Friday, December 21, 2007

The 12 Last-minute To-do List

Twelve days na lang, bagong taon na naman. Tatanda at lilipas na naman ako (although, sa june 29 pa). Ano kayang magandang gawin bago man lang matapos ang taon, sa loob ng labindalawang araw?

Manood ng sine. Tagal ko na ring hindi nakakapanood ng sine. Ang huli kong sine ay... ay... di ko na maalala. Siguro "The Devil Wears Prada" na pinalabas na sa HBO kaya matagal na 'yun (iyon ang gauge ko, kapag pinalabas na sa TV, ibig sabihin, luma na). Nagkakasya na lang ako sa panonood ng sine sa cable ngayon e. Pano, wala nang time para maglakwatsa at unwind. Kung meron man, sakto namang hindi maganda ang palabas. Bad trip, di ba? Tamang-tama, MMFF 'ata sa Pasko (siyet, andaming manonood). Sa SM Marilao na lang ako manonood para mas mura kesa SM North.

Tapusin lahat ng iskrip. Ito ang pangarap ko. Sana matapos na namin ni Galo ang lahat ng susulatin para sa Lastikman para makapagpahinga naman kahit konti. Kaso, baka ako magpahinga ng matagal. Kasi si Galo at Nix, may nakaabang na sa kanila na next show. Akshuli, hinihintay na lang nila na matapos si Galo sa pagsusulat tapos larga na siya dun. Ako, wala pang offer. Mukhang hindi pa 'ko nagmarka. Chever! Kebs!

Makabili ng geps para sa "Belated Merry Xmas". Hindi ko alam kung matutupad ko ito. Nakalampas na ang Pasko e, may bearing pa ba pag nagbigay ako kahit late na? Ang mga guys naman, hindi nagreregalo, bakit ang mga girls kailangan mag-effort? O sadya lang tayong mga thoughtful, 'no, girls? Hehe!

Bumili ng bagong wardrobe. Kung may magandang style, why not. Kung wala, sorry. Basta kailangan kong makabili ng para sa sarili ko. (Pwede ring gadget, hihihi!)

Get-together with friends. I hope magka-time ako at magka-time sila.

Uminom ng bonggang-bongga. Matagal na 'kong hindi nalalasing o nakakagimik. Sana may last hurrah bago matapos ang taon. 'Yung mga Xmas parties, not counted ha.

Maglinis ng kwarto. Uy, parang New Year's Resolution! Ang pagkakaiba, every katapusan lang ng taon ginagawa. Hehe! Baka magtapon na rin ako ng mga bagay-bagay na pwede nang dispatyahin, like clothes, etc.

Maglinis ng Inbox sa email at cellphone. Tama. Gagawin ko 'to. Para fresh start.

Maglinis ng computer. Ihanda ang CD- at DVD-Writer at mga recordables/rewrittables. Lahat ng files, pictures, videos, etc., ilagay lahat sa CD, para gumaan-gaan naman ang desktop at laptop.

Magpaganda. Magpa-facial, prophylaxis, manicure, pedicure, footspa, trim, etc. for a beautiful new me. Yeah!

Memory scan. Lahat ng mga pictures mula noong bata hanggang ngayong 26 na 'ko, ipapa-scan ko, tapos gagawa ako ng music video. Yeba!

Last, but not the least (hindi ito ang pagpapapayat, wag na kayong mag-expect!), maglinis ng buong bahay at magpaligo ng mga aso. Medyo matagal nang walang general cleaning ang aming munting tahanan, kaya naman sana, makapag-wash man lang ng bintana, tanggal ng alikabok at agiw-agiw, mga ganong bagay. At saka, matagal nang hindi napapaliguan sina Ish, Laq at Mong, ang aming loyal bantays. Parang isang taon na rin 'ata, kawawa naman. Dati kasi, kami ni Ninin ang nagpapaligo, nung hindi pa hectic sa work. E ngayon, sobrang busy na. Si Mama hindi naman kaya nang mag-isa 'yon. Ambibigat pa naman nila, lalo na pag nagpupumiglas na dahil sa lamig ng tubig.

Ayun. 12 lahat 'no? Tig-isa sa isang araw. Good luck sa 'kin.

No comments: