Saturday, November 24, 2007

Ang Cute Talaga ni Bryan!

Hay! Nakakapawi ka talaga ng pagod. Tamang-tama lang ang timing mo. Kainitan ng brainstorming at antok na antok ako. Paglingon, ayan ka, palapit, may inaabot na papeles sa boss mo. Naka-jacket ka ng puti at tshirt na green sa loob. Mahilig ka siguro sa green, mas madalas kasi kitang makitang naka-green kesa iba pang kulay. Kahit sobrang gabi na, maayos pa rin ang buhok mo. Ano kayang itsura ng buhok mo pag walang gel?

Alam mo ba na everytime pumupunta ako sa production, wini-wish ko na sana makita kita o kaya makasalubong at magkatinginan man lang tayo. Pero kahit hindi tayo magkatinginan, makita lang kita, okay na 'ko. Siyet, ang cheap ko! Sobrang chine-cherish ko ang time na nagkakatinginan pa tayo. Lalo na dun sa dressing room. Naka-polo shirt ka na green, nakaupo sa sahig at nagte-text. Pagdaan namin ni Danica, nakatingin ka sa 'kin, siguro sa 'ming dalawa ka nakatingin pero mahirap 'yon gawin unless banlag ka, kaya mas gusto ko nang isipin na sa 'kin nga namahinga ang mga mata mo. Tinanong kita kung nakita mo si Galo. Para kang na-speechless na nakatingin lang sa 'kin. Nakyutan ako sa'yo nun, as in. Gusto kong isipin na crush mo rin ako kaya para kang nauutal nun, kaso pwede ko ring isiping busy ka lang sa pagtetext kaya hindi mo agad na-gets ang tanong ko, o kaya hindi mo pala kilala si Galo, pwede ring ganon. O pwedeng masyado lang akong ilusyunada.

Nakakainis ka naman. Bakit kasi hindi mo man lang ako batiin o kausapin? Alangan namang ako pa ang lumapit sa'yo at mag-effort para mambati. E torpe kaya ako. Sige na, ikaw na lang gumawa ng first move. O kahit friendship na lang, okay na 'ko dun. Hindi naman ako choosy e.

No comments: