Monday, January 28, 2008

Lastikman, friends and other things (17 Jan 08)

Tapos na ang pagsusulat ng Lastikman. Hay salamat! Nakakauta rin pala pag yun ng yon ang sinusulat. Sa kalahating part pa lang ako ng show sumali nun ha. Lalo na siguro kung mala-Mara Clara sa tagal ang sinusulat kong teleserye, at kung nakasali pa 'ko sa concept development. Hay... May commitment issues siguro ako. Anlabo!

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. May bagong project uli ako, pero hindi ako excited. Pano, Lastikman pa rin---Lastikman and friends. Anubanamanyan! Nakakauta na si Lastikman! Although, once a week lang 'yon, pero kahit na, si Lastikman pa rin.

Singit: Pinapanood ko ngayon ang pelikula nina Dolphy at Serena Dalrymple. Magiging ganon kaya ang buhok ko pag haba? 'Yung kay Serena, di kay Dolphy.

May assignment kami sa bagong show---hindi pa 'ko nakakagawa. May meeting ngayon, presentation daw. Kaso may sakit ako kaya di ako aattend. Pero magkikita kami mamaya nila Bern at Grace sa Trinoma. Dinner.
Nakakatampo 'yang dalawang 'yan. Lagi na lang akong tinu-turn down sa mga pag-aaya ko. Minsan na nga lang ako mag-aya, lagi pang may excuses. Nagtataka rin ako bakit hindi nila laging sinasama si She sa mga lakarang out-of town. Ba't kaya? Di kaya nila alam na nakakatampo ang ginagawa nila?

Sana maging okay ang 2008 for me. Sana hindi lang okay, sana fruitful---mas maraming projects, mas maraming datung, mas maraming pagta-travel. Jowa? Kung darating, darating. Magpapaganda na lang ako. Pero kung magpapapayat? Ewan. Isulat natin 'yan sa hangin. Ba't kasi kailangan payat eh pwede namang maging healthy kahit medyo chubby? Chubby pa gusto!

Nakakahawa ba ang stiff neck? Kagabi, may stiff neck si Triple. Ngayon, paggising ko, masakit ang leeg ko. Ano kayang magandang i-shopping mamaya? Shoes? Damit? Gadget? Pwera gadget, mahal 'yun eh. Load, definitely, load. Hehe!

Kasal, Bakasakali, Saklolo (not a film review) 14 Jan 08

April 18, 2008
January 24, 2009
August 8, 2009


Ito ang mga pinakaimportanteng dates sa buhay ng mga friends ko. Ito ang dates ng mga kasal nila—kina Marianne, Grace at Sheridan, respectively.

Alam ko na noon pa na may dates na sina Marz at She. Ang nakakagulat ay ang kay Grace. Hindi ko alam na may nakatakda na siyang date. Age nila pagkakasal, 26-27. I’m not totally clueless naman. I was with them nung mag-propose si Rez kay Grace sa Bora. Pero nabigla lang ako dahil ikakasal na rin siya next year.

Bumisita ako kay Izay kanina. Izay is a friend from elementary and highschool. Chikahan to the max kami habang kumakain ako sa fiesta handaan. Isa ko pang pakay ay para magtanong kay Nanay kung magkano magpagawa ng wedding ring (para kina Grace). Nalaman ko sa kanya na ikakasal na rin pala si Mitzelle, a classmate from elem-HS. Kakakita ko nga lang ngayon ng mga pix sa Multiply ng pamamanhikan ng bf nito. Ilan din pala sa mga classmates namin ay ikinasal o may anak na. Sina Meme, Dante, Helen, Escolin.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Para akong nape-pressure na kung ano. Inggit ba ‘to? Lahat kasi ng mga tao around me nag-aasawahan at nagpo-populate na ng mundo. Ako, walang boyfriend, walang manliligaw, walang excitement with regards to matters of the heart. Para akong bubot na nagsisimula pa lang mamukadkad, habang ang lahat ay bukang-buka na at pinagpipipitas na.

Ano bang diperensya? Puro ba ‘ko career? Kulang ba sa edge ang personality ko? Wala ba ‘kong ganda? Masyado na ba akong mataba at wala man lang sumusulyap sa kagandahan kong taglay?

Magdi-date kami ni She bukas. Magpapasama na rin ako sa kanya na bumili ng cellphone. Siya, magpapasama sa ‘kin para bumili ng pregnancy test kit. Weird, magkaibang-magkaiba na ang concerns namin—nasa magkabilang dulo ng social spectrum ng tao. It says a lot about our status in life. Nakakatawa. Nalulungkot ako.

Don’t get me wrong. Ayoko pang mamuhay na may asawa. I know, I’m not ready yet, financially, emotionally, psychologically, lahat ng may –lly. Pero sana man lang, habang uma-attend ako sa mga receptions, meron akong kasama na makakatabi ko, makakahagikhikan ko, at malalambing ko, and vice versa. Di puro na lang upos ng yosi ko.
* * *

Ano ba?! Countdown sa HBO ang Hollywood’s 10 best weddings! Timing na timing naman. Bad trip!

Sa My Bestfriend’s Wedding pala, may usapan ang mag-bestfriend na magpapakasal sila pag hindi pa nakakahanap ng partner by the age of 28. Yey! Wala pa ‘kong 28. May 2 years pa naman pala! Hahaha!

Pineapple Tidbits I

  1. Kung ang bawat star ay galaxy (sabi sa Star Wars), ang dami palang galaxy.
  2. Kung ang bawat galaxy may mga planeta, ang dami palang planeta.
  3. At, kung maraming planeta at may nakatira bawat isa sa mga iyon, ang daming aliens.
  4. Malaki rin ang posibilidad na isa sa mga planetang iyon ay tulad sa Earth.

Creepy.

Friday, January 25, 2008

Thursday, January 24, 2008

Artist-Friends (Kym, grab mo ibang pix natin sa link below)


Kym, Ako, Jasmine, Ces (grab pix here)

Hakshooli, kasama dapat dito si Roselle. Kaso, umuwi na pala siya after pakainin ni Kym sa Kenny. Mukhang nakantyawan ni Roselle si Kym. Birthday kasi ni Kym nung 13, eh di naman siya naghanda.

Sa totoo lang, gigimik kami sa Sabado sa Malate. Pa-bday ni Kym. Di invited si Roselle, hehehe! Manonood kami ng Pinikpikan sa Penguin Bar sa Remedios. Honestly, I'm not a big fan of Pinikpikan, but I appreciate their music, maganda sa pandinig. Si Kym, ok din sa kanya ang Pinikpikan, kaya rin siya pumayag na dun na lang gumimik. Saka, matagal na niyang promise kay Jasmine na manonood nun. Matutupad na rin sa wakas ang promise. Ang concern ko lang, bday ni Kym ang ise-celebrate, kaya dapat kung ano yung gusto ni Kym, yun ang dapat gawin.

Owel. For the love of a friend. Lipat na lang ako sa hiphop pag bored na 'ko. Hehehe!

FYI: Crush ni Jasmine ang bassist ng Pinikpikan.

THEORY 1: Kaya gusto ni Jasmine manood ng Pinikpikan, para mapanood ang crush niya.

FYI: Hindi naman mahilig sa mga ganung music si Jasmine dati, sabi ni Kym.

THEORY 2: Ngayon lang niya nagustuhan ang Pinikpikan dahil crush niya ang bassist.

THEORY 3: So ang Sabado ng gabing gimik namin ay isang malaking PUPUNG kay Jasmine.

THEORY 4: Si Jasmine lang ang mage-enjoy.

THEORY 5: Eden scouting for lame hiphoppers. Hahaha!

Hope we'll all enjoy. :-D

Friday, January 18, 2008

Click.3 Mapagpanggap na Paa


Hehehe! Tinutukso ako ng mga highschool classmates ko. Mukhang kamay raw ang paa ko. Tama ba sila?

Click.2 My New Hairstyle


Hakshooli, humabang kalbong buhok lang yan. Di pa ko nagpapagupit uli kaya ganyan. May naaalala ba kayong Brit band sa buhok na yan? Send ur answers here. Hehe!

Monday, January 14, 2008

Friday, January 11, 2008

Changes


I bought a new fon yesterday. Like it so much. After, nag-date kami ni She kagabi s Trinoma. Medyo matagal na kami di nagkikita dahil sa work. Puro kami txt lang. Magpaplano kami para sa kasal niya. Pero di kami nakapagplano. Iba ang napag-usapan namin...
Ang napipintong pagiging mommy niya. Mommy ka na, She! :-D

Thursday, January 10, 2008

Click.1 Subok


From my SE K770i. Mobile blogging daw. Astig!

Thursday, January 3, 2008

80s ang Deo Group!

Xmas Party: 17 Dec 2007, sa may South Venue (nga ba 'yun? Basta sa may Timog, malapit sa Circle).

Muntik na nga 'kong di pumunta kasi di pa 'ko tapos mag-script. Day 4 pa lang ako, tapos kaka-send lang ni Galo ng Day 5. Kaso, sabi ni Galo, pumunta daw ako. Ako naman, bilang masunuring subordinate, punta.

80s daw ang theme ng Xmas party. Siyet! Anong isusuot ko?! Papasa na ba ang malaking eyebags bilang costume? (Wala pa kasi akong tulog.)

Nagkita kami ni Nix sa Starbucks Imperial. Natawa 'ko kasi ang laki ng plastic bag na dala niya. Puro gifts pala laman nun. Binigyan niya 'ko ng isang Gardenia lotion from Bath and Body Works. O di ba, kahit naging naughty ako at inisip ko na para siyang babaeng Santa Claus na namimigay ng gifts coming from a plastic bag at hindi red cloth, binigyan pa rin niya 'ko ng gep.
(JAYSON, MARK, NIX, EDEN, NOREEN, si Jake Cuenca Ba 'yun?)

(AKO, NOREEN, NIX, si Mark sumisingit)

Pagdating namin ni Nix sa tagung-tagong bar na 'yon, aba eh, totoo nga, costume kung costume nga talaga. Nakasabay namin sa registration ang prod team ng Palos. Beret kung beret! Hmp! Afro naman ako! (di 'ata 80s ang afro).

Nakita ko sina Ms Shai at Ms Mari. Taka nga ako eh, ba't kaya sila nandoon. Naisip ko, baka kasi kasama rin ang friends of the Deo unit. Pero natuwa ako nung nakita ko si Ms Mari. Wala lang.

Ang nakakatuwa pa, nanalo ako ng gift cert sa raffle. Hehe! 'Yaan mo na 'ko, minsan lang manalo eh. Kaso hindi ko rin ginamit. Binigay ko na lang kay Nix. Crowne Plaza overnight stay for two sa deluxe suite. Cheap ni Christian Baustista (sponsor)! Yabang!

Ang mas nakakatuwa, ang mga bossing namin sa Unit, nagsayaw! Sayaw 80s! Waaahahaha!

(MAHALAY! Alin, 'yung kiss o 'yung sumisilip dun?)

Oh well, kami na naman ang nagligpit ng bar, as usual. Mga hayok kasi sa gimik. Wala kasi kami nun eh.

Gusto n'yo pang makakita ng iba pang mga pictures?
Sige!

Pindot lang here.