Wednesday, February 13, 2008

Hindi Ako Busy. Period.

Nakaka-sad… nandito ako sa Trinoma ngayon, nagkakape sa Coffee Bean. Sinabi ko kay Papa may meeting, pero wala naman talaga. Meron dapat kaninang 2pm, presentation kay CSC. Pero di na ‘ko pinapunta. Feeling ko, hindi nila ‘ko kailangan. Although, hindi naman talaga nila ‘ko kailangan kasi hindi naman ako ang magpi-present. Pero kahit na… wala lang, nag-iinarte lang ako. Balat-sibuyas. Hehe!

Feeling ko kasi, hindi ako kasali sa team. Nakakatampo lang kasi. Kahit ba hindi ako chumi-chika, sana man lang ipa-feel sa ‘king important ako. Kaso hindi e. Fine. Napapaisip tuloy ako—lumipat na kaya ako ng ibang work? Mag-apply na kaya ako ng 9-5 job? I-give up ko na kaya ‘tong career na ‘to? Kaso, gusto ko pa ‘tong ginagawa ko. Hindi regular ang pasok. Ok naman ang sweldo. Naho-hone ko ang creative writing skills ko. Marami akong nakikilalang mga tao. Sanay na ‘kong sa gabi gising, sa araw tulog. Masaya rin ang may regular show. Kaso, ngayong tapos na ang LM, I’m lost. Feeling ko, wala akong show at palutang-lutang lang sa ere. Parang ‘yung dating wala akong show. Parang ‘yung feeling ni Jayson na walang silbi. Hay… Mabuti pa nung may show, busy ako. Nakakalungkot pala pag di busy. O mas nararamdaman ko ang lungkot pag di busy.

Lalo na kung walang maayang friends para gumimik o tumambay man lang.

Karamihan kasi ng mga friends, either busy sa work, busy sa pagbubuo at pag-aalaga ng family, o busy sa pagsisimula ng family. Ako, walang binubuo, walang sinisimulan, walang inaalagaan… hindi busy.


Wala si Mama ngayon, nag-fieldwork. Punta sila ni Tita Nancy sa Bicol. One week. Si Papa lang natira sa bahay ngayon. May uwi siya kanina’ng CPU. Yey! May desktop na uli. Maayos na ‘kong makakapag-internet. Yeba!

No comments: