Friday, February 29, 2008

ilusyon!




You Are Somewhat Sexy



While you may not be the sexiest person in the world, you have your sexy moments.

You sometimes carry yourself well, and it gets you a lot of attention.



You have a lot of sex appeal ... as long as you remain confident, friendly, and adventurous.

The only times you seem unsexy are when you lose your confidence or sense of adventure.



How You Are Sexy



You accept your body as it is, and that's sexy. If you feel attractive, you are more attractive - no matter what your shape is.



You are flirtatious and fun with most people. You know how to keep things light, friendly, and sexy.



How You Aren't Sexy



You are hesitant and cautious in your approach to life. There's nothing sexy about being scared!



You're not very active, and that's not terribly sexy. It's hard to be attractive when you're always catching your breath.

50-50 normal

normal pala ako, hehehe!




You Are Fairly Normal



You scored 50% normal on this quiz



Like most people you are normal in some ways...

But you aren't a completely normal person. You're a little weird too!



Why You Are Normal:



You prefer fiction to non fiction



You would eat meat from a cloned animal



You rather be screwed over than screw someone else over



You check your daily horoscope



You would rather be pale than tan





Why You Aren't Normal:



If given the choice, you would choose to have more time over more money



You eat the cupcake first



You find the Chicken Dance to be the more embarrassing dance



You prefer a good nap to a good meal



You prefer flat potato chips.

nasaan?!!




You True Love Will Find You



When it comes to love (and life), you totally put yourself out there.

It's very easy for you to find love - and for love to find you.

The best part is, you're never even actively looking to meet someone.

You're just out there so much that love always seems to come your way.

what happened in 1981




In 1981 (the year you were born)



Ronald Reagan becomes president of the US



Minutes after Ronald Reagan becomes president, Iran releases 52 American hostages that had been held captive for 444 days



President Reagan is shot in the chest by would be assassin John Hinkley



Space shuttle Columbia, the world's first reusable spacecraft, is sent into space



A suspended walkway in the Kansas City Hyatt Regency Hotel collapses, killing 113



A female former lover files a "palimony" suit against tennis star Billie Jean King



President Reagan appoints Sandra Day O'Connor to be the first woman on the Supreme Court



The Pac-Man video game is introduced in the US



Alicia Keys, Elijah Wood, Kelly Rowland, Anna Kournikova, and Britney Spears are born



Los Angeles Dodgers win the World Series



Oakland Raiders win Superbowl XV



New York Islanders win the Stanley Cup



Raiders of the Lost Ark is the top grossing film



"Bette Davis Eyes" by Kim Carnes spends the most time at the top of the US charts



MTV debuts on cable television, playing music videos 24 hours a day



Gimme a Break premieres

indie-ness




You Are 43% Indie



You're pretty indie, but you don't make a fuss letting everyone know.

You just do what you like. You enjoy many types of things - from trendy to bizarre.

typical




You Should Be a Science Fiction Writer



Your ideas are very strange, and people often wonder what planet you're from.

And while you may have some problems being "normal," you'll have no problems writing sci-fi.

Whether it's epic films, important novels, or vivid comics...

Your own little universe could leave an important mark on the world!

90's baby




You Belong in 1991



With you anything goes! You're grunge one day, ghetto fabulous the next. It's all good!

choosy daw ako?!




Men See You As Choosy



Men notice you light years before you notice them

You take a selective approach to dating, and you can afford to be picky

You aren't looking for a quick flirt - but a memorable encounter

It may take men a while to ask you out, but it's worth the wait

"when will I meet my next bf" hahaha!




You'll Find a Boyfriend Within a Year



Either you're not ready for a relationship...

Or you're not quite ready to leave the house

You can't meet a guy from your couch

So at least consider meeting one from your computer!

My Funky Inner Hair Color

trip kong magpakulay ng buhok. bagay kaya sa 'kin 'to?

Your Hair Should Be Orange
Expressive, deep, and one of a kind.
You pull off "weird" well - hardly anyone notices.

Wednesday, February 13, 2008

Kailangan kong matutunan ang rain dance

Dating sobrang busy ko, I longed for a time alone. ‘Yung walang ginagawa, walang stress. Ngayong wala naman akong ginagawa, gusto ko namang may gawin. Anlabo ko!

Si Gidgett may BF na, si Patz. Si Kym naman, starting a new life through her new work sa Bench. Astig! Bench! Proud ako sa’yo! Ako kaya, anong mangyayari sa 2008 ko?

Parang ganito rin ang feeling ko nung first half ng 2007. Walang nangyayari. Ang excuse ko, quarter-life crisis. Bokya kasi ang career ko nun. Depress-depressan. May show nga, hindi naman naa-approve. To think, Mari Lamasan, kapatid ni Inang, ang headwriter ko, at one of my co-writers is Dindo Perez of “Don’t Give Up on Us” fame. Handpicked pa ‘ko ni Inang noon (din naman sa pagmamayabang, hehe). Kaso, isang taon ang lumipas, hindi pa rin umeere. Nag-resign ako, saka naman na-shelve officially. Kakatawa. Three months akong nakatengga. Tapos, inilipat ako ng tadhana, at ng powers ni Mamu, sa Deo Group of Companies through Lastikman. Dun naman ako kinontak ng mga EP para sa mga show. Muntik na nga akong apasama sa Lobo na hindi pa Angel-Piolo nun. Kaso, nauna na ang Lastikman kaya na-turn down ko ang mga offers. Offers?! Ito ngayon ang kapalaran ko sa Deo Group of Companies—hindi kilala ni Sir Deo at ineetsa-pwera sa meetings.

Naisip ko tuloy, may point kaya si Jayson sa pag-iisip kung tama ba ang ginawa niyang paglipat? Tama ba ang paglipat ko sa “kabilang bakod” where, they say, is greener? O baka impatient lang ako? May show naman ako eh. Once a week nga lang. Hindi teleserye. Hay… “uulan” din sa career ko.

Nung nasa MNS Group kasi ako, kilala ako ng mga tao—pwera ni MNS. Pero ngayon, konti na nga ang kilala ko sa Deo Group, hindi pa ‘ko kilala ni DTE. Pero, at least, bago ako umalis kay MNS, nakilala na ‘ko ni Sir Ricky. ‘Yun lang!

*sigh* (Alonso?)

Valentine's? Eeeww!

Leap year ngayon. Ito raw ang pagkakataon ng mga single para hindi na maging single. Hindi ko alam kung anong konek, kasi pwede namang magka-relasyon ang mga single kahit hindi leap year. Siguro mas malaking percent na magkakaroon ng jowa ang mga single ngayong panahon na ‘to. Eh ba’t naman kaya? Sino ba kasing nag-imbento ng konseptong ‘to?

Ang laki ng buhok ko ngayon. Afro-Fil ako. Hehehe! Kaya siguro ako pinagtitinginan ng mga tao. Sa panahong ito na ako’y Afro-Fil, magkaka-jowa kaya ako? Kahit leap year? Kahit cute naman ako?

Sa table sa tapat ko, may apat na early 20s na bading. Sa table sa tabi ko, may apat na babaeng 20-something, ang dalawa ay tibo. Sa kabilang table, mag-jowa, at sa kabila pa, at sa kabila pa. Sa malayong table, mga bakla in their late 20s. Ako, nag-iisang pechay. Ano nang nangyayari sa mundo? Third sex invasion!!!

Nawiwili akong tumambay sa mga kapihan ngayon. Ba’t kaya? Samantalang mas maraming tumatambay na mag-jowa dito. Mas nakakainggit. Mas nakakalungkot. I feel alone in this pairing system of the world. Grr! Imagine, lahat ng klaseng mag-jowa nakikita ko dito. May heterosexuals, may bading, may tibo. Kanina nga, ‘yung dalawang bading, may cake at flowers pa. Ayus! Para rin pala silang hetero. Dahil ba Valentine’s?

Alam mo bang natukso ako kay Jayson, my colleague? Nagte-text kasi kami isang gabi. Nag-aangst siya. Tapos nung lumalim na ang gabi at tumagal na ang textan namin, natukso akong itanong sa kanya kung trip ba niya ‘kong halikan. Buti na lang, bago ko pa natanong, hindi na siya nag-reply. Mukhang nakatulog na siya. Buti na lang. kundi, nabahiran ang maganda at respetable kong pangalan. Ye!

Hay! Pa-kiss nga!

Ano kaya’ng meron si Joy na wala ako?

Katawan, men, katawan!
Ye, right. Tangina.

Parang nade-depress naman ako sa kwento nung babae sa kabilang table. Puro alone-ness ang kinukwento. Wala raw siyang mapwestuhan sa Starbucks. Tapos uminom daw siya mag-isa. Ang lungkot daw ng feeling. Buti na lang hindi ko pa na-try uminom mag-isa—magkape lang, tulad ngayon. Malungkot din. Syet! Ako ‘ata pinariringgan nun ah. Suntukan na lang.


Malapit na kasi ang Valentine’s.

Single-blessedness

Nagtataka ako.

Ba’t kaya karamihan ng single na nakakausap ko, tanggap na nila na marahil nasa kapalaran na nila ang maging single for life? Weird. Hindi kaya, defense mechanism lang nila ‘yon dahil wala pa silang mga BF ngayon? Take Bern, my friend, for example. Sabi niya, nakikita niya ang sarili na may anak lang at walang asawa. Ngayon nga, gusto na daw niya magkaanak. Pano siya magkakaanak kung wala munang asawa… o kaya BF?

Si Fara naman na officemate ko dati. Wala na ‘ata sa kalendaryo ang age niya. Kaya siguro nasabi niyang tanggap na niyang maging matandang dalaga. Pero tamo ngayon, balita ko, may BF na siya. Nasan na ‘yung matandang dalaga effect?

Siguro it’s a state of mind, that matandang dalaga thing. Kapag inisip mo at tinanggap mo sa sarili mo na ‘yon ang magiging kapalaran mo, bigla kang magkakaroon ng aura of sexiness/confidence na nakaka-attract sa mga lalaki. Hmm…

Napanaginipan ko si Tessa, a colleague, kagabi. Kamusta na kaya ‘yon? Balita ko, single siya ngayon. Magti-30 na ‘ata ‘yon. Si Ms. Maya, my 50+ colleague na matagal nang hiwalay sa asawa, nag-text kaninang umaga. Nag-aaya nga pala siya sa premiere night ng “Endo”. Di ko nga pala siya na-reply-an. Hihihi! Si Mariel, isa pang colleague, on the rocks ‘ata ang relationship with boyfriend John. Ewan ko ba kung ba’t ganon ‘yung dalawang ‘yon. Gusto laging nagbi-break. Para siguro may kiss-and-makeup. Hehe! Ano na kayang nangyari sa isa ko pang colleague na si Jenilee?

Sabi ni Jepoy, kasama ko rin sa trabaho, be-break-in na raw niya ang jowa niyang maarte. Ye! May jowa pala siya.

Ang tagal naman ng trip namin sa Baguio (25-27 Feb)! Nagpaalam na ‘ko kay Dindz, my new headwriter. Sabi niya magpaalam din daw ako kay Darnel, my EP. Pinag-iisipan ko pa kung magpapaalam ako o hindi. Baka hindi ako payagan eh. Hehe!


Tangina! Sana magka-jowa na ‘ko para hindi puro ikaw ang kausap ko. Hay… Tsaka para may kasama na ‘kong tumambay. Hay… (ulit)


Hindi Ako Busy. Period.

Nakaka-sad… nandito ako sa Trinoma ngayon, nagkakape sa Coffee Bean. Sinabi ko kay Papa may meeting, pero wala naman talaga. Meron dapat kaninang 2pm, presentation kay CSC. Pero di na ‘ko pinapunta. Feeling ko, hindi nila ‘ko kailangan. Although, hindi naman talaga nila ‘ko kailangan kasi hindi naman ako ang magpi-present. Pero kahit na… wala lang, nag-iinarte lang ako. Balat-sibuyas. Hehe!

Feeling ko kasi, hindi ako kasali sa team. Nakakatampo lang kasi. Kahit ba hindi ako chumi-chika, sana man lang ipa-feel sa ‘king important ako. Kaso hindi e. Fine. Napapaisip tuloy ako—lumipat na kaya ako ng ibang work? Mag-apply na kaya ako ng 9-5 job? I-give up ko na kaya ‘tong career na ‘to? Kaso, gusto ko pa ‘tong ginagawa ko. Hindi regular ang pasok. Ok naman ang sweldo. Naho-hone ko ang creative writing skills ko. Marami akong nakikilalang mga tao. Sanay na ‘kong sa gabi gising, sa araw tulog. Masaya rin ang may regular show. Kaso, ngayong tapos na ang LM, I’m lost. Feeling ko, wala akong show at palutang-lutang lang sa ere. Parang ‘yung dating wala akong show. Parang ‘yung feeling ni Jayson na walang silbi. Hay… Mabuti pa nung may show, busy ako. Nakakalungkot pala pag di busy. O mas nararamdaman ko ang lungkot pag di busy.

Lalo na kung walang maayang friends para gumimik o tumambay man lang.

Karamihan kasi ng mga friends, either busy sa work, busy sa pagbubuo at pag-aalaga ng family, o busy sa pagsisimula ng family. Ako, walang binubuo, walang sinisimulan, walang inaalagaan… hindi busy.


Wala si Mama ngayon, nag-fieldwork. Punta sila ni Tita Nancy sa Bicol. One week. Si Papa lang natira sa bahay ngayon. May uwi siya kanina’ng CPU. Yey! May desktop na uli. Maayos na ‘kong makakapag-internet. Yeba!

Tuesday, February 12, 2008

Click.3


Natuwa ako sa ka-flawless-an ng skin ko dito. Bagong gising sa tanghaling tapat habang naghihintay na matapos ang ini-spin na damit sa washing machine. Di talaga ako nagsusuklay sa bahay, sensya na. :$

Thursday, February 7, 2008

Updates.2

Walang meeting mamaya. Yey! Pwede akong mag-unwind, maglakad-lakad sa mall, uminom ng mahal na kape, matulog hanggang hapon, maglakwatsa sa gabi. Walang stress, walang pressure. Tsalap!

Kanina, nag-present kami ng bagong show kay Sir Deo. Na-realize ko, hindi alam ni Sir Deo ang pangalan ko, samantalang nagsulat ako para sa kanya, para sa Lastikman.

Oh well. Siguro, kasi tahimik lang ako, nasa sulok lagi pag nagmi-meeting, hindi ma-chika, hindi bakla. Hindi naman sa nalulungkot ako dahil hindi niya ako kilala. Alam ko, maraming advantages 'yon. Pero meron ding disadvantages.

Advantages:
  1. Di ako masyadong tatawagin para sa recitation, a.k.a. opinyon ko sa mga bagay-bagay, lalo na pag wala akong maisip na opinyon;
  2. Keber niya kung ano ang opinyon ko kaya magpapaka-polite na lang siya na tanungin ako para hindi ako maetsapwera. O di ba, siya ang nag-effort, hindi ako;
  3. Hindi ako mag-eeffort na chumika sa kanya dahil hindi naman kami magkakilala.

Disadvantage/s:

  1. Hindi agad ako maiisip kapag may new project.


Parang, kahit iisa lang ang disadvantage, 'yun ang pinakamabigat, ah.

What the heck! Makikilala rin niya 'ko balang araw. Hindi man ako ma-PR, makikilala't makikilala rin niya 'ko. Talent na lang ang labanan. Hehehe!

Dahil it's officially Year of the Rat na, naisip kong tignan ang Chinese Sign ko. Rooster ako. Hinahanap ko pa kung susuwertihin ako this year. Ia-upload ko na lang later, mabagal mag-load eh. May nakita kami ni Dindz, my new headwriter, na fireworks kanina nung kumakain kami ng dinner sa Lut's. Ganda! Kaso di ko na-picture-an.

Si Dindz ang sumulat ng pelikula ni Juday at Piolo na "Don't Give Up On
Us". Ye! Name-dropping! Hehehe!

Ang kinis pala sa malapitan ni Philip King. Hehehe! Intsik na intsik. Ka-team namin siya sa bagong show. Masarap sana pagnasaan kaso may girlfriend na. Tsk!

Ang tagal naman ng barkada trip namin sa Baguio! Last week of Feb pa. Waaah!!! Gusto ko na ng bakasyon! (bakasyon na agad eh 'no, wala pa ngang trabaho)

Hay...

Tuesday, February 5, 2008

Mula sa Baul.1

Nakita ko 'to sa isang inaagiw nang folder sa computer ko. Contribution ko 'tong article na 'to sa isang column for alumni ng bagong The Journ Post ng PUP Journ.

“Ang sarap magka-work.” ‘Yan ang sabi ko dati pagka-graduate ko noong 2002. Syempre, may sariling pera na, wala nang curfew, makakagimik na ng todo (although gumigimik naman kami ng barkada dati, hihingi nga lang ng pang-gimik kay Mama o Papa), pwede nang mag-boyfriend (pwede rin naman dati,
pero syempre ngayon, mas marami nang pagpipilian at mas yummy pa, imagine!). No
assignments, no term papers, no exams, no recitations. Yehey! Kaya, a week after
grad, job-hunting na kami ng barkada.

First target: Ang business district na sosyal — Makati (yes, feeling office/working girls). Tip: Wag magmataas na takong. Kumusta naman kasi ang mahahabang kalsada ng Makati? At ang akyat-baba sa underpass? At ang madalang na jeep at bus na nasa main road lang? In fairness, pinanindigan ng Makati ang pagiging sosyal, ang jeep nila, aircon!
Nakaistasyon ang mga jeep na aircon na dadaan sa kahabaan ng Ayala sa ilalim ng
MRT Ayala Sation (o ‘di ba, parang expert!). Anyway, wala akong luck sa Makati.
Pa’no naman, di namin alam na ang na-attend-an naming seminar ay magbebenta pala
kami ng encyclopedia. Kapag nakabenta kami ng isang set, saka pa lang kami
matatanggap. Tama ba naman ‘yon?

Para ring ganito ang nangyari nung
mag-apply ako sa Monumento. Ganung-ganon din ang nakalagay sa classified ads.
Wanted: Masscom graduates. Position: Office Clerk. Ayos sana kasi malapit lang
(Bulacan pa ‘ko nakatira, at least one ride na lang, di tulad sa Makati). So, go kami ng friend ko. Kaso mo, pagdating namin dun, eh di interview ‘di ba, tapos pinapasok kami sa isang room kung saan may nagle-lecture tungkol sa produkto ng kumpanya. Maya-maya, may pumasok na taga-HR at tumawag ng mga pangalan. Aba, di na pala sila tanggap. Nakahinga kami ng malalim ng friend ko, pasado kami sa interview. Yehey! Ting! End of Round 1.

Round 2. Sabi ng lecturer, kailangan daw naming ibenta ang produkto nila. Kahit installment ang bayad. Kahit sa mga kamag-anak na lang. Sasamahan daw kami ng mga Sales Reps na tutulong sa’ming mag-explain ng produkto. Ano ang produkto? Water purifier. Ano ba naman ‘to?! Ting! End of Round 2.

Ayos talaga ang mga classified ads.
Ang dami kasing prospects. Kung di ka mapili, magkaka-work ka talaga. Saka, iba
rin ang entertainment value nito. Example:

Wanted: Accounting graduate.
Female. Stay-in. Single. No experience needed.

(Ba’t kaya ganon?) Joke lang po!

Nakasakto ako ng ad na ganito ang sinasabi: A Meycauayan-based company is in need of writers. Ayos. Writer daw at sa Meycauayan pa. Sa amin ‘to. Pero ang interview, sa Maynila gagawin. Ok lang. Ayun, pasado naman. School na may publishing house pala ang napasukan ko. Writer ako ng textbooks na
pang-elementary. English ang pinatira sa ‘kin. Di ko rin naman natapos dahil pinagawa naman ako ng Science magazine. Sige lang, kahit walang masyadong alam sa Science. Buti na lang pang-grade one, hehehe! Di rin nai-publish ang magazines. Ginawa naman akong proofreader. Isang taon din ako dun. Kaso gusto ko pang mag-grow (aka: mag-work sa Manila), kaya apply naman akong Editorial
Assistant sa Maynila, ‘yung may school din, pang-college naman. Proofing at editing din ang ginawa ko. Di na ni-renew ang contract ko kasi sabi nila magsasara na raw. Pero matagal pa bago sila nagsara. Naisip ko na lang, siguro
kasi panay ang late ko kaya ayaw na nila sa’kin, ayaw lang nilang ma-hurt ako.

Ewan ko ba. Parang tinatamad na ‘ko sa pag-eedit. Dumarating yata talaga
sa point na magsasawa ka sa ginagawa mo kahit ang ganda na ng kumpanyang
pinapasukan mo. Tapos parang routinary na lang ang lahat. And I was just 22.

Isang araw na nakatambay ako sa bahay, nakita ko sa isang ad sa TV na may scriptwriting workshop daw sila at si Ricky Lee ang mentor. Go ako. Imagine, Ricky Lee! Imagine, libre! Pagdating namin ng friend ko, ang number namin ay 1751 at 1752. Patay tayo diyan. Bilang pala ito ng mga taong nagpalista. Grabe, parang pila sa Wowowee. Tsk, tsk. Pero nagtyaga talaga kaming maghintay, pumila sa initan (para saan pa ang training natin sa Pila Uli Pila University ‘di ba?
Kaso, mahirap sumingit kasi by number eh). After ng essay-writing (written exam)
at interview (pawi ang pagod dahil sa cute na interviewer, mukhang model!), after two weeks ay tatawag daw sila kung pasado. Di na kami umasa kasi sa dami ba naman ng nag-apply, 3,000 plus yata, ay 30 lang ang kukunin. Good luck na lang sa ‘ting lahat. Pag-uwi ko sa bahay, tinignan ko ang image ni Jesus sa
pader. Nakangiti siya. Nalungkot ako. Malapit na ang pasko.

Pero, oo, tama kayo. Tinawagan nga ako. At si Ricky Lee talaga ang kumausap sa’kin.
Na-starstruck ang lola n’yo! Speakless talaga, phone pa lang ‘yun a (sadya po ito, kahiya naman, Journ pa naman ako, hehe!). Wala akong nasabi kundi, “talaga ho?” at “thank you ho.” Pagbaba ko ng phone, talon ako ng talon, sumisigaw pero walang boses, di ko mapigil. Si Ricky Lee! The Ricky Lee! Astig! Tinext ko ang
parents ko na nasa trabaho. Textback si Mama: Congrats! Alam mo ba pinag-pray
kita para makapasa ka dun. Lumabo ang paningin ko.

