Friday, August 13, 2010
GMRC
Na-evaluate na ‘yung buong book. May mga minor revisions. Tapos na ‘kong mag-revise ng eight lessons na ginawa ko. Madali lang kasi, bukod sa in Tagalog naman, titles at warm-up activities lang naman ang kinoment ng evaluator na di raw akma sa topics. Binasa ko uli ‘yung mga lessons for last repaso. Nag-revise ng konti. Dinagdagan ko lang ng insights at ni-revise ang mga maling grammar. Yun lang naman.
Bibigyan na nga sana ako ni Ate Au, yung editor/writer na nagbigay sa ‘kin ng raket, ng down payment para sa ginawa ko pero di ko muna kinuha. Baka magastos ko kasi agad. Buo ko na lang kukunin para masaya, isang bagsakan na lang para marami, hehe. Iipinunin ko yun kasi di pa ‘ko naghahanap ng work. Para may ipon hanggang magka-work.
Yung ginawa kong mga lessons, meron naman siyang guidelines kung ano at paano gagawin. Hindi naman siya yung random lang na ako mismo ang mag-iisip. May mga topics na ibinigay tapos idi-discuss ko siya. May activity muna, parang refresher. Parang gauge kung ano ang alam ng mga bata. Then may story o poem or anything to jumpstart the lesson proper. Most of it mga composition ko. Buti na lang pambata yung libro kaya madali lang mag-isip ng mga stories. Simpleng stories lang na naka-incorporate doon ang main topic. Then, may comprehension questions about the story, at lesson learned. Tapos discussion na about the topic na usually ay values to learn, like pagsunod sa batas, pagiging committed sa responsibility, pagtitipid, atbp. Then, apat hanggang limang activities na magte-test ng kakayahan ng mga bata with application ng values na natutunan. Usually, yung mga test na ginawa ko ay essay, drawings, multiple choice questions, atbp. Para nga ‘kong teacher habang sinusulat ko yun e. Iniisip ko, kung ako ay teacher, paano ko ipapagawa sa mga students ang mga pinagsususulat ko.
Naalala ko tuloy nung ang pangarap ko sa buhay ay maging isang teacher. Masarap kasi yung may naituturo kang bago sa mga bata, at madali mo itong naipapaintindi sa kanila. Masaya rin yung mga activities na magpapakita kung gaano na kagaling ang mga bata ngayon. At syempre, masaya na may power ka over the kids. Ikaw ang pinakamagaling sa klase, pinapakinggan ka nila, at hanga sila sa iyo --- yun ay kung naging magaling akong teacher.
Ano kaya ang nangyari kung naging teacher ako at hindi writer? Ano kayang klaseng teacher ako? Elementary kaya o highschool? Definitely, hindi college kasi mahirap na yun e. Kailangan may Master’s degree. Ayoko rin ng preschool kasi makukulit ang mga toddlers. Tingin ko, mahirap silang turuan at feeling ko wala akong patience magturo ng mga magugulong bata. Kaya either elementary o highschool ang tuturuan ko. Ano kayang subject maganda? Lahat kaya o may specialty lang ako? Masaya siguro ang elementary math --- ang yabang, samantalang hanggang ngayon nagbibilang pa rin ako sa daliri. Okay rin siguro ang Filipino at Science. Pero definitely not Social Studies/Makabayan. Hate ko ang subject na yun elementary pa lang ako. Ito ang subject na may pinakamababa akong grade. At masaya rin ang may class record. Ako ang magde-decide sa grades nila, ako ang magde-decide kung sino ang top one, hehe.
Ba’t nga ba hindi ako naging teacher? Kasi ayokong gumawa ng bulletin board sa klase? E pwede ko naman yun ipagawa sa mga estudyante. Ayokong pupuntahan ako ng principal sa klase para mag-observe kung paano ako magturo sa klase? Pero okay nga yun lalo na kung alternative ang style ng pagtuturo ko, hindi yung usual na discussion, reporting, etc. Gusto ko dynamic ang style, may class participation. Ayokong matatakot ang mga bata sa ‘kin. Gusto ko mag-eenjoy sila at looking forward sila na magklase with me kasi masaya. Ayoko ng puro recitation kasi ako mismo takot dun nung estudyante pa lang ako. Gusto ko gumagalaw ang lahat, ayoko ng aantukin sila sa ‘kin. Gusto ko mangangarap din silang maging teacher para maging gaya ko. Gusto ko ma-inspire sila na maging tulad ko. At gusto ko maging barkada ko sila, di yung mangingilag sila sa ‘kin. Yun ay kung naging teacher nga ako. So ba’t hindi ako naging teacher? Kasi konti ang teachers na boys kaya konti rin ang pag-asa na magka-jowa ako? Pero malay mo, may cute na anak yung may-ari ng school, di ba? Hehe! Pwede akong maging may-ari ng school! At forever akong bata dahil sa mga batang kasama ko. Yun nga lang, yung growth as a person, hindi masyado. Puro pambata lang ang alam kong uso. Baka jejemon ako ngayon. Pero at least, updated ako sa uso. Kaso baka maliit lang ang circle of friends ko. At baka yung alam ko ngayon, hindi ko na malalaman. Pero may malalaman naman akong iba na makatutulong sa pagiging teacher ko. Tapos hindi ako marunong mag-internet ngayon. Wala rin akong laptop kasi aanhin ko naman yun? Kaya lang naman ako nagka-laptop para aid sa pagiging writer ko. Mas magiging masaya kaya ako kung naging teacher ako? Baka hindi na ‘ko pumayat at naging ultimate cliché, teacher na mataba at matandang dalaga. Nyi! Ayaw! Pero pwede rin namang hindi. Pwedeng pumayat pa rin ako at naging maganda at naging pantasya ng mga kabataang lalaki. Hahaha! Adik!
Pero sa totoo lang, ano ba ang alam ko ngayon na hindi ko malalaman kung naging teacher ako? Meron namang internet na lahat pwede kong matutunan. At dahil maraming bata sa paligid ko, pwede akong matuto sa kanila. Mas updated pa nga sa uso ang mga kabataan kesa sa ‘kin ngayon e. Di nga lang ako magiging sosyal --- as if sosyal ako ngayon. Di ako makaka-mingle ng mga sosyal na tao --- as if importante yun sa buhay. Di ako makakagimik sa mga sosyal na lugar --- e ano naman kung hindi. Di ako naging writer sa teleserye --- oo nga, gusto ko pa naman yun. Di ako nakakilala ng mga artista --- as if naaalala pa rin nila ako ngayon. Meron akong what-if question ngayon (ano kaya kung naging writer ako?) --- parang ngayon wala akong what-if-naging-teacher-ako question e ‘no? Sabagay, kung naging teacher ako, pwede pa rin naman akong magsulat. E ngayong writer ako, pwede pa rin kaya akong maging teacher?
Malamang sasabihin mong pwede pa rin naman. Kaso kailangan ko uling mag-aral. Kailangang makapasa sa LET. Sana pwedeng mag-apply na lang ako as teacher tapos saka ako magse-self-study ng subject na preferred kong ituro. Pwede? Siguro. Kung may tatanggap sa 'king school na ganon ang magiging arrangement. Malay natin. Oo nga. Sige, pwedeng pag-isipan.
Saturday, October 24, 2009
TOTOO 'ATA ANG CHISMIS, NAKAKA-DEVIRGINIZE ANG BIKE
Na-realize ko, di ko na pala kayang mag-isang kamay. Tinry ko para hawiin yung buhok ko, ayun, gumewang yung manibela, muntik pa 'ko makabangga ng kotse. Di ko siya narinig, nasa likuran ko na pala. Tapos huli na siya bumusina, nung muntik na kaming magbangga. Buti na lang mabilis ang reflexes ko hehe! Andami ko pang bloopers. Muntik na 'kong sumemplang dahil sa lubak sa Bongbong. Ang lalim naman kasi talaga ng lubak dun. Tapos yung pedal, eto panalo, di pala naka-screw maigi, kumalas, tumilapon sa gitna ng Zeus street!
Sa gitna ng kalsada sinubukan kong magkumpuni. Syempre tumabi na ko para di siga. Nagkagrasa tuloy kamay ko, nagasgasan pa ang kuko. Kakaputol ko lang kasi ng kuko e wala naman akong tools. Naikabit ko naman agad yung pedal, kaso pag-angkas ko, mali pala ang pagkakakabit. Dapat di ba magkasaliwa yung mga pedal, ayun, di ko na-check, may ganong rules nga pala dapat. Dahil sa ngawit, at may malapit na tindahan akong natanaw, dun ako tumambay para magkumpuni. Ang problema, masyado ko 'atang nadiin yung takip ng screw, di ko siya matanggal. Kung anu-anong sungkit ang ginawa ko, gumamit ako ng coins, piso, benchinko, 10 cents, kuko. Di ako nag-give up kahit parang matatanggal na yung kuko ko sa pagkakadikit sa daliri. Pero finally, napagod na 'ko, binabaan ko na ang pride, nanghiram na ako sa tindera ng screwdriver, gunting o kahit anong matulis at matigas na bagay para masungkit yung takip ng screw. Ayun, natanggal siya, tapos minano-mano ko yung pag-ikot sa screw. Grabe, I'm like a bike mechanic! Eeewwrr! Hehehe!
Naayos ko naman finally. Bike galore uli ako. Masakit pala sa keps pag matagal nakaupo sa makitid na upuan ng bike. Masakit din pag nag-bounce sa humps. Kaya ang technique, tandaan, itaas ng konti ang pwet pag pababa na sa humps (kala mo bago 'no?). But the worst has yet to happen. Pagdating ko sa Guilder street, matao dito mind you, kumalas na naman ang pedal! Para di mapahiya, walang keme kong pinulot ang pedal, sinuksok sa dala kong pouch, at naghatak ng bike hanggang bahay. Buti na lang malapit na.
Kalahating taong tambay
Ano'ng gagawin ko kung pakiramdam ko pag nag-decide akong magtrabaho dapat yung kung san ako magiging masaya? San ba dapat, bumalik sa dati pero di na 'ko masaya o sa bago at mag-experiment? Dapat pa ba 'kong mag-experiment e matanda na 'ko? Pano kung mag-experiment ako tapos ma-realize kong di pa rin ako masaya? San ba 'ko sasaya? Sana pwede pagkakitaan ang pagtambay.
Partly, may peace of mind ang pagtambay. Kaya "partly" kasi lagi ka naman uusigin ng kunsensya mo dahil wala kang nako-contribute, walang monetary growth, wala kang kwenta sa mundo na pera ang nagpapaikot, sayang ang oxygen na ini-inhale mo. Pero kung matigas ka at di nag-aalala sa iisipin ng iba at ng kunsensya mo, kering-keri talaga ang buhay-tambay. Yun nga lang, mauubos talaga ang savings sa ganitong decision. Maswerte kung merong savings, e pano yung wala? Wala talaga.
Kung mag-abroad kaya ako? Kung mag-call center na kaya ako? Kung bumalik na lang kaya 'ko sa dating miserable at walang buhay kong trabaho? E kung tumaya na lang kaya 'ko sa lotto? Hay... Lahat ng 'to ayoko. Ano bang gusto ko? Di ko pa rin alam hanggang ngayon, magsi-7 months na.
Malalim na analysis sa aking pagkatao
Nung nagsimula 'ko mag-diet, nabago ang aking trono life. Sasama na nga ang loob mo dahil nawala ang nakasanayang staple food, mahihirapan ka pa maglabas ng sama ng loob. Siguro kasi wala na 'ko masyadong nakakain na solid kundi yung ulam, kaya siguro wala rin masyadong solid yung jebs. Yun lang naman.
28, 29, 30
Monday, October 6, 2008
by choice o no choice?
Kung anuman ang sagot, ang mahalaga, yung happiness after.
nauubos ba ang oras?
Teka, di ba yung teenager ang laging nagmamadali --- maka-experience ng ganito, makapunta sa ganon, etc? Ba’t ngayong adult na, parang nagmamadali pa rin? Kinakapos pa rin sa oras pero iba na ang concerns --- time for family, time for friends, time for self, time away from stress, etc.
Ah, siguro dahil yung teenager, kailangan niyang magmadali para ma-try lahat dahil parang di sila mauubusan ng gusto. Yung adult, kailangan niyang magmadali kasi wala na siyang karapatang gawin yung ginagawa ng teenager kahit gusto pa niya, wala na siyang karapatang magkamali dahil dapat nagpakasawa na siya nung teenager siya, at pag gusto pa rin niyang magkamali, di na yun charge to experience kundi kagaguhan na.
Unfair --- ang mga taong manghuhusga, at ang sarili na huhusgahan ang sarili. Ba’t kailangan ganon? Ba’t kailangan? May nagsabi, kung ano ka ngayong 25, ganon ka pa rin hanggang mag-35, walang masyadong magbabago. Pwede ring case-to-case basis kasi marami rin namang may pamilya na pag 25, sobrang change naman yun. Siguro dapat isisi ang kakapusan ng oras ng adult sa nag-imbento ng quote na “malapit nang mawala sa kalendaryo”. Kasi kung di siya nampe-pressure, walang kakapusan na magaganap.
Thursday, May 22, 2008
what's a girl like me doing in a place like this?
a) magbakasyon? out-of-town? saan? mukhang masarap sa: baguio-kaso maulan, baka may landslide; galera-kaso maulan, baka masyadong maalon; tagaytay-san naman ako pupunta ron? any suggestions? *wink*; batangas-ano kaya'ng meron sa lobo? ay onga pala, fiesta kila tin sa alitagtag sa katapusan! hmm...; zambales-potipot island ang gusto kong ma-try puntahan. wala pa raw komersyalismo rito. tamang-tama sa muni-muni; bohol-yesss... sana makaipon na; corregidor-nice place for revisiting the past, tapos malapit pa. why not?; saan pa kaya?
b) magpaganda? sige, magpapa-manicure at pedicure na nga ako.
c) shopping? naka naman! parang may pera! window-shopping na lang.
d) learn a new skill? nagdi-digital photography workshop kami ni nix ngayon. kaso wala naman akong sariling camera. pano ko magpa-practice? masaya siguro magkaroon ng dslr... napag-isip-isip ko, dahil na rin sa workshop na 'to, maganda sigurong fallback after scriptwriting ang photography. pwedeng makaraket ng mga wedding, etc. kaso ang mahal nga lang. hay...
e) mag-ayos ng kwarto? balutan ng plastic cover ang mga biniling libro? magbasa ng librong matagal nang binili? manood ng dvd na matagal nang binili? magbasa ng magazines na binili? magbasa, magbasa, magbasa? ho-hum.
ewan. patulong nga.
Sunday, May 11, 2008
masarap matulog pagkatapos ng isang linggong walang tulog
hay...
Friday, May 9, 2008
nakita ko sa friendster ko ang blog na 'to---wala lang, natuwa lang akong mag-reminisce---kaya ipo-post ko rito
Monday
Maulan. May meeting na uli. After 2 months, nandoon na naman kami sa lugar na 'yon. Back to the original concept. Back to square one (ba't nga ba "square"?). Pagdating ko masaya naman kasi kami-kami pa lang. Wala pa si Bossing. Chikahan muna. Pero hindi na kasing-saya nung dati. Kulang na kami. Yung dating pito, lima na lang ngayon. Nauna na si Jen. Inagaw na siya ng theater. Tapos si Mariel, who is destined to be with seamen. Aalis na siya ng bansa this Friday para maging cruise photographer. Hay.
Nadagdagan pa ang inis ko kasi yung pinoproblema namin sa story ay matagal na naming nabuo, may sagot na ang mga tanong eh paulit-ulit pa ring tinatanong. Nakakarindi na, nakaka-drain.
Tapos eto na. Narinig ko na 'to kay Tessa noong nag-lock-in kami. May plano siya. Dinismiss ko lang yung thought kasi akala ko matagal pa yon mangyayari. Mali ako. Dahil ngayong gabi, desidido na pala siya. Kung bakit hindi ko napansin ang mga signs, hindi ko alam. Siguro sinadya ko lang di pansinin. Natakot siguro akong pansinin. I hate goodbyes and badbyes. Kaya pala nagdala siya ng mga hikaw.
"Gauge ko ito. Kung hindi ko pa ito ma-get, hindi ko na ito mage-get."
Naguluhan ako sa sinabi ni Tessa. Sige, pag-usapan natin mamaya. Tamang-tama, lock-in naman at kasama nating matutulog doon si Dindobear. Pero nang lumabas si Bossing, hindi na siya nakapaghintay. Ang dami niyang sinabi, ang galing niyang mag-explain. She chose her words well. Pero ang ibig lang niya talagang sabihin, magre-resign na siya. Dati, kahit mahirap, what keeps her going is her DESIRE --- desire to learn, desire to dream. Pero na-overthrow na ang desire ng frustration, angst at pain. Sa trabahong ito, ka-quadruplet niya ang mga yon. Mahirap. Nakakabobo.
Matapang siya dahil kaya niyang sabihing ayaw na niya. Ako, hindi ko alam.
Sabi ni Dindobear siya rin. Binalak din niya. Nung nakabakasyon. Natakot ako. Ako na lang ba ang matitira? Ba't hindi rin ako nag-isip nung nakabakasyon? Martir ba ako o duwag? Tinanong ko kung bakit niya naisip yon. Tinanong niya 'ko pabalik --- masaya pa ba 'ko. Natameme ako. Pero ang tanga kong sagot --- natututo pa 'ko eh. Ewan ko ba. I share their sentiments. Pero natatakot pa 'ko kung gagawa na ba 'ko ng aksyon.
Growth Gap
My desire to live my dream is still there. But my desire to LEAVE my dream is staring me at the face. Ang mga kasama ko, mas magagaling pa sa 'kin, nagsisialisan na. Ayaw na nilang masaktan. Matapang sila --- tama na ang pang-aabuso. Ako, nagtatapang-tapangan --- ayokong bumitaw sa abuso.
Naisip ko lang, tama ba ang pinagsasasabi ko? Tama ba na sila ang matapang, o ako ang matapang. Alin ba ang katapangan, ang kumawala o ang pigilan ang pagwawala?
Napapagod na rin ako. Lalo na kung hindi naa-appreciate ang efforts ko. Lalo na kapag pessimistic ang mga tao. "Wag masyadong gandahan/galingan kasi mare-revise din yan," sabi ng inahin. Oo, totoo. Pero hindi dapat ganon ang paniniwala lalo na kung inakay pa lang ang sinasabihan. Hindi rin naman masama kung magbigay ng encouragement di ba? Kahit plastic, pwede na. Nakakapagod kasing mag-encourage ng sarili. Kailangan din may ibang magsabi sa'yo na kaya mo. Mahirap kasing paniwalain ang sarili. Mas madali kung may tutulong sa'yo para maniwala.
Natatakot akong sabihin sa sarili ko na tigilan ko na 'to. Kasi meron pang konting natitirang lakas na nagsasabing kaya ko pa. Pero hindi na siya malakas, naghihingalo na. Lalo na pag nakikita niyang lahat sila naggi-give up na.
Sayang wala ka nung nangyari ang lahat ng 'to, Jepoy.
SI BOSSING MISS MARI AY NASA DEO GROUP NA NGAYON AT NAGHE-HEADWRITE NG "YOUR SONG". SI JEN AY NASA THEATER PA RIN AT PAMINSAN-MINSAN AY RUMARAKET PA RIN SA MGA MAGAZINES, LIKE COSMOPOLITAN, BILANG CONTRIBUTING WRITER. SI MARIEL AY NARITO NA ULI SA PINAS SA ISANG AD FIRM. SI TESSA AY NASA ISANG AD FIRM DIN BILANG ISANG COPYWRITER. SI DINDOBEAR AY KASAMA KO NGAYON AS MY HEADWRITER. AT SI JEPOY AY NASA ECS GROUP, BRAINSTORMER NG MARAMING SHOWS TULAD NG DIYOSA. AKO AY SCRIPTWRITER PA RIN NG KAPITAN BOOM. ANG GALING 'NO?