Kaswerte ng Monday ko! Di nag-alarm ang cellphone ko ng 9am. Pagtingin ko, patay ang cellphone, dead batt. Mage-11 na nang magising ako. Buti na lang, 1 pa ang meeting. Pero dahil matigas ang ulo ko, 1 na 'ko umalis ng bahay. Hehe!
Kaso sobrang swerte ko talaga. Nasira yung sinasakyan kong jeep sa NLEX. Ang layo pa ng camachile! Ang init-init pa! Buti na lang, may nagmagandang-loob na parang naka-tamaraw na jeep, pinarahan kami, at pinasakay kaming lahat na pasahero. Take note, LIBRE! Angel siguro yun.
Dumating ako ng past 2 sa meeting. Yes! Sina Dindz (headwriter ko) at Ate Kylie (EP) pa lang ang nasa meeting place. Mas late pa pala sa 'kin si Philip (co-writer ko). Hehe!
So, meeting na. After nun, pinresent namin kay Rondel (creative manager) yung napag-brainstorm-an namin. Tibag! Ulit uli kami sa umpisa. Waaah! Kaya yung 12mn sanang uwi namin, naging 5am. Lungkot. Kahit wala 'kong masyadong ginawa, napagod ako. Ang nice ng start ng week ko 'no?
Presentation kahapon. 6pm supposedly. Kaso, magna-9 na humarap sa 'min si Sir Deo. Ang dami niyang pinabago sa powerpoint namin. Ang ending, io-overhaul ang story. Actually, more like repeat from scratch. Urgh!
Napagdesisyunan nina Rondel at Mamu (PM) na tigilan muna namin si Kapitan Boom. Iba na lang munang concept gawin ng team. Hay. Di raw kasi sila makakapit sa character, story, etc. In a nutshell (ang favorite term nila ngayon), pagod na silang umintindi. Uta na sila sa paulit-ulit na revision ni DTE. Pagod na sila sa superhero.
Ako, dedma. Wala naman akong magagawa. Saka, di ko pa rin naman gaanong naa-absorb ang story namin e.
Buti nga sila Philip at Ayis, napaka-passionate sa work, pero di nadi-disappoint. Ako, di nga disappointed, pero parang di na rin passionate. Ano ba nangyayari sa 'kin?
2 comments:
writerdaw.blogspot.com is very informative. The article is very professionally written. I enjoy reading writerdaw.blogspot.com every day.
quick loans
online payday loans
kung sinumang anonymous ka, salamat ng marami sa pagbabasa ng mga blogs ko. nakakatuwa na hindi lang mga kaibigan ko ang nagbabasa ng blog na ito. hihi! sana nagbabasa ka pa rin kahit na matagal akong di nakapag-blog. kung sino ka man, salamat sa maganda mong taste. hehehe! sana magpakilala ka rin minsan ha. =)
Post a Comment