Leap year ngayon. Ito raw ang pagkakataon ng mga single para hindi na maging single. Hindi ko alam kung anong konek, kasi pwede namang magka-relasyon ang mga single kahit hindi leap year. Siguro mas malaking percent na magkakaroon ng jowa ang mga single ngayong panahon na ‘to. Eh ba’t naman kaya? Sino ba kasing nag-imbento ng konseptong ‘to?
Ang laki ng buhok ko ngayon. Afro-Fil ako. Hehehe! Kaya siguro ako pinagtitinginan ng mga tao. Sa panahong ito na ako’y Afro-Fil, magkaka-jowa kaya ako? Kahit leap year? Kahit cute naman ako?
Sa table sa tapat ko, may apat na early 20s na bading. Sa table sa tabi ko, may apat na babaeng 20-something, ang dalawa ay tibo. Sa kabilang table, mag-jowa, at sa kabila pa, at sa kabila pa. Sa malayong table, mga bakla in their late 20s. Ako, nag-iisang pechay. Ano nang nangyayari sa mundo? Third sex invasion!!!
Nawiwili akong tumambay sa mga kapihan ngayon. Ba’t kaya? Samantalang mas maraming tumatambay na mag-jowa dito. Mas nakakainggit. Mas nakakalungkot. I feel alone in this pairing system of the world. Grr! Imagine, lahat ng klaseng mag-jowa nakikita ko dito. May heterosexuals, may bading, may tibo. Kanina nga, ‘yung dalawang bading, may cake at flowers pa. Ayus! Para rin pala silang hetero. Dahil ba Valentine’s?
Alam mo bang natukso ako kay Jayson, my colleague? Nagte-text kasi kami isang gabi. Nag-aangst siya. Tapos nung lumalim na ang gabi at tumagal na ang textan namin, natukso akong itanong sa kanya kung trip ba niya ‘kong halikan. Buti na lang, bago ko pa natanong, hindi na siya nag-reply. Mukhang nakatulog na siya. Buti na lang. kundi, nabahiran ang maganda at respetable kong pangalan. Ye!
Hay! Pa-kiss nga!
Ano kaya’ng meron si Joy na wala ako?
Katawan, men, katawan!
Ye, right. Tangina.
Parang nade-depress naman ako sa kwento nung babae sa kabilang table. Puro alone-ness ang kinukwento. Wala raw siyang mapwestuhan sa Starbucks. Tapos uminom daw siya mag-isa. Ang lungkot daw ng feeling. Buti na lang hindi ko pa na-try uminom mag-isa—magkape lang, tulad ngayon. Malungkot din. Syet! Ako ‘ata pinariringgan nun ah. Suntukan na lang.
Malapit na kasi ang Valentine’s.
No comments:
Post a Comment