Kahapon inumaga na ‘ko sa office. Pano, gusto nila, mag-revise na ’ko right then and there, bawal umuwi. Kainis talaga. Pahamak ang laptop. Kung hindi nila alam na may laptop na kami ni Nix, hindi nila kami maaabuso ng ganito. Syempre, pag dala lagi ang laptop, anywhere, any moment, pwede ka magtrabaho. Sinong may sabing pwedeng umuwi. Kaya ayun, after ng meeting, sa prod ako nagsulat. Wala kasi akong dalang laptop that time at iiwan naman ako ni Nix dahil magre-revise siya ng Palos.
So, lonely ako habang naglalakad papuntang prod. Sa computer ni Darnel ako nag-revise ng Week 13. For taping na kasi kinabukasan ‘yung ibang mga eksena. Buti na lang, na-sight ko si Papa Bryan. Akala ko nag-resign na siya kasi balita ko pinagre-resign na siya ng family niya dahil injured siya, not so sure kung sa binti. Pano ba naman, hindi ko na siya nakikita sa prod. As if lagi naman ako sa office.
So, ’yun na nga, naroon si Bryan sa cubicle nila. Sabi ni Darnel, ”Bryan, is this goodbye?” Sa isip-isip ko, ”What?! Totoo ngang magre-resign na siya? Ano ba naman ’yan, hindi man lang kami naging friends! Chos!”
Revise, revise, revise.
Hindi ako nakatiis. Nung kami na lang dalawa ni Darnel sa cubicle, nagtanong na talaga ’ko. Shy-type, ”magre-resign na si Bryan?” Sagot, ”Hindi. Magpapa-therapy siya for one month. May hip injury kasi siya mula pa nung bata siya. Pagbalik niya, tapos na ang show.” Aahh... Aayy... Masayang malungkot.
Ang nakakakilig sa lahat, alam pala ni Papa Bryan ang pangalan ko! Tinawag niya ako para tanungin kung nasaan si Darnel. Ang tawag niya sa ’kin ay Ee-den, as in cheese. Ok lang, at least alam niyang nage-exist ako.
Txt message: Darnel, may gf na ba si Bryan?
Reply: Wala pero ang alam ko, pinopormahan niya ’yung trainee sa Maging.
Aayy... Pakshet.
No comments:
Post a Comment