Friday, August 13, 2010

GMRC

Nagkaroon ako ng pagkakataon na makaraket. Book na pang-Grade 4. GMRC ang subject --- oo, as in Values Education! Di ba naman, nakakatawa? Ang hirap, kasi ako na isang tambay, mangangaral tungkol sa mga values gaya ng kasipagan. Ang kulit, di ba?

Na-evaluate na ‘yung buong book. May mga minor revisions. Tapos na ‘kong mag-revise ng eight lessons na ginawa ko. Madali lang kasi, bukod sa in Tagalog naman, titles at warm-up activities lang naman ang kinoment ng evaluator na di raw akma sa topics. Binasa ko uli ‘yung mga lessons for last repaso. Nag-revise ng konti. Dinagdagan ko lang ng insights at ni-revise ang mga maling grammar. Yun lang naman.

Bibigyan na nga sana ako ni Ate Au, yung editor/writer na nagbigay sa ‘kin ng raket, ng down payment para sa ginawa ko pero di ko muna kinuha. Baka magastos ko kasi agad. Buo ko na lang kukunin para masaya, isang bagsakan na lang para marami, hehe. Iipinunin ko yun kasi di pa ‘ko naghahanap ng work. Para may ipon hanggang magka-work.

Yung ginawa kong mga lessons, meron naman siyang guidelines kung ano at paano gagawin. Hindi naman siya yung random lang na ako mismo ang mag-iisip. May mga topics na ibinigay tapos idi-discuss ko siya. May activity muna, parang refresher. Parang gauge kung ano ang alam ng mga bata. Then may story o poem or anything to jumpstart the lesson proper. Most of it mga composition ko. Buti na lang pambata yung libro kaya madali lang mag-isip ng mga stories. Simpleng stories lang na naka-incorporate doon ang main topic. Then, may comprehension questions about the story, at lesson learned. Tapos discussion na about the topic na usually ay values to learn, like pagsunod sa batas, pagiging committed sa responsibility, pagtitipid, atbp. Then, apat hanggang limang activities na magte-test ng kakayahan ng mga bata with application ng values na natutunan. Usually, yung mga test na ginawa ko ay essay, drawings, multiple choice questions, atbp. Para nga ‘kong teacher habang sinusulat ko yun e. Iniisip ko, kung ako ay teacher, paano ko ipapagawa sa mga students ang mga pinagsususulat ko.

Naalala ko tuloy nung ang pangarap ko sa buhay ay maging isang teacher. Masarap kasi yung may naituturo kang bago sa mga bata, at madali mo itong naipapaintindi sa kanila. Masaya rin yung mga activities na magpapakita kung gaano na kagaling ang mga bata ngayon. At syempre, masaya na may power ka over the kids. Ikaw ang pinakamagaling sa klase, pinapakinggan ka nila, at hanga sila sa iyo --- yun ay kung naging magaling akong teacher.

Ano kaya ang nangyari kung naging teacher ako at hindi writer? Ano kayang klaseng teacher ako? Elementary kaya o highschool? Definitely, hindi college kasi mahirap na yun e. Kailangan may Master’s degree. Ayoko rin ng preschool kasi makukulit ang mga toddlers. Tingin ko, mahirap silang turuan at feeling ko wala akong patience magturo ng mga magugulong bata. Kaya either elementary o highschool ang tuturuan ko. Ano kayang subject maganda? Lahat kaya o may specialty lang ako? Masaya siguro ang elementary math --- ang yabang, samantalang hanggang ngayon nagbibilang pa rin ako sa daliri. Okay rin siguro ang Filipino at Science. Pero definitely not Social Studies/Makabayan. Hate ko ang subject na yun elementary pa lang ako. Ito ang subject na may pinakamababa akong grade. At masaya rin ang may class record. Ako ang magde-decide sa grades nila, ako ang magde-decide kung sino ang top one, hehe.

Ba’t nga ba hindi ako naging teacher? Kasi ayokong gumawa ng bulletin board sa klase? E pwede ko naman yun ipagawa sa mga estudyante. Ayokong pupuntahan ako ng principal sa klase para mag-observe kung paano ako magturo sa klase? Pero okay nga yun lalo na kung alternative ang style ng pagtuturo ko, hindi yung usual na discussion, reporting, etc. Gusto ko dynamic ang style, may class participation. Ayokong matatakot ang mga bata sa ‘kin. Gusto ko mag-eenjoy sila at looking forward sila na magklase with me kasi masaya. Ayoko ng puro recitation kasi ako mismo takot dun nung estudyante pa lang ako. Gusto ko gumagalaw ang lahat, ayoko ng aantukin sila sa ‘kin. Gusto ko mangangarap din silang maging teacher para maging gaya ko. Gusto ko ma-inspire sila na maging tulad ko. At gusto ko maging barkada ko sila, di yung mangingilag sila sa ‘kin. Yun ay kung naging teacher nga ako. So ba’t hindi ako naging teacher? Kasi konti ang teachers na boys kaya konti rin ang pag-asa na magka-jowa ako? Pero malay mo, may cute na anak yung may-ari ng school, di ba? Hehe! Pwede akong maging may-ari ng school! At forever akong bata dahil sa mga batang kasama ko. Yun nga lang, yung growth as a person, hindi masyado. Puro pambata lang ang alam kong uso. Baka jejemon ako ngayon. Pero at least, updated ako sa uso. Kaso baka maliit lang ang circle of friends ko. At baka yung alam ko ngayon, hindi ko na malalaman. Pero may malalaman naman akong iba na makatutulong sa pagiging teacher ko. Tapos hindi ako marunong mag-internet ngayon. Wala rin akong laptop kasi aanhin ko naman yun? Kaya lang naman ako nagka-laptop para aid sa pagiging writer ko. Mas magiging masaya kaya ako kung naging teacher ako? Baka hindi na ‘ko pumayat at naging ultimate cliché, teacher na mataba at matandang dalaga. Nyi! Ayaw! Pero pwede rin namang hindi. Pwedeng pumayat pa rin ako at naging maganda at naging pantasya ng mga kabataang lalaki. Hahaha! Adik!

Pero sa totoo lang, ano ba ang alam ko ngayon na hindi ko malalaman kung naging teacher ako? Meron namang internet na lahat pwede kong matutunan. At dahil maraming bata sa paligid ko, pwede akong matuto sa kanila. Mas updated pa nga sa uso ang mga kabataan kesa sa ‘kin ngayon e. Di nga lang ako magiging sosyal --- as if sosyal ako ngayon. Di ako makaka-mingle ng mga sosyal na tao --- as if importante yun sa buhay. Di ako makakagimik sa mga sosyal na lugar --- e ano naman kung hindi. Di ako naging writer sa teleserye --- oo nga, gusto ko pa naman yun. Di ako nakakilala ng mga artista --- as if naaalala pa rin nila ako ngayon. Meron akong what-if question ngayon (ano kaya kung naging writer ako?) --- parang ngayon wala akong what-if-naging-teacher-ako question e ‘no? Sabagay, kung naging teacher ako, pwede pa rin naman akong magsulat. E ngayong writer ako, pwede pa rin kaya akong maging teacher?

Malamang sasabihin mong pwede pa rin naman. Kaso kailangan ko uling mag-aral. Kailangang makapasa sa LET. Sana pwedeng mag-apply na lang ako as teacher tapos saka ako magse-self-study ng subject na preferred kong ituro. Pwede? Siguro. Kung may tatanggap sa 'king school na ganon ang magiging arrangement. Malay natin. Oo nga. Sige, pwedeng pag-isipan.

1 comment:

cot said...

alam mo eden preho tau ng naiisip e, gs2 ko ung teacher na hindi kinatatakutan, bgay sau un, m22wa ang mga bata..