Oo, na-try ko! Masama ba ‘yon? Pag pinush ka na against the wall ni Mr. Deadline, mahirap maligo. Biro mo, walang tulog, nakaharap sa computer nonstop—ihi at pagsubo ng lafang lang ang pahinga. Minsan nga, nadidisgrasya akong maghugas ng kamay. Kaya eto, nanginginig siya, minsan nananakit at naninigas. Katakot. Kaya ayun, mabuti pang wag munang maligo, ayoko ‘atang mapasma.
Marami akong nadidiskubre pag di ako nakakaligo ng ilang araw. Nakakaaliw magtanggal ng libag na sumuot sa kuko, lalo na pag ginamitan ng pusher. Masarap din magkamot ng alak-alakan at regal (kabaligtaran ng siko), kasi kitang-kita ko ang fruits of my labor, hehe (mga libag na lumalabas, demit)! Sa buhok naman, enjoy din magkamot kasi may susuot din sa kuko ko na, either libag o dandruff. Tapos mas maganda rin ang itsura ng buhok ko pag oily. Dikit-dikit kasi ang curls niya, unlike pag na-shampoo-han, bumubuhaghag. Kaya napagtanto ko, nakakapangit ng buhok ang pagligo. Hehe!
Surprisingly, di naman ako tinitigyawat sa experiments ko (with S yun kasi maraming beses ko nang nagawa). Buti nga e, kasi ni hilamos di ko ginagawa kasi baka mata ko naman ang mapasma. Ayokong mabulag, nyi… Siguro dahil marami rin akong uminom ng tubig kaya kahit pano, nake-cleanse ang loob ko—di ko alam kung anong konek kaya ko sinabi ‘to.
After almost a week na hindi ko pagligo, dahil na rin tapos ko na ang script na sinusulat ko, time na to avenge my dirty self. Ninamnam ko talaga ang sabon, shampoo, bula, at tubig. Mas na-appreciate ko ang pagligo. Unlike pag araw-araw ko nang ginagawa, para na lang siyang routine. Pero pag minsan lang ginagawa, mas ite-treasure ang kahalagahan niya sa buhay ng tao.
Pero syempre, puyat lang ako kaya wag n’yo kong paniwalaan.
No comments:
Post a Comment