Thursday, November 15, 2007

TAMPO!

Hmp! Kakainis! Week ko na nga yung lumalabas sa Lastikman e wala pa rin ang pangalan ko as episode writer. Ronald Tabuzo pa rin yung nakalagay. Hindi ko pa mapapansin kung di nakita ni Mama. Nagtanong tuloy siya. Sabi ko, baka nakalimutan lang sa editing. Sabi niya, parang mali naman daw yon. Gusto ko sanang i-pacify si Mama kaso ano nga naman ang magagawa ko, di ko rin naman alam kung bakit ganon. Nahihiya ako kay Mama dahil inaabangan niya yon tapos wala. Yun na nga lang kaligayahan niya, ang makita ang pangalan ko sa TV. Pano, nung primer ng Lastikman, hindi ako nagpa-interview. Hiya ako e. Saka ever since, Panday primer pa lang, hindi na ‘ko nagpapa-interview. Ayaw! Kuntento na ‘ko na nasa likod ng camera, bumubuo ng story. Bahala na ang mga artista sa harap ng camera. Kaya kahit man lang pangalan ko, sana makita ni Mama. Para may maipagyabang naman siya na, “Anak ko yang writer na yan.”

Buti na lang tumawag si Darnel (Executive Producer ng show) kanina para magtanong tungkol sa isang character sa kwento. Nai-segue ko sa pangalan ko. Hehe! Sana tuparin niya. Buti na lang akin pa rin ang week 7.

2 comments:

may said...

ahhh... den den! dapat nga andun na name mo para mapagmalaki na dn kita dito sa men. kahit di kami nanunuod sa abs, manonod kami one episode tas ipagmamalakiko sa lahat dito na nakita ko name mo at ikaw ang writer! ahihihi (=

WRITER DAW said...

may, lumalabas na ngayong week na 'to ang name ko. baka next week papalitan na ng ibang name kasi hindi na akin yung week na yun e. =)