe kahit matagtag. Completos recados, may bukirin na parang Bulacan o Nueva Ecija, bundok at zigzag na parang Baguio, at dagat na walang kapantay. All in one.

Lafang Diaries
:: Smokes: Hirap hanapin! Akala pa ng napagtanungan namin, Smokeys ang hinahanap namin. Smokeys! buhay pa pala yon?
:: Kailangan daw puro seafoods ang kainin namin dahil bihira kaming mag-seafoods sa Maynila. Go! Nag-lechong kawali 'ata ako, hehehe! May sinigang na hipon naman ah! Katulad sa ibang mga resto, 48 years bago dumating ang lafang. Ayos na rin, may magagawa ba? Sarap---lalo na sa mga taong gutom. Kaso nakakakuba yung inupuan namin. Elevated kasi, mataas ang upuan, di swak sa mesa.
:: After kumain, our first meal in Boracay, naglakad-lakad kami para bumaba ang kinain. Pero hindi pala biro ang maglakad dito. Ang layo! Ang haba! Ang hirap lakarin mula Station 1 hanggang 3. Suko! Tagtag lahat ng kinain namin, pati mga stored fats. Bawi na lang sa pagpi-picture sa di namin hotel. Hehehe!
:: Ito talaga ng tunay na tinuluyan namin: La Carmela de Boracay, Station 2.
:: Nung una, nagtataka kami bakit may mga tabing na kawayan at tapalodo ang tapat ng mga resorts, yung mga lalakaran. Parang nakakapangit ng view ng dagat. Pero nung naglalakad na kami, na-gets ko na. Pantabing sa init. Kasi tinry din naming maglakad by the shoreline sa katanghaliang tapat. Grabe, ang ineeet! Yun pala ang purpose nun. Para masarap-sarap naman ng konti maglakad-lakad kahit maaraw-araw (doble-doble?).
:: Feel naming magpahinga, kaya go kami sa isa sa mga coconut trees na nakahilera sa labas ng tabing. Aba, at may nagsu-swimming! Career! Puro mga foreigners na gustong magpa-tan. Ang hapdi ng sikat ng araw pero sila, keber. Kami naman, sige lang. Dito lang kami sa lilim, picture-picture.

La Carmela Poolside: Breakfast buffet ini.
:: Masarap ba ang pagkain, Rez?
D' Market: Nagpaluto kami ng pinamalengkeng seafoods dito. Kaso hindi na kami nagpiktyuran kasi gutom na gutom na kami e. Hehehe!
Jonah's Shakes: Sarap ng Banana Peanut Butter Shake!
:: Sige lang, Bern, don't be shy, lantakan mo...
Dinner buffet: Mahilig kami sa buffet. Hindi ba halata? (Hindi ko maalala ang name ng resto na kinainan namin. Parang mala-Sex on the Beach 'ata ang tunog nun e.)
Alipin ng araw: ayaw paawat

:: Hindi n'yo ba alam? May swimsuit competition sa Bora. Contestant kaya kami ni Bern. Ewan ko sen'yo ba't di kayo nanood.

:: Yeba! (shark! shark!)

:: Bra-less fantasy. Presko!

Nature Art
the "back" view

sand castle: astig!
sunset beach
Boracay Scandal

:: Ang daya! Ba't walang kahihiyan si Rez dito?
:: Caught unaware ako dun ah.
:: Plakda si Bern.


Let's party the night away! languan na 'to!
:: Mga sirena sa tabing-dagat. Gorgeous!
:: Cafe Del Mar. Siyet, ang mahal!
The Real Main Event
wait, there's more

:: Sus! Malay ko ba na may importante palang mangyayari sa Boracay. Akala ko ise-celebrate lang namin ang tagumpay dahil, sa wakas, with our own hard-earned money, ay nakatuntong na kami sa island paradise. But wait, there's more pala. Magpo-propose pala si Rez kay Grace!

ENGAGED TO BE MARRIED NA SILA!
Bitin
Babay na... aalis ka na...

:: Uwian na. Sa 3D-2N na nangyari, bitin na bitin pa rin ako. Nagpaparinig nga si Bern (at ako rin) ng extension! extension! kaso, it fell on deaf ears. At matrabaho nga naman magpa-rebook. Saka may samaba sila kinabukasan. Hay. Next time na lang uli.
:: Si Bern naglalagay ng contact lens sa moving vehicle. Ayos!
:: Biyahilo. Hindi naman halata. Si Bern nagre-recover pa sa boat trauma.......ay, mukhang okay na, ngumingiti na sa picture e.
:: Plane pabalik ng MNL. Huhuhu...

SEE YOU SOON, BORACAY.