Challenging pala mag-bike uli after all these years. Nakakakaba yung unang pag-angkas (uli). Kamusta yung conscious ako na dapat may poise ang pagtaas ng binti. Orteh. Nakaka-panic din yung mga bata at aso na nagtatakbuhan sa kalsada. Baka kasi ma-hit e ang cheap naman mag-run, o kaya bigla na lang may umiyak tapos andun ka sa eksena wala ka namang ginawa. E lalo na yung mga sasakyan, afraid! Pag nasa likuran ko na sila, binabagalan ko.
Na-realize ko, di ko na pala kayang mag-isang kamay. Tinry ko para hawiin yung buhok ko, ayun, gumewang yung manibela, muntik pa 'ko makabangga ng kotse. Di ko siya narinig, nasa likuran ko na pala. Tapos huli na siya bumusina, nung muntik na kaming magbangga. Buti na lang mabilis ang reflexes ko hehe! Andami ko pang bloopers. Muntik na 'kong sumemplang dahil sa lubak sa Bongbong. Ang lalim naman kasi talaga ng lubak dun. Tapos yung pedal, eto panalo, di pala naka-screw maigi, kumalas, tumilapon sa gitna ng Zeus street!
Sa gitna ng kalsada sinubukan kong magkumpuni. Syempre tumabi na ko para di siga. Nagkagrasa tuloy kamay ko, nagasgasan pa ang kuko. Kakaputol ko lang kasi ng kuko e wala naman akong tools. Naikabit ko naman agad yung pedal, kaso pag-angkas ko, mali pala ang pagkakakabit. Dapat di ba magkasaliwa yung mga pedal, ayun, di ko na-check, may ganong rules nga pala dapat. Dahil sa ngawit, at may malapit na tindahan akong natanaw, dun ako tumambay para magkumpuni. Ang problema, masyado ko 'atang nadiin yung takip ng screw, di ko siya matanggal. Kung anu-anong sungkit ang ginawa ko, gumamit ako ng coins, piso, benchinko, 10 cents, kuko. Di ako nag-give up kahit parang matatanggal na yung kuko ko sa pagkakadikit sa daliri. Pero finally, napagod na 'ko, binabaan ko na ang pride, nanghiram na ako sa tindera ng screwdriver, gunting o kahit anong matulis at matigas na bagay para masungkit yung takip ng screw. Ayun, natanggal siya, tapos minano-mano ko yung pag-ikot sa screw. Grabe, I'm like a bike mechanic! Eeewwrr! Hehehe!
Naayos ko naman finally. Bike galore uli ako. Masakit pala sa keps pag matagal nakaupo sa makitid na upuan ng bike. Masakit din pag nag-bounce sa humps. Kaya ang technique, tandaan, itaas ng konti ang pwet pag pababa na sa humps (kala mo bago 'no?). But the worst has yet to happen. Pagdating ko sa Guilder street, matao dito mind you, kumalas na naman ang pedal! Para di mapahiya, walang keme kong pinulot ang pedal, sinuksok sa dala kong pouch, at naghatak ng bike hanggang bahay. Buti na lang malapit na.
Saturday, October 24, 2009
Kalahating taong tambay
Sa Wowowee naging finalist sa Hephep Horay ang isang nursing graduate. Wala raw siyang trabaho dahil naghihintay pa siya ng darating na offer. Natawa si Willie, di siya natuwa, parang gusto niyang batukan yung batang babae. Nga naman, walang trabahong kusang lalapit kung di hahanapin. Pero naintindihan ko si Fresh Grad. Ayaw pa niya magtrabaho. Baka di niya talaga gusto ang course niya kaya wala siyang drive maghanap ng papasukan. Di pa siya desidido kung anong gusto niyang gawin sa buhay. She's taking her time. Nararamdaman ko ang nararamdaman niya. Nakaka-sympathize ako. Hanggang sa nag-comment si Mama, "ba't di siya maghanap ng trabaho, anong hinihintay niya, tumanda?" Parang di yung nasa TV ang sinasabihan niya, ako ang pinaparinggan niya. Na-bad trip ako, gusto ko maiyak. Buti nasa kusina ako, di niya kita. Di naman ako naiyak pero sumama ang loob ko. Di natabunan ng pagdi-daydream ko ang bigat na nararamdaman ko. Iniinda ko pa rin ito ngayon. Ang rahas naman ng komento, lalo tuloy akong natutuliro.
Ano'ng gagawin ko kung pakiramdam ko pag nag-decide akong magtrabaho dapat yung kung san ako magiging masaya? San ba dapat, bumalik sa dati pero di na 'ko masaya o sa bago at mag-experiment? Dapat pa ba 'kong mag-experiment e matanda na 'ko? Pano kung mag-experiment ako tapos ma-realize kong di pa rin ako masaya? San ba 'ko sasaya? Sana pwede pagkakitaan ang pagtambay.
Partly, may peace of mind ang pagtambay. Kaya "partly" kasi lagi ka naman uusigin ng kunsensya mo dahil wala kang nako-contribute, walang monetary growth, wala kang kwenta sa mundo na pera ang nagpapaikot, sayang ang oxygen na ini-inhale mo. Pero kung matigas ka at di nag-aalala sa iisipin ng iba at ng kunsensya mo, kering-keri talaga ang buhay-tambay. Yun nga lang, mauubos talaga ang savings sa ganitong decision. Maswerte kung merong savings, e pano yung wala? Wala talaga.
Kung mag-abroad kaya ako? Kung mag-call center na kaya ako? Kung bumalik na lang kaya 'ko sa dating miserable at walang buhay kong trabaho? E kung tumaya na lang kaya 'ko sa lotto? Hay... Lahat ng 'to ayoko. Ano bang gusto ko? Di ko pa rin alam hanggang ngayon, magsi-7 months na.

Malalim na analysis sa aking pagkatao
Pag pala napagdesisyunan mo mag-no rice, pag jumebs ka, tubig ang majority ng ilalabas mo.
Nung nagsimula 'ko mag-diet, nabago ang aking trono life. Sasama na nga ang loob mo dahil nawala ang nakasanayang staple food, mahihirapan ka pa maglabas ng sama ng loob. Siguro kasi wala na 'ko masyadong nakakain na solid kundi yung ulam, kaya siguro wala rin masyadong solid yung jebs. Yun lang naman.

28, 29, 30
Four months pa lang pala 'kong 28 pero feeling ko mgtu-29 na 'ko bukas. Na-realize ko habang kausap si Kim sa kapihan. Nakaka-threaten kasi yung malapit na sa 30 yung edad, pwede na i-round off. Ba't kaya ganun, gusto ko na ba mag-29 kaya nagmamadali ako? O baka nape-pressure lang ako kasi wala pa rin akong maisip gawin e malapit na 'ko mag-30? Taning ko sa sarili hanggang Dec, tapos balik-trabaho na 'ko. Kaya siguro 'ko napa-praning kasi nabibilang na ang maliligayang araw ng pagtambay ko. Kung kelan naman kasi dapat settled na 'ko sa career saka naman ako nawala sa sarili. Ano ba 'to, quarterlife crisis pa rin? Tagal na a!
Subscribe to:
Posts (Atom)