Dati, gustung-gusto kong manood ng Blind Date, Fifth Wheel, Change of Heart at Elimidate. Nakakaaliw kasi panoorin yung mga taong magaganda naman pero nagre-rely sa orchestrated dates para magkaroon ng romance sa buhay. Informative din kasi, nakikita mo ang psyche ng iba’t ibang klase ng tao. Nalalaman kung paano sila gumalaw para maakit ang partner. Kung pano sila manindigan sa values/beliefs nila.
Pero ngayon, tinamad na ‘ko. Bukod sa panay replay na sila, nakaka-frustrate lang sila panoorin. Wala nang tunay na love. Puro sex na lang sila.
Nahihilig ako ngayon sa Cinemaone—mga tagalog films, old and recent. Aliw kaya, lalo na yung mga Petrang Kabayo ni Roderick Paulate, Narinig mo na ba ang l8st? nina Aga at Joyce Jimenez, T-bird at Ako nina Nora at Vilma, etc. Nakakaaliw kasi. Makikita kung paano nag-evolve ang storytelling, visual effects, fashion, language, especially ang stories mismo.
Ang mga teleserye ngayon, pabilisan na ang labanan. Revelation after revelation. Hindi na masyadong mini-milk ang emotions. Whatever happened to "salsalan ng emosyon"?
No comments:
Post a Comment