Si Jake talaga, komedyante. Kahit saang barkada, lagi siyang alive. Parang kiti-kiti, hindi mapirmi. Pero one thing's for sure, kahit sobrang tawang-tawa na sila kay Jake, hindi ako masyadong natatawa.
Classmate ko si Jake nung highschool. Nung elementary naman, pang-umaga siya, pang-hapon ako. Hindi kami naging close talaga. Pero lahat ng ka-close ko, ka-close niya. Ewan ko bakit kaming dalawa, hindi close.
Nakakaaliw naman talaga siya. Lalo na sa mga girls. Alam n'yo naman ang mga babae, mahilig sa komedyante. Pero minsan, umo-OA, nakakairita. Parang basta may maipatawa lang. Bumebenta naman sa'kin paminsan-minsan ang mga kalokohan niya. Hindi naman ako manhid. It's just that, umo-over lang pag sobrang maligaya na siya.
Kaya siguro hindi kami close. 'Layo ba?
Di ko nga alam na magsanggang-dikit ngayon silang dalawa ni Kim e. Si Kim, classmate ko 'yan nung Grade 3. Bestfriends kami niyan noon. Kaso lumipat siya ng school nung highschool na. Ngayon na nga lang naging constant uli ang communication namin---ngayong nagwo-work na. Galing nga e. Astig 'to, rakista. Kaya nga nagulat ako nung barkada pala niya sa college si Jake na isa namang hiphop. Hiphop versus Metal. Haha! Ang luma!
Natutuwa naman si Kim kay Jake kasi life of the party e. Magaling sa kalokohan. Enjoy naman daw. Pero minsan, pinagbibigyan na lang din nila. May "saltik", ika nga ni Kim, din kasi minsan si Jake. Papampam, ganon. Gusto siya lagi ang nasusunod. Pero pag may mayaman sa barkada, para namang asong ulol na bow ng bow, bowowow.
Ganun siya talaga. Kahit nung highschool kami, yung bestfriend daw niya e yung anak ni Vice. Siguro nga, totoo namang mag-bestfriends sila. Basta lagi siyang didikit at didikit sa mga mayayamang friends, gaya nung classmate nila nung college na si JR.
E sabi ni Kim, hayaan na lang daw si Jake. Ganon talaga siya e. Nakasanayan na niya yon. Ako naman, kebs. Naichika ko lang.
No comments:
Post a Comment