Sa totoo lang, hindi ko na alam kung anong date na ngayon. Kung hindi pa ‘ko titingin sa cellphone ko, hindi ko pa malalaman. Ba’t ganon? Hindi naman ako ganon dati. I kept track of the date of the day everytime. Pero ngayon, parang balewala na ito sa ‘kin. Baka dahil sobrang bilis ng galaw ko na ang huminto at tumingin sa kalendaryo ay hindi ko magawa. Kalungkot naman. Ni pagtingin sa biirthday list ko, para man lang mabati ko yung mga taong nag-birthday at magbi-birthday sa buwan, hindi ko magawa. Ito na ba yung perennial situation na sasabihan ka ng “you should stop and smell the flowers”?
Hindi naman. Hindi naman siguro ako ganon ka-busy. For one, hindi naman everyday ang pasok ko. Hindi naman ako nago-office. Hindi naman araw-araw ang meeting (akshuli, gabi-gabi). Panay tulog lang naman ako (minsan bumabawi ng tulog, minsan batugan lang talaga ako).
Siguro tamad lang talaga ako.
No comments:
Post a Comment