Ayun, two months din niya kaming tinuruan ng techniques sa pagsusulat ng soap opera. At sa bahay pa niya kami nagwo-workshop. Pwede kaming manood ng mga luma at foreign films na collection niya. Pwede kaming magbasa ng mga librong collection din niya. Pwede
kaming magbilyar. Pwede kaming makinood ng TV niya. Kung nakakahawa lang sa
pamamagitan ng paghawak sa mga gamit ang galing sa pagsusulat, hawang-hawa na
siguro kami. Napakabait, napaka-humble at hindi maramot sa kaalaman si Sir Ricky. Enjoy na enjoy ako. Feeling ko, nabuhay ang kagustuhan kong magsulat. Medyo naghingalo kasi siya nung na-frustrate ako at tinamad sa previous jobs ko. Pero ngayon, I felt revived. Ito na ang simula ng showbiz career ko! Ye!

Seq. 1.1. INT. HAGDAN SA TABI NG ISANG ROOM SA MASKOM. DAY.

Nakatambay ang mga sophomores na Barkadang Aanim-Pipito. Breaktime.

BERN (nagpapaypay)
Pagka-graduate natin, ano kayang papasukan nating
trabaho? Magkakasama pa kaya tayo?
GRACE (hinahaplos ang tutyang sa
buhok)
Ang hirap kasi sa Journ, napaka-broad. Kahit ano pwedeng pasukan kasi
lahat naman ng opisina may PR o Public Affairs o Information Division.

NYMPHA (nagsusuklay)
Anong mahirap dun? Madali nga kasi maraming choices.

MARIANNE (nagli-lip gloss)
E di hindi na tayo magkakasama-sama! ‘Yun ‘yon! Labo talaga nito.

Mapapakamot sa bagong
suklay na buhok si Nympha.

WENG (nagpupulbos)
Gusto kong magsulat ng nobela, ‘yung tulad sa pocketbooks.

SHERIDAN
(hahalukipkip sa pamaypay na plastic at kulay blue) Basta ako mag-aartista.

COT (hahagikhik)
E di ako magbabanda.

AIMEE (ngingisi)
Maghanap na lang tayo ng mayamang papa para hindi na natin kailangan mag-work.

LESLEY (hahampasin sa balikat si Aimee) Oo nga no! Tama!

Tawanan.

EDEN (tatayo, titingin sa camera)
Basta ako, gusto ko magkapelikula.

SHERIDAN
Mag-aartista ka rin? Naman!

EDEN
(lilingon kay Sheridan) Sira!
(kakausapin ang camera) Gusto kong maging scriptwriter.

Tatayo ang lahat at mata-transpose ang eksena sa beach kung saan sasayaw ang Barkadang
Aanim-Pipito ng Rico Mambo.

Parang 80s barkada movie ‘no? Parang Bagets nina Aga Muhlach. Si Jake Tordesillas na writer ng pelikulang Bagets naging mentor ko rin pagkatapos ng workshop at napasok na ‘ko sa show nina Robin at Juday (ayos sa name-dropping ‘no?). Isa ako sa mga huling in-assign-an ng show. Brainstormer ako. Buti na lang, trip ko ang show (namili pa eh ‘no?).

Masayang experience ang magtrabaho sa isang TV station. Syempre proud ang parents at friends ko pag pinapakilala nila ako na anak o kaibigan nilang nagtatrabaho sa TV. Proud din ako kasi proud sila sa ‘kin. Nakakatawa kasi kasunod nun, sasabihin ng mga tao, “eh di ang laki pala ng sweldo mo.” Nakakatawa kasi sinasabi ko rin sa isip ko, “sana nga, ‘di ba?” Pero ayos lang. Hindi man tulad ng regular job na may regular salary, masaya pa rin ako kasi ito ang gusto kong gawin. This is the dream. To brush elbows and cheeks with the pillars of show business. Kung nasa-starstruck ang mga tao sa mga artista, ako sa mga tao behind the camera. (Plastic! Plastic!)

Mahirap ang showbiz. Dapat matibay ang sikmura mo. Dapat makapal ang mukha mo. Dapat pasensyoso ka, magtiyaga. Hindi ka dapat mareklamo. Slowly but surely. Payo yan ng headwriter ko sa Panday na ngayon ay writer na ng Pedro Penduko at ng bagong pelikula ni Vhong Navarro na Agent X44 (pakisuportahan po. Nag-promote!). Kaya eto,
nagtityaga at nagpapasensiya pa rin ako. Nariyan kasing maramdaman mo na parang
lahat sila hindi naniniwala sa kakayahan mo. Wala silang bilib. Lalo na pag di ka naman bibo tulad ng iba na ang galing sa presentation, ang gagaling magsalita. Pati tuloy ako, nagduda sa sarili ko. Hindi na ‘ko sure kung kaya ko ba talaga, kung may talent ba ‘ko sa ganitong larangan. Mag-quit na lang kaya ako. Buti na lang may isang nagtaas ng kamay at naniwala, ‘yung headwriter ko ngang si Galo. Kahit isa man lang ang maniwala, ayos na ko dun. Taob na ang lahat ng mga dumedeadma sa’kin. Ang mahalaga kasi, may nakakita ng talent ko. Na
may naniwalang kaya ko. Naniniwalang kaya kong mag-survive.

Oo, mahirap din na sa araw-araw, kailangan mong i-prove sa lahat na magaling ka. Pero ganon talaga eh, lalo na sa showbiz. Kasi isang mali mo lang ngayon, wala ka na bukas.
Kamalian mo na lang ang tatatak sa mga tao. Kahit naman sa ibang trabaho eh. Kahit sa buhay.

Naalala ko, sabi ng isang prof namin dati, acting lang yan. Minsan, nadadaan lang talaga sa acting ang lahat. Ipakita mong matapang ka, na kaya mo, na may alam ka. Pero siguraduhin mong lahat ng bibitawan mong salita ay kaya mong panindigan. Or better, kung wala kang sasabihing maganda, just shut up. Wag nang manghamak o mang-apak ng iba para umangat. Mas magaan kayang umangat nang may malinis na kunsensya, ‘di ba?

Hindi naman talaga ako pang-showbiz eh. Una, hindi naman ako maboka. Pangalawa, hindi ako lalaki (hehehe! Marami kasing bading na boss na magbibigay ng magandang opportunities.). Pangatlo, first time kong magsulat ng script (wala akong nakaimbak na mga story concepts sa baul). Pero handa akong magtanong at i-admit na wala akong alam. Handa akong matuto. Wala namang bayad magtanong eh. Kesa naman sa magdunung-dunungan ka tapos wala ka namang binatbat. Ang mahalaga naman talaga ay ang attitude. Magaling ka nga, bad ka naman. Madaling turuan ang matino. Mas tumatagal ang walang sungay. Hindi applicable ang masamang damo equals matagal mamatay. Pagdating sa career, kung bad person ka, nag-uumpisa ka pa lang, patay ka na, wala ka nang career. Patience, motivation, love for work at willingness to learn. Yun lang naman talaga ang technique. Ikaw lang ang makakapagturo niyan sa sarili mo. Walang school o workshop. Ikaw lang. Basta, go lang ng go, ayos ‘yon.

Monday, February 4, 2008

Multiple Choice

Weird. Ba’t kaya ganon? Tsamba lang kaya o sadyang madali lang para sa ‘kin basahin ang mga lalaki?

Pauwi na kami nina Jayson at Joy nung Friday galing sa gimik. Pagsakay ni Joy sa taxi, tinapik ko si Jayson, hinuli ko. Kako, dinidigahan niya si Joy. Deny naman siya, hindi daw, kung anu-ano daw ang iniisip ko. Maya-maya, nagtanong siya, ba’t ko raw nasabi. Haha! Huli ka, Jayson! Sagot ko, basta… ewan ko. Basta, bistado ko siya.

Akshooli, di ko rin talaga alam kung paano ko siya nabisto. Basta, naramdaman ko na lang. Naramdaman kong trip ni Jayson i-sex si Joy nung gabing ‘yon.

Nagkainuman kasi kami. Galing kami ni Joy sa thanksgiving party ng Lastikman. Si Jayson naman, nag-aayang uminom. Iniwan namin ni Joy ang party para makipag-inuman sa kanya. Sa Janero nangyari ang lahat.

Nagkukwentuhan kami ng mga kung anu-ano lang. Nung una, mga angst lang sa career. Pero naglaon, napunta sa sex ang usapan. Dahil nakwento ni Jayson ang tungkol sa one-night-stand niyang isang kolehiyala. Adventurous daw ‘yung girl. Suko na siya, game pa rin ‘yung isa. Tanong namin, bakit niya nagawa ‘yon eh may girlfriend siya. Wala lang daw. Ilang taon na rin naman daw siyang naging loyal sa gf niya. Parang gusto niyang tumikim ng iba. ‘Yung pwede niyang bastusin at iwan na lang like a hot potato. Hindi raw niya kasi kayang gawin ‘yon sa gf niya. Mahal niya ang gf niya kaya hindi niya kayang bastusin, lalo na sa kama. Tanong ko, di ba pwedeng gawin na lang niya ‘yon sa gf niya, ‘yung bastusin sa kama. Sabi niya, hindi pwede, kasi naroon daw ‘yung paggalang. Adventurous daw kasi siya, gusto niyang mag-try ng iba-ibang posisyon. Syempre daw ayaw daw niyang gawin ‘yon sa gf niya kaya sa iba na lang. Kawawang gf, naisip ko, hindi niya mararanasan ang adventures of sex dahil ginagalang siya ng bf niya. Labo naman nun.

Hanggang sa nagkatanungan. Na-try na daw ba namin magka-one-night-stand. Syempre, dahil ako’y isang proud virgin, sabi ko, wala pa ‘kong ganong experience, bukod sa hawakan experience ko sa Galera. Iba naman ‘yon sa sex. Sabi ko, gusto ko munang maka-experience ng sex na may love. Tapos saka na ako e-experience ng walang love, ‘yung libog lang. Mas experienced sa ‘kin si Joy. Na-try na raw niya. At hindi rin naman niya alam ang difference. Ano daw posisyon ang gusto namin. Syempre, etsapwera na ‘ko dun. Si Joy, sabi niya, kahit ano. It doesn’t matter. It’s the performance daw. I couldn’t agree more, tama siya. Nagma-matter daw ba ang laki. Ganon din ang sagot ni Joy, maging ako. Wala sa laki o liit. Nasa galing. Tatango-tango lang si Jayson. Experimental daw siya pagdating sa sex. Ngayon ko lang ‘yon nalaman. Wala kasi sa itsura. Parang ang conservtive niya kasi.

Kung magkaka-threesome experience daw kami, anong gusto namin, dalawang lalaki o babae’t lalaki. Kay Joy, dalawang lalaki basta hindi diya ang tatrabaho. Ako, lalaki’t babae, kasi gusto ko ma-try both sexes. Sabi ni Jayson, sabi na nga ba niya, may lesbian tendencies daw ako. Bakit naman, eh sa ayokong mahirapan sa dalawang lalaki. Ayokong ma-sandwich. Of course, si Jayson, dalawang babae ang gusto. Wala pa siyang experience sa bading, at ayaw niyang ma-experience.

Tapos, napansin kong lahat na ng mga tanong directed na kay Joy. Joy, ikaw, anong gusto mo… Joy, ikaw, mas gusto mo ba ‘yung ganito o ganyan… Napansin ko ring malagkit na ang mga tingin ni Jayson kay Joy. Meron na ring kilitian involved. Nakiki-butt in na lang ako para join pa rin ako sa usapan pero feeling ko, hindi na importante ang mga sagot ko. Ang nagma-matter na lang ay ang mga sagot ni Joy. Tinry din akong kilitiin ni Jayson nung nagkakatawanan. Hindi ako gumanti, unlike Joy na lumalaban. Dito ko na napansin na may something. Libido-clashing. Gusto ko na ngang umalis dahil feeling ko nakakasagabal ako sa flirting nila dahil nahihiya sila sa ‘kin. Naging privy na rin si Jayson sa mga tanong, like, ‘yung tungkol sa past relationship ni Joy sa ka-batch din namin. Kung magaling daw ba at malaki. Sabi ni Joy, performance level daw. Na-feel kong parang na-threaten si Jayson. Momentary lang ‘yon, tapos go na uli siya sa pagfi-flirt. Nagtatanong na rin si Jayson kung saan umuuwi si Joy at kung sinong kasama niya sa bahay. Paulit-ulit, pina-paraphrase lang. Dun na ‘ko naging sigurado sa feeling ko—na trip niya si Joy nung gabing ‘yon.

Kaya nung pauwi na kami, kinantyawan ko siya, at na-confirm kong tama ang hinala ko. Na-cute-an daw kasi siya sa pagshi-share ni Joy ng sex life nito. Ang galing ko daw at nahalata ko ‘yon.

Naisip ko tuloy, utak-lalaki ba talaga ako at nabisto ko siya? O dahil babae ako at mararamdaman ko kung nagfi-flirt na sa ‘kin ang guy, like Jayson to Joy?

Hiningi ko sa kapatid ko ang opinion niya about it. Sabi niya, kung siya daw, hindi niya mahahalata. Sabi ko, parang mas madaling basahin ang mga guys dahil pare-pareho lang naman sila ng style. Mas nahihirapan akong mahalata ang girl kasi mas complex ang mga reactions niya. Pwedeng ngumingiti siya at nagre-respond dahil gusto niya ang ka-flirt. Pwede ring nagre-respond siya dahil nice lang siya at ayaw niyang ma-offend ang nangfi-flirt. O pwede rin namang hindi siya magre-respond at all dahil kadiri ang guy. Di ba, komplikado? Lahat ‘yon pwedeng tama. Di tulad sa guys, pag gusto, gusto, pag ayaw, ayaw. Walang multiple choice.

So, lesbiana ba ‘ko dahil utak-lalaki ako? Utak-lalaki ba talaga ako o malakas lang ang intuition ko? Ang lakas ng intuition ay isang trait ng girl, di ba? So, ano talaga? I’m confused!

Tinanong ako ni Jayson kung tingin ko daw ba eh trip din siya ni Joy. Maraming posibleng sagot. Hindi ko lang alam kung ano ang TAMA.