Thursday, November 1, 2007

This is the Life

What: Trip to Boracay
When: 15-17 Oct 2007
The Rides

:: We were in the domestic airport at around 6am. Bad trip yung driver ng taxing nasakyan namin. Kulang na lang sabihin niya na "ang tataba n'yo kasi kaya sumasayad ang taxi ko sa daan". Reklamo pa ng reklamo na parang gustong humingi ng tip dahil naperwisyo namin siya. Kainis! Ke aga-aga, nang-uurat. Di pa naman ako sanay na gising sa umaga.
:: Cebu Pacific ang ride namin. Medyo pamilyar siya sa'kin kasi dito rin kami nung pumunta kami ng mga co-Maharlikans ko ("Maharlika" was a shelved teleserye) sa Cebu (for the BIMP-EAGA conference na kailangan namin sa soap). Sinabi ko agad kay Bern na may smoking area sa airport. Pagkatapos na pagkatapos namin sa mga rekositos ng airport, go agad kami ni Bern sa smoking area. Ang lamig kasi. :: Ang daming magjowa na matching ang mga suot---parehong kulay ng shirt o kaya shoes, etc. Bakit kaya? Para isigaw sa buong mundo na magjowa sila? Para sabihin sa lahat na taken na sila? O baka naman may contest na "Find Your Partner", at ang clue ay matching colors? Basta ako, happy ang color---blue.

Plane to Kalibo: puro pakpak
:: Less than an hour lang 'ata ang iniupo namin sa plane pero halatang enjoy na enjoy sina Grace at Rez, parang ako nung first time kong sumakay sa plane. Si Bern naman, tahimik na nakaupo sa may aisle, tensyonado. Pano, pagkatapos ng plane at van na 2 hours, magbo-boat. Ayaw niya ng boat, hihimatayin siya sa takot. (Pero sabi niya, natutulog daw siya nun.)

Welcome to Kalibo!


:: Maliit lang ang Kalibo airport. Pagkakuha namin sa mga baggage, may lumapit na agad para mag-offer ng van to Caticlan. Di ko na maalala kung magkano ang pamasahe sa van. Basta ang masasabi ko, sulit-sarap ang biyahe kahit matagtag. Completos recados, may bukirin na parang Bulacan o Nueva Ecija, bundok at zigzag na parang Baguio, at dagat na walang kapantay. All in one.

Lafang Diaries
:: Smokes: Hirap hanapin! Akala pa ng napagtanungan namin, Smokeys ang hinahanap namin. Smokeys! buhay pa pala yon?
:: Kailangan daw puro seafoods ang kainin namin dahil bihira kaming mag-seafoods sa Maynila. Go! Nag-lechong kawali 'ata ako, hehehe! May sinigang na hipon naman ah! Katulad sa ibang mga resto, 48 years bago dumating ang lafang. Ayos na rin, may magagawa ba? Sarap---lalo na sa mga taong gutom. Kaso nakakakuba yung inupuan namin. Elevated kasi, mataas ang upuan, di swak sa mesa.
:: After kumain, our first meal in Boracay, naglakad-lakad kami para bumaba ang kinain. Pero hindi pala biro ang maglakad dito. Ang layo! Ang haba! Ang hirap lakarin mula Station 1 hanggang 3. Suko! Tagtag lahat ng kinain namin, pati mga stored fats. Bawi na lang sa pagpi-picture sa di namin hotel. Hehehe!
:: Ito talaga ng tunay na tinuluyan namin: La Carmela de Boracay, Station 2.
:: Nung una, nagtataka kami bakit may mga tabing na kawayan at tapalodo ang tapat ng mga resorts, yung mga lalakaran. Parang nakakapangit ng view ng dagat. Pero nung naglalakad na kami, na-gets ko na. Pantabing sa init. Kasi tinry din naming maglakad by the shoreline sa katanghaliang tapat. Grabe, ang ineeet! Yun pala ang purpose nun. Para masarap-sarap naman ng konti maglakad-lakad kahit maaraw-araw (doble-doble?).
:: Feel naming magpahinga, kaya go kami sa isa sa mga coconut trees na nakahilera sa labas ng tabing. Aba, at may nagsu-swimming! Career! Puro mga foreigners na gustong magpa-tan. Ang hapdi ng sikat ng araw pero sila, keber. Kami naman, sige lang. Dito lang kami sa lilim, picture-picture.

La Carmela Poolside: Breakfast buffet ini.
:: Masarap ba ang pagkain, Rez?
D' Market: Nagpaluto kami ng pinamalengkeng seafoods dito. Kaso hindi na kami nagpiktyuran kasi gutom na gutom na kami e. Hehehe!
Jonah's Shakes: Sarap ng Banana Peanut Butter Shake!
:: Sige lang, Bern, don't be shy, lantakan mo...
Dinner buffet: Mahilig kami sa buffet. Hindi ba halata? (Hindi ko maalala ang name ng resto na kinainan namin. Parang mala-Sex on the Beach 'ata ang tunog nun e.)
Alipin ng araw: ayaw paawat

:: Hindi n'yo ba alam? May swimsuit competition sa Bora. Contestant kaya kami ni Bern. Ewan ko sen'yo ba't di kayo nanood.

:: Yeba! (shark! shark!)

:: Bra-less fantasy. Presko!

Nature Art
the "back" view

sand castle: astig!
sunset beach
Boracay Scandal

:: Ang daya! Ba't walang kahihiyan si Rez dito?
:: Caught unaware ako dun ah.
:: Plakda si Bern.


Let's party the night away! languan na 'to!
:: Mga sirena sa tabing-dagat. Gorgeous!
:: Cafe Del Mar. Siyet, ang mahal!
The Real Main Event
wait, there's more

:: Sus! Malay ko ba na may importante palang mangyayari sa Boracay. Akala ko ise-celebrate lang namin ang tagumpay dahil, sa wakas, with our own hard-earned money, ay nakatuntong na kami sa island paradise. But wait, there's more pala. Magpo-propose pala si Rez kay Grace!

ENGAGED TO BE MARRIED NA SILA!
Bitin
Babay na... aalis ka na...

:: Uwian na. Sa 3D-2N na nangyari, bitin na bitin pa rin ako. Nagpaparinig nga si Bern (at ako rin) ng extension! extension! kaso, it fell on deaf ears. At matrabaho nga naman magpa-rebook. Saka may samaba sila kinabukasan. Hay. Next time na lang uli.
:: Si Bern naglalagay ng contact lens sa moving vehicle. Ayos!
:: Biyahilo. Hindi naman halata. Si Bern nagre-recover pa sa boat trauma.......ay, mukhang okay na, ngumingiti na sa picture e.
:: Plane pabalik ng MNL. Huhuhu...

SEE YOU SOON, BORACAY.

No comments: