Friday, April 11, 2008

Si Mama at ang Ocean Park



Simula nang mabalita ang bagong bukas na Ocean Park sa Manila ay nagpaparinig na si Mama na gusto niya pumunta ron. Kaso daw mahal, P400 isa. Ako naman, "talaga? Sige punta tayo pag may time na 'ko..." Naisip ko kasi, sa dami ng mga panlilibre niya sa 'kin, it's time na ako naman ang mag-treat sa kanya. Kaso lagi naman akong walang time dahil sa work. Tapos narinig ko na di pa daw gaanong maganda sa Ocean Park dahil konti pa lang ang mga fish. So nausod ng nausod ang plano. Salbahe rin kasi ako. Iniisip ko, naku, di ako makakapagyosi pag kasama si Mama! Hehe! Oo na, masama na 'kong anak.

Isang araw, long weekend 'yon, nung nilipat yung Araw ng Kagitingan ng Lunes, naisip ko, why not ituloy na ang plano? Nasa bahay din nun si Ninin at kinukwento niya na nagpaalam na daw siya sa TL niya na magre-resign na siya. Nagsu-swimming kaming tatlo nun sa aming newly-bought "swimming pool" (malaki siya, pang-adult, sarap magbabad), nang i-bring up ko yung topic. "Gusto n'yo mag-Ocean Park bukas?" Malalaking ngiti ang sinagot nila sa 'kin. Ang sarap.

Habang dinner, inaya ko naman si Papa. Masaya yon, buong pamilya kaming maglalakwatsa. Kaso sabi ni Papa, nakita na raw niya yun, sa Japan. Mas marami pang fish. Oo nga pala, nagpunta siya dati sa Japan. Walang panama ang Ocean Park natin dun sa Ocean Park ng Japan. Okay. Tsaka homebody naman talaga si Papa. Masaya na siyang manood ng CSI, House, Lost at kung anu-ano pa. Ika nga ni Mama, si Papa ay isang couch potato.

Monday kami nagpunta. Namroblema pa nung una si Ninin sa TL niya. Di kasi siya sinasagot nung nagpaalam siya na di papasok. May 1 month ek pa kasi siya after ng resignation. Gusto sana niyang maging malinis ang records niya kahit pa resigned na siya. Ewan ko ba dun. Anyway, nag-LRT kami to UN tapos naglakad to Luneta. Sabi ni Mama, dati daw di pa gaanong mapuno sa Luneta. Maganda raw yun pag gabi kasi bukas ang fountain at may dancing lights pa. May kakumpetensya na rin pala si Rizal dun. Di na lang siya ang bida. Andun din si Lapu-lapu. Kala ko sa Cebu lang siya may monumento. But no! Mali ako dun. Ang layo ng nilakad namin. Pano, sinimulan naming maglakad mula sa mapa ng Pilipinas papuntang Grandstand kung san nasa likod nun ang pakay namin. Basa ang kilikili. Hehehe!

May nakita kaming barko na hotel at resto. Ito siguro yung kinwento ni She na sinakyan nila dati nung nag-ENG sila. Pagdating namin dun, andaming tao! Andaming bata! Andaming handang magbayad ng P350/kid at P400/adult! Pagpasok namin sa loob, andaming monoblock chairs! Andami ring taong nakaupo dun, naghihintay ng number nila para bumili ng ticket. Buti dala ni Mama ang senior citizen ID niya, at walang pila sa lane na yun na intended for them. Yehey!

Sosyal ang CR nila. Masikip pero may sensor ang bowl, automatic na nagfa-flush pag tumayo na ang gumamit. Ayuz!

Anlalaki ng mga fish! May mga pasikat ding fish, nage-exhibition sa paglangoy. May drizzling falls, tamang-tamang pampalamig sa mainit na panahon. May mga baby sharks at starfish na pwedeng hawakan wag lang ili-lift. Pero yung Manong binaligtad pa yung starfish para makita niya yung ilalim. Lagot tuloy siya dun sa nagbabantay (pero nakitingin din naman kami, hehe). Iba-ibang lamandagat, iba-ibang design at sukat ng aquariums, iba-ibang camera ng mga tao. Bawal ang flash sa loob. Nakaka-stress daw yun sa mga isda. Pero marami pa ring pasaway na nangi-stress ng mga fishie.

Tuwang-tuwa kami. Para kaming mga bata na nakikisiksik sa mga tunay na bata para mapiktyuran ang mga fishy. (see pix here) Natuwa ako dun sa Pampano kasi minsan ulam daw namin yun. Naging LSS ko na nga yun e. Pampano! Tapos may aquarium tunnel din. Lumalangoy sa taas namin yung mga fishie. Meron pa nga ron yung mga pagi, kitang-kita naming bumubuka yung mga gills sa ilalim nila. Hihihi! Tapos sa pinakataas may Fish Spa. Kakainin ng mga fishie yung paa mo. Hehe! Hindi. Parang yung mga kalyo mo lang, tapos maliliit na fish lang ang kakain. Gusto sana i-try ni Ninin kaso parang nakakakiliti naman yun, baka masipa yung mga fish. Tsaka maghihintay pa ng turn mo para magpakain lang ng paa. Andami din kasing sumusubok. Baka busog na rin yun mga yon. Kakain na lang sana kami dun sa resto ng Ocean Park kaso P600 each e. Wag na lang.

Go na lang kami'ng SM Manila since di pa rin nakakapunta dun si Mama. Dun kami sa Greenwich nag-lunch. Na-overeat ata kami kasi feeling namin gutom na gutom kami.

Pag-uwi namin, inaya ko si Ninin mag-stroll. Akshuli, para makapagyosi. Hehehe!

Pampano!



2 comments:

isinilang ang isang said...

wow na-experience na niya ang ocean park! ganda no? naku, madadagdagan na naman ang mga dapat puntahan ni ate bern! hehehe..

WRITER DAW said...

oo nga. pero dapat manila zoo mun bago ocean park. pag nauna yung ocean park, baka di na niya ma-appreciate ang manila zoo. hehehe!