Saturday, December 22, 2007

Windang

Once in a while, ginugulo ako ng isip ko. Magulong-magulo siya. Parang nagwawala. Hindi ko naman maintindihan kung anong pinagwawala niya. As in parang maingay siya na nagsisisigaw tapos parang nakakahilo. Pero hindi ko siya ma-comprehend. Para lang siyang si Tazmanian Devil na ikot ng ikot. Nababaliw na ba ako? O meron na ba akong psychic ability na hindi pa lang naha-harness?

Minsan, in the middle of playing Spider Solitaire sa PC, umaatake siya. Ang gulo-gulo, parang may gusto siyang sabihin. Ano kaya ‘yon? Minsan, nasasabi ko na nga lang, “tama na!” kasi hindi ko naman siya maintindihan, parang maingay lang naman siya. Kailangan ko na ba ng psychiatrist? O stressed out lang ako?

Nung isang gabi, habang nasa xmas party ng Deo group, tanong sa ‘kin ni Mark, “Totoo ba ‘yung tsismis na may nabaliw daw sa team n’yo?” Nagulat ako, pano niya nalaman? Malamang si Jayson ang nagkwento. Siya lang naman may alam, bukod sa team mismo. Sabi ko, na-depress lang, hindi naman nabaliw. Ang stress kasi minsan nami-mistook sa pagkabaliw (o nakakabaliw ang stress?).

Ang totoo, hindi ko alam kung nabaliw ‘yung ka-team ko. Basta may mali sa psychological state niya ngayon. Ang balita ko, he hears things na wala naman. He’s paranoid about many things na hindi naman nage-exist. Ang alam ko, bumabalik-balik siya sa Makati Med para magpa-checkup. Dati, nung na-confine siya dun, bawal ang bisita, maski misis niya. Weird, pero pwede rin naman marami rin kasi siyang problemang personal. I think his dad is dying of some cancer. Hindi ko lang alam kung ano nang lagay ng dad niya ngayon. I think hindi pa sila nagre-reconcile ng dad niya kaya may baggage siyang dinadala. Then comes the job—our job. Stressful sobra ang ganitong klase ng trabaho—I think, mas stressful ito sa iba pang mga trabaho. We make stories, we love it as our own, nourish it, defend it with our lives, then we became disappointed because the end product will not be the story we loved, nourished and defended with our lives anymore. At kailangan naming piliting i-let go na hindi na siya amin dahil na-murder na siya ng iba. Parang kanta ni Freddie Aguilar na “Anak”—“anak, ba’t ka nagkaganyan?” Oh well.

Anyway, I think, my teammate’s trigger point was our job. Totoo, masakit magsalita ang mga tao lalo na pag binabaril ang gawa mo. We, artists (writers), have the tendency to be hurt, be defensive, to the point na ayaw nating maggive up, para ma-retain ang kaliit-liitang detalye ng ating obra. But in the case of tv-writing, pati movie-writing kapag third party ang producer, kailangang pakinggan ang inputs ng lahat ng taong gagawa ng show. Lahat, pati PA. Minsan pa, balahuraan—yuyurakan ang pagkatao ng writer, na hindi ko alam kung bakit ginagawa, para sabihing may point sila, mas may point sila kesa sa gumawa. At mali ang writer, tanga siya, at hindi dapat ganon ang pagkakasulat. Ganyan ang mga nasa taas, lalo na kapag hindi ka kilalang writer, baguhan ka, tahimik ka, at hindi ka credible para sa kanila dahil hindi kayo chummy-chummy. Para sa kanila, magaling kang writer kung kilala ka nila, at kung nagtitiwala sila sa judgement mo. Bullshit. The sensibility of a person is subjective.

Masyado yatang dinibdib ng teammate ko ang sinabi sa kanya ng isang nag-comment sa script niya. Feeling niya, ayaw sa kanya kaya ganon, pine-personal siya. Kasi nga naman, medyo personal ang binanat. Hanggang sa, one time, na dapat may brainstorming kami, hindi siya sumipot. I was left all alone to do all the work, while my headwriter was on another brainstorming session for the other show. Nagawa ko naman siya—feeling ko naman, na-impress naman sa ‘kin si Galo kasi nakaya ko ng mag-isa. Tapos nung gabi, dumating si teammate—akshuli, he is the main writer, tulong lang dapat ako. Kasama niyang dumating ang misis niya. Nagpalit daw siya ng number, from Smart to Globe kasi feeling niya, naka-tap daw ang number niya. May times daw na pag umuuwi kami ng gabing-gabi, may sumusunod daw sa kanya. Feeling niya, pinapasundan siya ng mga bossing namin, na hindi ko makuha kung anong logic dahil we’re practically a nobody in the biz. Tapos pa, everytime na lumalabas siya sa kanila, nakakarinig daw siya ng mga bulong na “bading, bading, bading”. The bading issue was due to a comment by one of the directors on his script—napagtagni-tagni lang namin. Natatakot na rin siya pag sobrang maraming tao, napa-paranoid. Tsaka, there was a time na parang nag-iba ang aura ng mukha niya. I don’t know. O baka tingin ko lang ‘yon.

I don’t know kung nakadagdag pa roon ang pag-reject ko sa kanya when he hit on me. I was not aware na may “pitik” na pala siya nun, we all are, that time. Basta nagulat na lang ako na may sinasabi siya na nagseselos daw ang misis niya sa ‘kin dahil sa mga text ko, na feeling ko naman, walang masama o malisya. Our texts were all about work kaya hindi ko maintindihan bakit nagka-issue. Tapos sabi niya, totohanin na raw namin. Meron daw kasi akong text na parang sinabi ko na “walang magawa”. In fact, kaya ko yun nasabi dahil wala naman talagang magawa at gusto kong maglakwatsa. It didn’t mean like I was inviting him na may gawin. I thought of him as a kuya kaya nakakapagkwento ako ng mga bagay na personal, or so I’ve thought. I was not insinuating anything. I long to have a kuya because I’m the eldest and when I have an officemate na mas matanda, I think of him as one. Hindi pala dapat magtiwala basta-basta, sadly realized.

For a time, I was afraid na i-confide ang nangyari with Galo. I fear that he would sympathize more with this teammate, knowing they were magkumpare at mas matagal silang magkasama, komiks days pa lang. But then, I gained my gut and talk to him about it. He didn’t take sides naman, thank God. Sabi ko kasi, I have no proof but my word against his kasi all I have was gut feel. This teammate naman kasi, didn’t verbalize anything like, “tara, sex tayo”. Na-feel ko lang na iyon ang gusto niyang iparating sa’kin. Maybe he thought he would be rejected kaya hindi niya diniretso. Most men naman kasi are like that, they would step forward once then let the girl do the rest of the steps, kung gusto ng girl. Sigurista, ika nga. Na-hurt lang ako kasi hindi ko pala na-gain ang respect na ine-expect ko from him. I was just meat.

There was a time na gusto ko ang nangyari sa kanya. I was angry kasi. I felt betrayed, nabastos. Pero after that, I pitied him. Bakit siya nagkaganon. Maybe he was weak to tolerate all of his problems. So he succumbed to the dark side of his subconscious. I fear for his family—his daughter is still young. Sana gumaling na siya.

So nabaliw ba siya? Hindi ko alam, ayokong tanggapin. Pwede. Pero sana curable. Sana makabalik pa rin siya kasi this job is his bread-and-butter. At magaling siyang writer. Ayoko nga lang siyang makatrabaho ulit. Ayokong mamuhay sa takot na baka gawin niya uli iyon sa ‘kin.
So ba’t ko nakwento? Wala lang. Natatakot lang ako na baka ‘yung maingay sa utak ko ay simula na ng pagkabaliw ko. I think I’m not weak, but still I’m not strong enough. Nase-stress pa rin ako. Kailangan ko lang mai-vent out para gumaan. Kailangan ko rin minsan tumakas sa mundo ng trabaho to clear my mind, to rest, to recharge. Ito siguro ang kailangan ko para hindi tuluyang mabaliw sa trabaho. Pero sana, maintindihan ko rin kung ano ang sinasabi ng mga ingay sa utak ko—baka kasi brilliant story na pala ang sinasabi niya—baka ito na ang maging simula ng mga awards at blockbuster streak ko. Hehehe!

No comments: