Friday, May 2, 2008

ayokong mag-terno ng pambahay

Pag binibilhan ako ni Mama ng pambahay sa tiangge, laging terno. Package na kasi ang mga pambahay sa tiangge, magkasamang sleeveless at shorts. Pero di ko sila sinusuot as partners. Nagtataka nga sa ‘kin si Ninin, ang mataray kong kapatid. Bakit daw ako ganon? Basta lang, kako. Ewan, di ko lang talaga feel na isang klaseng design lang ang shorts at sleeveless ko. Feeling ko, isang diretsong tela lang ang suot ko.

No comments: