Monday, October 6, 2008

nauubos ba ang oras?

Ba’t nga ba ako nagmamadali? Bakit may feeling na pressed for time na? Di lang pala ako ang nakakaramdam. Parang lahat kasi pinapadali na --- call imbis na txt lang, taxi imbis na bus at jeep, apartment imbis na uwian --- parang wala nang katyaga-tyaga para maghintay --- sa reply, sa traffic, sa pagpupuno ng jeep… ewan ko ba. Ito ba ang differentiation ng teenager/young adult at adult? Parang laging kinakapos sa oras?

Teka, di ba yung teenager ang laging nagmamadali --- maka-experience ng ganito, makapunta sa ganon, etc? Ba’t ngayong adult na, parang nagmamadali pa rin? Kinakapos pa rin sa oras pero iba na ang concerns --- time for family, time for friends, time for self, time away from stress, etc.

Ah, siguro dahil yung teenager, kailangan niyang magmadali para ma-try lahat dahil parang di sila mauubusan ng gusto. Yung adult, kailangan niyang magmadali kasi wala na siyang karapatang gawin yung ginagawa ng teenager kahit gusto pa niya, wala na siyang karapatang magkamali dahil dapat nagpakasawa na siya nung teenager siya, at pag gusto pa rin niyang magkamali, di na yun charge to experience kundi kagaguhan na.

Unfair --- ang mga taong manghuhusga, at ang sarili na huhusgahan ang sarili. Ba’t kailangan ganon? Ba’t kailangan? May nagsabi, kung ano ka ngayong 25, ganon ka pa rin hanggang mag-35, walang masyadong magbabago. Pwede ring case-to-case basis kasi marami rin namang may pamilya na pag 25, sobrang change naman yun. Siguro dapat isisi ang kakapusan ng oras ng adult sa nag-imbento ng quote na “malapit nang mawala sa kalendaryo”. Kasi kung di siya nampe-pressure, walang kakapusan na magaganap.

1 comment:

Pillows said...

true...at this age, kapag nagkamali tayo, hindi na charge to experience kundi isang malaking katangahan na. wala ng excuse na kasi...bata pa. walang ibang sisisihin kundi ang sarili mo. hay!