Sa Wowowee naging finalist sa Hephep Horay ang isang nursing graduate. Wala raw siyang trabaho dahil naghihintay pa siya ng darating na offer. Natawa si Willie, di siya natuwa, parang gusto niyang batukan yung batang babae. Nga naman, walang trabahong kusang lalapit kung di hahanapin. Pero naintindihan ko si Fresh Grad. Ayaw pa niya magtrabaho. Baka di niya talaga gusto ang course niya kaya wala siyang drive maghanap ng papasukan. Di pa siya desidido kung anong gusto niyang gawin sa buhay. She's taking her time. Nararamdaman ko ang nararamdaman niya. Nakaka-sympathize ako. Hanggang sa nag-comment si Mama, "ba't di siya maghanap ng trabaho, anong hinihintay niya, tumanda?" Parang di yung nasa TV ang sinasabihan niya, ako ang pinaparinggan niya. Na-bad trip ako, gusto ko maiyak. Buti nasa kusina ako, di niya kita. Di naman ako naiyak pero sumama ang loob ko. Di natabunan ng pagdi-daydream ko ang bigat na nararamdaman ko. Iniinda ko pa rin ito ngayon. Ang rahas naman ng komento, lalo tuloy akong natutuliro.
Ano'ng gagawin ko kung pakiramdam ko pag nag-decide akong magtrabaho dapat yung kung san ako magiging masaya? San ba dapat, bumalik sa dati pero di na 'ko masaya o sa bago at mag-experiment? Dapat pa ba 'kong mag-experiment e matanda na 'ko? Pano kung mag-experiment ako tapos ma-realize kong di pa rin ako masaya? San ba 'ko sasaya? Sana pwede pagkakitaan ang pagtambay.
Partly, may peace of mind ang pagtambay. Kaya "partly" kasi lagi ka naman uusigin ng kunsensya mo dahil wala kang nako-contribute, walang monetary growth, wala kang kwenta sa mundo na pera ang nagpapaikot, sayang ang oxygen na ini-inhale mo. Pero kung matigas ka at di nag-aalala sa iisipin ng iba at ng kunsensya mo, kering-keri talaga ang buhay-tambay. Yun nga lang, mauubos talaga ang savings sa ganitong decision. Maswerte kung merong savings, e pano yung wala? Wala talaga.
Kung mag-abroad kaya ako? Kung mag-call center na kaya ako? Kung bumalik na lang kaya 'ko sa dating miserable at walang buhay kong trabaho? E kung tumaya na lang kaya 'ko sa lotto? Hay... Lahat ng 'to ayoko. Ano bang gusto ko? Di ko pa rin alam hanggang ngayon, magsi-7 months na.
No comments:
Post a Comment