Thursday, October 18, 2012

The Tesda Experience: Filthy

Part 2:  Ako na yata ang pinakamatanda sa klase.  Pero meron namang may mga anak na.  Siguro kasing edad ko sila.  Sana naman.  Di ko lang din sure, di pa 'ko masyadong nakikipag-usap kaya di pa 'ko nakakapagtanong.  Unlike nung college, enrolment pa lang may nakangitian na 'ko, na eventually naging kaibigan ko, na hanggang ngayon, kahit di na kami nagkikita, kaibigan ko pa rin.  Sign ba 'to ng pagtanda, ang di na gaanong friendly at ready to smile to strangers?  E meron nga akong kakilala dun na di ko man lang nginitian nung first day dahil nag-alangan ako.  Kaklase siya ng kapatid ko nung highschool.  Imagine, meron kaming something in common tapos di ko pa yun tinake advantage para di ako mapanisan ng laway.  I think, being a hermit for 3 years was bad for me.  Nawala ang social skills ko.  Tsk!  I have to jumpstart my life.  Hopefully, this is the way. Anyway, sa FB ko nalaman ang Tesda training na 'to.  Nasa Friends List ko kasi yung barangay.  Sakto nag-alert.  Nagkainteres ako.  Wala naman akong ginagawa e.  Okay rin na may bagong matutunan.  FBS ang first choice ko.  Akala ko kasi may cooking involved.  Baka pagkakataon ko na matuto magluto ng libre.  Sa culinary school naman kasi ke mamahal.  E favorite ko pa naman manood ng mga cooking contests/shows.  Kaso nga, wala palang cooking dun, pagwe-waiter nga siya, so table settings ang pag-aaralan.  E hate ko yun nung elementary, sa HELE/THE, yung mga napkin-folding.  Tapos ituturo raw dun yung iba-ibang klase ng wares.  Okay sana, as far as it's concerned.  Inisip ko rin, baka kasama sa pag-aaralan yung bartending.  Konti raw, sabi ni Sir Ed.  Kaso di raw talaga dun nakasentro ang FBS training.  Disappointed. So konti nga ang nagpa-register dun kaya na-dissolve ang class.  Next time na lang daw pag marami nang nag-enrol.  Sana.  Gusto ko pa rin matutunan yun.  Tamang-tama kung gusto kong mag-change career --- new knowledge. First time ko maglinis ng CR.  Buti na lang di ako ang una.  Yung una kasi, totohanang paglilinis ang gagawin.  Panlima ako.  Yey!  So habang nire-recite ang procedure, dine-demo yung paglilinis.  Sa bahay di ko yun ginagawa tapos sa barangay hall?!  Eww-ness!  Habang nagsu-pseudo linis ako, nasa isip ko, sana FBS na lang, sana FBS na lang! Sa Sunday na yung Tesda assessment namin for Housekeeping NC II.  Sa Calamba gagawin, siguro kasi dun naka-base yung training center namin.  Aga nga ng kitaan e, 4am.  7am kasi ang start.  Buti na lang may service kami to and fro. Kailangan mag-review. --- Eden Kabisote.

Panaginip

Napanaginipan ko may nakikipag-flirt sa 'kin habang kasama ko si Mama.1   Tapos umalis ako sandali.2   Pagbalik ko nakita ko tinitignan ng guy ang address ko sa bill ng tubig na nalaglag ko. Nagalit ako kay Mama kasi hinayaan niyang makita nung guy yung address namin.3   Ba't daw ba 'ko nagagalit. Kako okay lang manlandi, wag lang manligaw.4   Sabi niya, "pano ka mag-aasawa niyan e si Ninin gusto niya mauna ka." Tanong ko, "bakit, may boyfriend na ba siya?" Oo raw, taga-Bicol.5   E di mauna na sila kako. E gusto raw ni Ninin tama ang gawin.6   Sino yung boyfriend kako, nakilala na ba niya, anong pangalan. Walang sinabing name.7   Tapos kinwento niya na na-overeat sila Ninin at boyfriend.8   Nagkukwento si Mama habang sikreto akong naiyak kasi may boyfriend na si Ninin, ako wala pa rin, at gusto na nila magpakasal pero hinihintay lang nila akong mauna. Naiyak ako sa pressure. Tapos bigla akong nagising. WTF?! Parang masamang panaginip na bigla na lang napapamulat. Ano yun, may ibig sabihin kaya yun? Past, present o future self ko kaya ang panaginip na yun? O fears?! Bakit, natatakot ba 'ko mag-asawa? Natatakot ba 'ko sa commitment? Weird dream. ---------- Footnotes: 1 Nakaupo kami somewhere habang nakikinig ng mass (supermarket yata yun na nagma-mass muna bago magbukas). Yung guy katabi ko. Bata, parang estudyante (naka-uniform e, pero di ko alam yung logo, basta red/yellow). May kasama siyang barkada na nakikipagharutan din sa 'kin (habang nagsisimba, tsk-tsk!) 2 Para tignan kung nasaan si Papa dahil sabi ni Mama may lagnat daw. Tumayo lang ako at naglakad ng ilang steps kasi nasa harapan ko na bigla ang sala at computer kung saan lagi siyang naggi-games. Wala siya dun, naisip ko baka lumabas nagyosi. 3 Nag-iba na yung setting. Nasa kusina na kami ng dating bahay, yung bago pa ma-renovate. 4 San galing yun? Wala naman akong ganong philosophy sa buhay. Subconsciously kaya? 5 Sino kaya 'yon?! 6 That is, mauuna mag-asawa ang panganay o nakatatanda. 7 In-assume kong nakalimutan niya, senior moment. 8 Kakakain lang daw nila ng kimchi tapos nagdala yung officemate nila ng afritada, kumain uli sila.

Friday, September 14, 2012

Tesda 1-2, 1-2, Tesda 1-2!

Part 1:  Making Up The Bathroom Unang main lesson sa Housekeeping NC 2 ang paglilinis ng banyo.  Eeww!  Ni hindi ko 'to ginagawa sa bahay.  Bukas ia-apply ang kinabisado naming step-by-step procedure ng tamang paglilinis ng banyo sa guestrooms ng commercial lodging establishments.  Akalain mong may tamang pagkakasunud-sunod palang mahigpit na sinusunod ang mga housekeeper?!  Akalain mong baka linisin namin ang kubeta ng barangay hall kung saan kami nagkaklase?!  Ba't ba 'ko napasok dito?! First choice ko sana ang Food and Beverage Service (FBS), isa sa dalawang courses na ino-offer ng Tesda dito sa barangay namin.  Kaso, since konti ang nag-sign up, na-dissolve ang klase, kaya lumipat ako ng Housekeeping.  Sabagay, ang ibig sabihin pala ng FBS ay waitering.  E pasmado pa naman ako, baka makabasag ako ng pinggan!  Kaya ayos lang din na lumipat ng course, libre naman e.  As if rin naman may choice. Kaso naman!  Kubeta as first lesson?!  How encouraging! Recitation:  I hate, a lot, hated the quiver in my voice during public speaking Index-card-shuffling:  Makes my crossed fingers white, but I think it works, I was, like, 5th to the last called Memorization:  Realized I could do it in an hour, kaso may isa akong sablay, nakalimutan ko i-flush ang toilet after i-clean ang inner part ng bowl bago mag-proceed sa cleaning the seat, cover and tank Question-and-answer portion:  Avoid eye contact with the trainer, who is, by the way, just 23 years old Sir Ed:  The trainer, not cute *disappointed* Classmates:  18-20+ y/o, wala man lang cute *inis*

Thursday, January 19, 2012

Android at Wattpad

May bago akong cellphone! Xmas gift ni sisterette. Samsung Galaxy Y. Shala! Well, pinakamurang android phone daw siya. Smart choice na rin, kesa bumili ng mahal, di naman mama-maximize ang paggamit.

Anyway, kakaaliw siyang kalikutin. Sarap mag-wifi. Kaya nga nawiwili akong tumambay sa SM para mag-internet. Free wifi e.

Sa pagsi-search ko ng mga apps, I stumbled upon an ebook downloader called Wattpad. Isa siyang community ng mga kwentista. Maraming mga unpublished stories ang pwedeng mabasa dito na ang mga nagsusulat ay members.

Kahit sino pwedeng magsulat, bata man o matanda, experienced man o neophyte. Kahit anong genre pwede ring sulatin, kanya-kanyang trip. At higit sa lahat, mababasa ka agad ng mga tao, at pwede silang mag-like at mag-comment agad-agad. Instant gratification.

Walang gagastusin para sa publishing. Wala ring editor at boss na magbibigay ng deadline. Basta bahala kang mag-proofread ng gawa mo. Ikaw rin bahala sa deadline. Well, depende sa demand ng readers. Kung gusto mo silang i-suspense na parang teleserye, pwedeng chop-chopin by chapters, bahala ka.

Nakakaengganyo. Binabasa ko yung iba. Nakaka-inspire. Nai-inspire akong magsulat uli. Parang nabuhay uli yung writer within me.

Yun nga lang, walang bayad. Di pwedeng pagkakitaan. Pang-hobby lang siya. Well, ayos lang. Tingin ko, di man siya nakaka-satisfy financially, mafu-fulfill naman niya yung desire ko to write. Again.

Thursday, January 12, 2012

Children's Party Times Two

Birthday ng inaanak kong si Shey sa Friday, 13. First birthday party niya sa Sabado sa Shakey's SM Manila. Invited ang mga college friends namin ng nanay niya. Mga friends na may bibitbiting chikiting. Hay...

Ka-birthday ni Shey si Kim, my friend since 9 years old. May surprise house party na niluluto ang family niya para sa kanya sa Friday. Invited ang mga college friends niya na naging friends ko na rin. Ako lang yata ang kababata niya dun.

Yung isa, magsisimula pa lang, yung isa naman, malapit na sa gitna ng buhay. One at 31 years old.

Pareho silang walang kaalam-alam sa mangyayaring party.

Ako, nakikinita ko na ang mga usapang magaganap.

Comparative conversation prediction:

Party 1:

Friends: "Ikaw, kailan ka naman magbibitbit ng chikiting?"

Ako: "Hehe..." *magpapaka-polite*

Party 2:

Ako: "Kailan kaya tayo magkaka-chikiting?"

Friends: "Hehe..." *hoping din*

Di namin gaanong napapag-usapan ni Kim ang pagkakaroon ng anak, pero may paminsan-minsan na rin kaming conversations about it. Di naman gaanong concern yung pagpapamilya. Ang mas napapag-usapan ay kung paanong proseso kami makakarating doon. AKA lovelife.

Halos lahat ng kaibigan ko sa college, may asawa't anak na. Ako na lang ang single. Ako na lang ang di pa maayos ang buhay. Literally. Walang work, walang plans. Walang long-term, kahit short-term goals. See, literal, di ba?

Madalas kong ihinga kay Kim 'tong pangambang 'to. Yung ako na lang ang natitira sa barkada ko. Lagi naman niyang pinapalubag ang loob ko, kasi sila ng mga friends niya single pa rin naman. Di daw ako nag-iisa.

Buti naman.

Siguro, kung ako na nga lang talaga, di ko alam kung anong damage control ang gagawin ko sa self-esteem ko.

Pero sa totoo lang, sila Kim, di sila totally single. Yung isa, may long-term relationship. Kasal na lang ang hinihintay, I think. Yung isa naman, may kakiligan sa chat. Nag-EB na nga sila nung umuwi dito yung guy. Si Kim naman, may hinihintay din sa ibang bansa. At may history na sila.

E ako? Wala. Walang kakiligan, walang hinihintay, walang someone to look forward to. Wala! Wala lang. Haaay...

Yung mga friends ko, next chapter na ng life ang inaasikaso. Family and parenting na sila. Ako, di ko pa rin matapos-tapos ang single and still searching chapter ng life na ito.

Word war within me:

Reasonable Me: Puro ka reklamo. Ba't di mo kaya i-try umaksyon?

Me: Easier said than done. Iniisip ko pa lang, nalilito na 'ko. Di ko alam kung pano magsisimula. Sige nga, ikaw nga, ano ang first step?

Reasonable Me: Di ka pa nga gumagalaw, sumusuko ka na. Try mo kayang wag matakot, for a change?

Me: Haaay...

Parehong walang kaalam-alam sina Shey at Kim sa mangyayari. Sa party. At sa buhay.

Lalo naman ako.