Thursday, November 15, 2007

Wala pa rin?!

Naghahanap ako ng WIFI spot kanina. Sa The Block, yung Seattles Best dun, meron. Pero naisip kong mag-Trinoma na lang kasi umaambon. Labo? Hindi. Kasi sa Seattles, maraming tao, daanan. E, alam mo na, takaw-nakaw ang laftaf. E kung sa Trinoma, at least covered ang Coffee Bean, hindi mauulanan, at di daanan. So, go ako sa Trinoma. Na-discover ko na hindi na pala mahirap maglakad at tumawid papuntang Trinoma. Mas malapit yung daanang offered ngayon ng SM, tumbok agad ang tatawiran to Trinoma. Yung dati kasing daanan, parang may dating na ang layo-layo ng Trinoma. E ngayon, may ginagawa kasi, kaya ibang walkway na yung meron.

Nakarating na nga ‘ko sa Trinoma. Hanap ako ng pwedeng pagtambayan na may WIFI. Sabi sa Concierge, sa Coffee Bean daw. Good, at least, at ease na ‘ko dun kasi tumatambay ako dun pag nasa Trinoma. So, punta nga ‘ko. Buy na ‘ko ng coffee para di halatang WIFI lang naman talaga yung ipinunta ko dun. Kaso mo, sabi nung barista, WIFI zone nga ang Coffee Bean, pero wala naman silang card para magamit ang privilege na ‘to. Card ito para sa password. Hay naku! Kainis! Walang kwenta!

Kaya eto, mega type na lang ako dito ng ipo-post sa blog. Sayang naman ang effect kong laftap, hindi nagamit sa pagi-internet. Buti pa sa Burger King, may silbi kahit mahal ang foodam. Kailangan lang ng password na kukunin sa counter. At libre ito. Hindi tulad sa Coffee Bean na may bayad ang card ng P100. Mahal na nga ang kape, magbabayad ka pa para mag-internet. Hmp!

At least, nabasa ko na rin ang week 11 iskrip ni Danica. Actually, dapat may feedback meeting ngayon. Kaso paalis na ‘ko ng bahay nung nag-text si Danica na postponed daw ang meeting, sa Friday na lang daw. Tinuloy ko pa rin ang paglarga. Sana lumuwas na lang ako ng maaga para kumuha ng sweldo para may nahita naman ako sa pagluwas kong ‘to. Ayan tuloy, tumambay lang ako. E wala pa naman akong nadalang babasahin dahil I was up for the meeting. Bad trip!

E ba’t kasi lumuwas ka pa? Ayan tuloy, gumastos ka lang para tumambay!

Sus, ayos lang. Lagi ko naman ‘tong ginagawa—lumuluwas para makapagkape lang, tumambay, makapagyosi, at i-meet si Kym. What’s new?

Kape?! Meron sa bahay a. Palibhasa, may pera ka pa.

Paubos na nga e.

Gagah ka.

Oo na. Pagbigyan mo na ‘ko. Eto lang naman ang luho ko.

Bahala ka.

Baka nagugulat kayo sa sumasagot na italics. That’s the other side of my brain. Binibisita niya ‘ko paminsan-minsan. Adik ‘yan e. Kontrabida!

Wala na ‘kong yosi. Maya-maya, uwi na ‘ko.

May sakit ka pa, lakwacha ka ng lakwacha, nagyoyosi pa.
Kaya nga may gamot no.


No comments: