Friday, May 9, 2008

nakita ko sa friendster ko ang blog na 'to---wala lang, natuwa lang akong mag-reminisce---kaya ipo-post ko rito

THIS WAS ME IN 2006. NGAYONG 2008, MAY NABAGO BA?

Monday


Maulan.  May meeting na uli.  After 2 months, nandoon na naman kami sa lugar na 'yon.  Back to the original concept.  Back to square one (ba't nga ba "square"?).  Pagdating ko masaya naman kasi kami-kami pa lang.  Wala pa si Bossing.  Chikahan muna.  Pero hindi na kasing-saya nung dati. Kulang na kami.  Yung dating pito, lima na lang ngayon.  Nauna na si Jen.  Inagaw na siya ng theater.  Tapos si Mariel, who is destined to be with seamen.  Aalis na siya ng bansa this Friday para maging cruise photographer.  Hay.  Maharlika_mtg1_2Nadagdagan pa ang inis ko kasi yung pinoproblema namin sa story ay matagal na naming nabuo, may sagot na ang mga tanong eh paulit-ulit pa ring tinatanong.  Nakakarindi na, nakaka-drain. 


Tapos eto na.  Narinig ko na 'to kay Tessa noong nag-lock-in kami.  May plano siya.  Dinismiss ko lang yung thought kasi akala ko matagal pa yon mangyayari.  Mali ako.  Dahil ngayong gabi, desidido na pala siya.  Kung bakit hindi ko napansin ang mga signs, hindi ko alam.  Siguro sinadya ko lang di pansinin.  Natakot siguro akong pansinin.  I hate goodbyes and badbyes.  Kaya pala nagdala siya ng mga hikaw.



"Gauge ko ito.  Kung hindi ko pa ito ma-get, hindi ko na ito mage-get." 


Naguluhan ako sa sinabi ni Tessa.  Sige, pag-usapan natin mamaya.  Tamang-tama, lock-in naman at kasama nating matutulog doon si Dindobear.  Pero nang lumabas si Bossing, hindi na siya nakapaghintay.  Ang dami niyang sinabi, ang galing niyang mag-explain.  She chose her words well.  Pero ang ibig lang niya talagang sabihin, magre-resign na siya.  Dati, kahit mahirap, what keeps her going is her DESIRE --- desire to learn, desire to dream.  Pero na-overthrow na ang desire ng frustration, angst at pain.  Sa trabahong ito, ka-quadruplet niya ang mga yon.  Mahirap.  Nakakabobo. 


Matapang siya dahil kaya niyang sabihing ayaw na niya.  Ako, hindi ko alam.


Maharlika_mtg2_2Sabi ni Dindobear siya rin.  Binalak din niya.  Nung nakabakasyon.  Natakot ako.  Ako na lang ba ang matitira?  Ba't hindi rin ako nag-isip nung nakabakasyon?  Martir ba ako o duwag?  Tinanong ko kung bakit niya naisip yon.  Tinanong  niya 'ko pabalik --- masaya pa ba 'ko.  Natameme ako.  Pero ang tanga kong sagot --- natututo pa 'ko eh.  Ewan ko ba.  I share their sentiments.  Pero natatakot pa 'ko kung gagawa na ba 'ko ng aksyon. 



Growth Gap


My desire to live my dream is still there.  But my desire to LEAVE my dream is staring me at the face.  Ang mga kasama ko, mas magagaling pa sa 'kin, nagsisialisan na.  Ayaw na nilang masaktan.  Matapang sila --- tama na ang pang-aabuso.  Ako, nagtatapang-tapangan --- ayokong bumitaw sa abuso. 


Naisip ko lang, tama ba ang pinagsasasabi ko?  Tama ba na sila ang matapang, o ako ang matapang.  Alin ba ang katapangan, ang kumawala o ang pigilan ang pagwawala? 


Napapagod na rin ako.  Lalo na kung hindi naa-appreciate ang efforts ko.  Lalo na kapag pessimistic ang mga tao.  "Wag masyadong gandahan/galingan kasi mare-revise din yan," sabi ng inahin.  Oo, totoo.  Pero hindi dapat ganon ang paniniwala lalo na kung inakay pa lang ang sinasabihan.  Hindi rin naman masama kung magbigay ng encouragement di ba?  Kahit plastic, pwede na.  Nakakapagod kasing mag-encourage ng sarili.  Kailangan din may ibang magsabi sa'yo na kaya mo.  Mahirap kasing paniwalain ang sarili.  Mas madali kung may tutulong sa'yo para maniwala. 


Natatakot akong sabihin sa sarili ko na tigilan ko na 'to.  Kasi meron pang konting natitirang lakas na nagsasabing kaya ko pa.  Pero hindi na siya malakas, naghihingalo na.  Lalo na pag nakikita niyang lahat sila naggi-give up na. 


Sayang wala ka nung nangyari ang lahat ng 'to, Jepoy.


SI BOSSING MISS MARI AY NASA DEO GROUP NA NGAYON AT NAGHE-HEADWRITE NG "YOUR SONG". SI JEN AY NASA THEATER PA RIN AT PAMINSAN-MINSAN AY RUMARAKET PA RIN SA MGA MAGAZINES, LIKE COSMOPOLITAN, BILANG CONTRIBUTING WRITER. SI MARIEL AY NARITO NA ULI SA PINAS SA ISANG AD FIRM. SI TESSA AY NASA ISANG AD FIRM DIN BILANG ISANG COPYWRITER. SI DINDOBEAR AY KASAMA KO NGAYON AS MY HEADWRITER. AT SI JEPOY AY NASA ECS GROUP, BRAINSTORMER NG MARAMING SHOWS TULAD NG DIYOSA. AKO AY SCRIPTWRITER PA RIN NG KAPITAN BOOM. ANG GALING 'NO?

No comments: