Kanina, nag-present kami ng bagong show kay Sir Deo. Na-realize ko, hindi alam ni Sir Deo ang pangalan ko, samantalang nagsulat ako para sa kanya, para sa Lastikman.
Oh well. Siguro, kasi tahimik lang ako, nasa sulok lagi pag nagmi-meeting, hindi ma-chika, hindi bakla. Hindi naman sa nalulungkot ako dahil hindi niya ako kilala. Alam ko, maraming advantages 'yon. Pero meron ding disadvantages.
Advantages:
- Di ako masyadong tatawagin para sa recitation, a.k.a. opinyon ko sa mga bagay-bagay, lalo na pag wala akong maisip na opinyon;
- Keber niya kung ano ang opinyon ko kaya magpapaka-polite na lang siya na tanungin ako para hindi ako maetsapwera. O di ba, siya ang nag-effort, hindi ako;
- Hindi ako mag-eeffort na chumika sa kanya dahil hindi naman kami magkakilala.
Disadvantage/s:
- Hindi agad ako maiisip kapag may new project.
Parang, kahit iisa lang ang disadvantage, 'yun ang pinakamabigat, ah.
What the heck! Makikilala rin niya 'ko balang araw. Hindi man ako ma-PR, makikilala't makikilala rin niya 'ko. Talent na lang ang labanan. Hehehe!
Dahil it's officially Year of the Rat na, naisip kong tignan ang Chinese Sign ko. Rooster ako. Hinahanap ko pa kung susuwertihin ako this year. Ia-upload ko na lang later, mabagal mag-load eh. May nakita kami ni Dindz, my new headwriter, na fireworks kanina nung kumakain kami ng dinner sa Lut's. Ganda! Kaso di ko na-picture-an.
Si Dindz ang sumulat ng pelikula ni Juday at Piolo na "Don't Give Up On
Us". Ye! Name-dropping! Hehehe!
Ang kinis pala sa malapitan ni Philip King. Hehehe! Intsik na intsik. Ka-team namin siya sa bagong show. Masarap sana pagnasaan kaso may girlfriend na. Tsk!
Ang tagal naman ng barkada trip namin sa Baguio! Last week of Feb pa. Waaah!!! Gusto ko na ng bakasyon! (bakasyon na agad eh 'no, wala pa ngang trabaho)
Hay...
2 comments:
ang galing nung effect sa font. paano un?
ako rin excited na sa baguio. Bora ang nanalo sa outing namin. kaso nung nagtanong ako kung pwedeng magsama, ang pwede lang daw isama ay kapatid or anak. not even asawa. basta raw outsider hindi pwede kahit pa jowa. anak lang daw at kapatid. kainis!
ay ganon? sayang. pero pwede tayong pumasang magkapatid! hahaha! kelan ba yang outing nyo? bakasakaling may pera at makasunod. ye! yabang! hehehe!
ung effect sa font, di ba meron dun font size na smallest to largest? dun lang, pinapalit-palitan ko lang.
gusto raw makipagmit ni she sa tin a. nasabi na niya sayo ang good news, db? hehe!
Post a Comment