Friday, September 14, 2012
Tesda 1-2, 1-2, Tesda 1-2!
Part 1: Making Up The Bathroom
Unang main lesson sa Housekeeping NC 2 ang paglilinis ng banyo. Eeww! Ni hindi ko 'to ginagawa sa bahay. Bukas ia-apply ang kinabisado naming step-by-step procedure ng tamang paglilinis ng banyo sa guestrooms ng commercial lodging establishments. Akalain mong may tamang pagkakasunud-sunod palang mahigpit na sinusunod ang mga housekeeper?! Akalain mong baka linisin namin ang kubeta ng barangay hall kung saan kami nagkaklase?! Ba't ba 'ko napasok dito?!
First choice ko sana ang Food and Beverage Service (FBS), isa sa dalawang courses na ino-offer ng Tesda dito sa barangay namin. Kaso, since konti ang nag-sign up, na-dissolve ang klase, kaya lumipat ako ng Housekeeping. Sabagay, ang ibig sabihin pala ng FBS ay waitering. E pasmado pa naman ako, baka makabasag ako ng pinggan! Kaya ayos lang din na lumipat ng course, libre naman e. As if rin naman may choice.
Kaso naman! Kubeta as first lesson?! How encouraging!
Recitation: I hate, a lot, hated the quiver in my voice during public speaking
Index-card-shuffling: Makes my crossed fingers white, but I think it works, I was, like, 5th to the last called
Memorization: Realized I could do it in an hour, kaso may isa akong sablay, nakalimutan ko i-flush ang toilet after i-clean ang inner part ng bowl bago mag-proceed sa cleaning the seat, cover and tank
Question-and-answer portion: Avoid eye contact with the trainer, who is, by the way, just 23 years old
Sir Ed: The trainer, not cute *disappointed*
Classmates: 18-20+ y/o, wala man lang cute *inis*
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment