Monday, October 6, 2008
by choice o no choice?
Kung anuman ang sagot, ang mahalaga, yung happiness after.
nauubos ba ang oras?
Teka, di ba yung teenager ang laging nagmamadali --- maka-experience ng ganito, makapunta sa ganon, etc? Ba’t ngayong adult na, parang nagmamadali pa rin? Kinakapos pa rin sa oras pero iba na ang concerns --- time for family, time for friends, time for self, time away from stress, etc.
Ah, siguro dahil yung teenager, kailangan niyang magmadali para ma-try lahat dahil parang di sila mauubusan ng gusto. Yung adult, kailangan niyang magmadali kasi wala na siyang karapatang gawin yung ginagawa ng teenager kahit gusto pa niya, wala na siyang karapatang magkamali dahil dapat nagpakasawa na siya nung teenager siya, at pag gusto pa rin niyang magkamali, di na yun charge to experience kundi kagaguhan na.
Unfair --- ang mga taong manghuhusga, at ang sarili na huhusgahan ang sarili. Ba’t kailangan ganon? Ba’t kailangan? May nagsabi, kung ano ka ngayong 25, ganon ka pa rin hanggang mag-35, walang masyadong magbabago. Pwede ring case-to-case basis kasi marami rin namang may pamilya na pag 25, sobrang change naman yun. Siguro dapat isisi ang kakapusan ng oras ng adult sa nag-imbento ng quote na “malapit nang mawala sa kalendaryo”. Kasi kung di siya nampe-pressure, walang kakapusan na magaganap.
Thursday, May 22, 2008
what's a girl like me doing in a place like this?
a) magbakasyon? out-of-town? saan? mukhang masarap sa: baguio-kaso maulan, baka may landslide; galera-kaso maulan, baka masyadong maalon; tagaytay-san naman ako pupunta ron? any suggestions? *wink*; batangas-ano kaya'ng meron sa lobo? ay onga pala, fiesta kila tin sa alitagtag sa katapusan! hmm...; zambales-potipot island ang gusto kong ma-try puntahan. wala pa raw komersyalismo rito. tamang-tama sa muni-muni; bohol-yesss... sana makaipon na; corregidor-nice place for revisiting the past, tapos malapit pa. why not?; saan pa kaya?
b) magpaganda? sige, magpapa-manicure at pedicure na nga ako.
c) shopping? naka naman! parang may pera! window-shopping na lang.
d) learn a new skill? nagdi-digital photography workshop kami ni nix ngayon. kaso wala naman akong sariling camera. pano ko magpa-practice? masaya siguro magkaroon ng dslr... napag-isip-isip ko, dahil na rin sa workshop na 'to, maganda sigurong fallback after scriptwriting ang photography. pwedeng makaraket ng mga wedding, etc. kaso ang mahal nga lang. hay...
e) mag-ayos ng kwarto? balutan ng plastic cover ang mga biniling libro? magbasa ng librong matagal nang binili? manood ng dvd na matagal nang binili? magbasa ng magazines na binili? magbasa, magbasa, magbasa? ho-hum.
ewan. patulong nga.
Sunday, May 11, 2008
masarap matulog pagkatapos ng isang linggong walang tulog
hay...
Friday, May 9, 2008
nakita ko sa friendster ko ang blog na 'to---wala lang, natuwa lang akong mag-reminisce---kaya ipo-post ko rito
Monday
Maulan. May meeting na uli. After 2 months, nandoon na naman kami sa lugar na 'yon. Back to the original concept. Back to square one (ba't nga ba "square"?). Pagdating ko masaya naman kasi kami-kami pa lang. Wala pa si Bossing. Chikahan muna. Pero hindi na kasing-saya nung dati. Kulang na kami. Yung dating pito, lima na lang ngayon. Nauna na si Jen. Inagaw na siya ng theater. Tapos si Mariel, who is destined to be with seamen. Aalis na siya ng bansa this Friday para maging cruise photographer. Hay. Nadagdagan pa ang inis ko kasi yung pinoproblema namin sa story ay matagal na naming nabuo, may sagot na ang mga tanong eh paulit-ulit pa ring tinatanong. Nakakarindi na, nakaka-drain.
Tapos eto na. Narinig ko na 'to kay Tessa noong nag-lock-in kami. May plano siya. Dinismiss ko lang yung thought kasi akala ko matagal pa yon mangyayari. Mali ako. Dahil ngayong gabi, desidido na pala siya. Kung bakit hindi ko napansin ang mga signs, hindi ko alam. Siguro sinadya ko lang di pansinin. Natakot siguro akong pansinin. I hate goodbyes and badbyes. Kaya pala nagdala siya ng mga hikaw.
"Gauge ko ito. Kung hindi ko pa ito ma-get, hindi ko na ito mage-get."
Naguluhan ako sa sinabi ni Tessa. Sige, pag-usapan natin mamaya. Tamang-tama, lock-in naman at kasama nating matutulog doon si Dindobear. Pero nang lumabas si Bossing, hindi na siya nakapaghintay. Ang dami niyang sinabi, ang galing niyang mag-explain. She chose her words well. Pero ang ibig lang niya talagang sabihin, magre-resign na siya. Dati, kahit mahirap, what keeps her going is her DESIRE --- desire to learn, desire to dream. Pero na-overthrow na ang desire ng frustration, angst at pain. Sa trabahong ito, ka-quadruplet niya ang mga yon. Mahirap. Nakakabobo.
Matapang siya dahil kaya niyang sabihing ayaw na niya. Ako, hindi ko alam.
Sabi ni Dindobear siya rin. Binalak din niya. Nung nakabakasyon. Natakot ako. Ako na lang ba ang matitira? Ba't hindi rin ako nag-isip nung nakabakasyon? Martir ba ako o duwag? Tinanong ko kung bakit niya naisip yon. Tinanong niya 'ko pabalik --- masaya pa ba 'ko. Natameme ako. Pero ang tanga kong sagot --- natututo pa 'ko eh. Ewan ko ba. I share their sentiments. Pero natatakot pa 'ko kung gagawa na ba 'ko ng aksyon.
Growth Gap
My desire to live my dream is still there. But my desire to LEAVE my dream is staring me at the face. Ang mga kasama ko, mas magagaling pa sa 'kin, nagsisialisan na. Ayaw na nilang masaktan. Matapang sila --- tama na ang pang-aabuso. Ako, nagtatapang-tapangan --- ayokong bumitaw sa abuso.
Naisip ko lang, tama ba ang pinagsasasabi ko? Tama ba na sila ang matapang, o ako ang matapang. Alin ba ang katapangan, ang kumawala o ang pigilan ang pagwawala?
Napapagod na rin ako. Lalo na kung hindi naa-appreciate ang efforts ko. Lalo na kapag pessimistic ang mga tao. "Wag masyadong gandahan/galingan kasi mare-revise din yan," sabi ng inahin. Oo, totoo. Pero hindi dapat ganon ang paniniwala lalo na kung inakay pa lang ang sinasabihan. Hindi rin naman masama kung magbigay ng encouragement di ba? Kahit plastic, pwede na. Nakakapagod kasing mag-encourage ng sarili. Kailangan din may ibang magsabi sa'yo na kaya mo. Mahirap kasing paniwalain ang sarili. Mas madali kung may tutulong sa'yo para maniwala.
Natatakot akong sabihin sa sarili ko na tigilan ko na 'to. Kasi meron pang konting natitirang lakas na nagsasabing kaya ko pa. Pero hindi na siya malakas, naghihingalo na. Lalo na pag nakikita niyang lahat sila naggi-give up na.
Sayang wala ka nung nangyari ang lahat ng 'to, Jepoy.
SI BOSSING MISS MARI AY NASA DEO GROUP NA NGAYON AT NAGHE-HEADWRITE NG "YOUR SONG". SI JEN AY NASA THEATER PA RIN AT PAMINSAN-MINSAN AY RUMARAKET PA RIN SA MGA MAGAZINES, LIKE COSMOPOLITAN, BILANG CONTRIBUTING WRITER. SI MARIEL AY NARITO NA ULI SA PINAS SA ISANG AD FIRM. SI TESSA AY NASA ISANG AD FIRM DIN BILANG ISANG COPYWRITER. SI DINDOBEAR AY KASAMA KO NGAYON AS MY HEADWRITER. AT SI JEPOY AY NASA ECS GROUP, BRAINSTORMER NG MARAMING SHOWS TULAD NG DIYOSA. AKO AY SCRIPTWRITER PA RIN NG KAPITAN BOOM. ANG GALING 'NO?
Thursday, May 8, 2008
okay din pala maging techie paminsan-minsan
Nagsimula ang krisis nang pag konek ko sa internet, wala, username/password incorrect! Huwaaaat?! Ilambeses akong kumonek, dumiskonek, kumonek... wala! Anong nangyayari? Kelan pa mali ang username at password ko e hindi ko naman pinalitan? Atsaka, ito na ang standard na binibigay ng Digitel na username at password. Tawag agad ako sa Customer Service. Sabi daw, tino-troubeshoot na ng technical staff nila ang problem pero di nila alam kung kelan mare-restore ang service. Ano?! Aba-ba-ba! Hindi pwede 'to, kailangan kong ma-send kay Dindo ang treatment ko ng week 8 ni KB! Pero 6am pa lang at wala pang bukas na internet shop. Alangan namang lumuwas ako para mag-wifi lang. Isa pa, wala na 'kong lakas kasi wala pa 'kong tulog. Bawal din maligo. Oh no, pano na 'to...
Nang mapatingin ako sa cellphone kong Sony Ericsson K770i. Hmm... Sabi sa manual pwede ko raw 'tong gamitin as modem kasi 3G daw siya, as in pwede akong mag-internet gamit ang cellphone na 'to. Just connect it to the PC or laptop using a USB cable, dial away, and voila! connected to cyberspace na ako. Tamang-tama at may Smart sim ako na nago-offer ng P10/30 mins na internet access. Haha! Para akong tv ad a!
So, e di sinaksak ko ngayon ang Smart sim sa Globe-operated K770i. Kaso, nyak, wala nga palang load! Buti na lang, Smart si Mama, pasaload ako ng P30. Medyo natagalan ako sa pag konek kasi siguro nanibago ang mga gadgets ko sa bagong pinapagawa ko sa kanila. Nasanay kasi si Laptop na pinagta-type-an ko lang, minsan kokonek kami sa internet thru NETdirect dial-up feature ng Digitel, minsan magwa-wifi lang kami sa Baang Coffee or sa Trinoma... Tapos si Cellphone naman, kuntento na yan na ina-unlitxt ko, calls minsan, picture-picture, update ng RSS feeds, upload ng picture sa blogspot... Pero ngayon, magjo-joined forces sila para makapunta ang yours truly sa cyberlandia. Big step ito para sa kanila, to be teamed up like this. Although, dati na silang nagkakasama, pag nilo-load ko sa laptop ang mga pictures taken thru my cellphone. Ganon lang dati ang relationship nila. Pero ngayon, pinagsanib-pwersa sila para sa isang misyon---to keep my job.
And then, at last, kumonek na kami. Yipee!
Hehe! Wala lang. Natuwa lang ako kasi I feel so techie na. Grabe.
Friday, May 2, 2008
ayokong mag-terno ng pambahay
na-try n'yo na bang hindi maligo for 1 week?
Marami akong nadidiskubre pag di ako nakakaligo ng ilang araw. Nakakaaliw magtanggal ng libag na sumuot sa kuko, lalo na pag ginamitan ng pusher. Masarap din magkamot ng alak-alakan at regal (kabaligtaran ng siko), kasi kitang-kita ko ang fruits of my labor, hehe (mga libag na lumalabas, demit)! Sa buhok naman, enjoy din magkamot kasi may susuot din sa kuko ko na, either libag o dandruff. Tapos mas maganda rin ang itsura ng buhok ko pag oily. Dikit-dikit kasi ang curls niya, unlike pag na-shampoo-han, bumubuhaghag. Kaya napagtanto ko, nakakapangit ng buhok ang pagligo. Hehe!
Surprisingly, di naman ako tinitigyawat sa experiments ko (with S yun kasi maraming beses ko nang nagawa). Buti nga e, kasi ni hilamos di ko ginagawa kasi baka mata ko naman ang mapasma. Ayokong mabulag, nyi… Siguro dahil marami rin akong uminom ng tubig kaya kahit pano, nake-cleanse ang loob ko—di ko alam kung anong konek kaya ko sinabi ‘to.
After almost a week na hindi ko pagligo, dahil na rin tapos ko na ang script na sinusulat ko, time na to avenge my dirty self. Ninamnam ko talaga ang sabon, shampoo, bula, at tubig. Mas na-appreciate ko ang pagligo. Unlike pag araw-araw ko nang ginagawa, para na lang siyang routine. Pero pag minsan lang ginagawa, mas ite-treasure ang kahalagahan niya sa buhay ng tao.
Pero syempre, puyat lang ako kaya wag n’yo kong paniwalaan.
Thursday, May 1, 2008
kulang ako sa landi
Sa pagsusulat. Laging sinasabi ngayon ni Dindo na kulang ako sa landi magsulat. Sinabi rin ‘yan sa ‘kin ni Galo dati, if I remember it correctly. Cerebral daw ako magsulat, sobrang conscious, safe, frigid, at kung anu-ano pa. Hmm, siguro totoo. Para kasing ‘yung “landi” e karugtong ng “passion”. Yung “passion” na yon, pina-blotter ko na. Bigla na lang nawala, di nagpapaalam.
Sa katawan. Exhibit A: Pananamit. Parang lagi na lang akong nasa safe side. Puro comfort clothes ang sinusuot ko ngayon. Ano na bang nangyayari sa mundo, or at least, sa mundo ko? Bakit hindi na ‘ko palaayos? Dahil ba wala namang pagkakataon dahil sa bahay lang naman ako nagsusulat at madalang pa sa pagbisita sa utak ko ng idea ng pagpapapayat ang meeting namin sa office kaya kahit ano na lang, okay na? Oo naman! Tulong ko ‘to kay Mama na naglalaba pag di ako pwede dahil nagsusulat. Nababawasan na ang labahin, di pa ‘ko guilty. Hehe!
Exhibit B: Cosmetics. Oi, medyo nagiging adventurous na naman ako sa mga ganon. Pag sinisipag. Kasi naman, ang hassle maglagay ng mga kung anix-anix na nakakatigyawat sa mukha. It will take ilang minutes pa of my precious time na dapat sana ay ginagamit ko sa pagtulog. Although, natuto na ‘kong maglagay ng moisturizer sa mukha. Maganda pala ang effect, parang naka-foundation after powder-an. Nice. Babay oiliness ang drama ko. Hehe!
Exhibit C: Buhok. Eto major. Dati, mahaba ang hair ko. E napagod na ‘kong mag-pony, bun, clamp, etc. Nagpakalbo ko. Astig ‘yun. Feeling ko, cool ako. Feeling din ng mga tao, cool ako. Feeling naman ng mga konserbatibo, weird ako. Pero isa lang ang masasabi ko, ang gaan-gaan ng feeling (anluma)! Tsaka, ganon pala ‘yun, pag weird ka, napapansin ka. Parang may paggalang kang natatanggap. Parang sikat ka. Sorry, may hidden aspiration akong maging sikat at ginagalang. Hehe! Kaso, nung tumagal, wala nang bumabati sa ‘kin. Di na nila ‘ko pinapansin. Nasanay na sila sa kalbo kong itsura. Wala na, di na effective. Ayun, nagpapahaba na uli ako ng buhok. At eto, kumukulot na naman siya. Mukhang nagtampo ‘ata sa ‘kin. Pero, tingin ko, outlook lang yon. Pag iniisip kong cute ako sa curly hair kong ‘to, nadededma ko na na pangit ang kulot. Kasi naman yang mga magazines na yan, pauso. Straight hair lang ang maganda. Kulot naman ang ano nila. Hmp!
Literal na landi. Pakshet! Pakshet! Pakshet! Ba’t ba kasi nahihirapan akong lumandi? Kung tutuusin, I have the body for it. Chika! The dibdib for it lang pala… So, what’s the matter with me? Am I not human? Imagine ha, dalawang boys ang kasama ko sa project ngayon (tatlo pala, kasama si Dindo na may asawa na). Wala akong kakumpetensyang girl o gay. Wala! So, ba’t di pa ‘ko gumrab? Grab ng pagkakataon, I mean. Ba’t di pa ‘ko bumlow? Blow ng first horn para mapansin, as in mauna akong magpakita ng motibo, ang ibig kong sabihin. Ba’t di pa ‘ko mangarir ng kahit isa kina Philip at Ays? Kasi, tinatamad ako?
Kaya ba wala akong landi sa mga aspetong ‘yon ng pagkatao ko ay dahil tinatamad lang ako? O dahil wala akong pera kahit trabaho ako ng trabaho at hindi ako makapagpaganda kaya wala akong confidence na landiin sila? O passion-less na talaga ‘ko? Pakshet! Pakshet! Pakshet! Maybe I need a pak? (Sampal ‘yon, bastos ka.)
sino mas masakit manlait?
baklang boss na straight to the point, o lalaking boss na straight to the point?
Tuesday, April 29, 2008
32% ang rating namin sa pilot ng KB!
Mukhang malakas si Galo kay Lord a. Kaw ba nagbulong kay Lord na pataasin ang rating namin para may next show uli ako? =)
Monday, April 28, 2008
Pagbalik sa Pagkabata
26 April 2008. Bern’s birthday. The day the original Aanimpipito reunited after She got married. The first time we saw her in her preggy look. The first time we fulfilled some of Bern’s wishes. One of which was visiting Manila Zoo. And the day we relived our childhood. Nice.
Pindotable.
Kahit konti na lang ang mga kahayupan, maganda pa rin, sa tingin ko, ang Manila Zoo. Galing kasi kami dun ng barkada kong Aanimpipito nung Sabado. Dream come true ito for birthday girl Bern. Ni hindi kasi siya nakapag-field trip dito nung kinder siya. Kaya sinurprise namin siya. At least ako nakapunta dun kasabay ng pagbisita namin sa Mongol at Coke. Hehe!
Nakaka-miss talaga maging bata.
Naisip ko, nami-miss kaya ni She maging bata ngayong may bata na sa sinapupunan niya? 5 mos. na siyang preggy. At maganda siya magbuntis. Sabi nila, girl daw pag blooming ang buntis. Girl man o boy si Baby Badudz (Badudlet), tatanggapin ko pa rin siya bilang inaanak.
Kahit sandali lang, ngayon na lang uli kami nagkasama-sama ng walang karay-karay na boyfriends. Alone time namin. Katuwa. Sana maulit.
Aged 25-27: Panahon ng Kasalan (ewan ko rin kung bakit) *imbey*
"Gusto kong makita si Eden na makasal... Masaya siguro... Kwelang-kwela..."
Ba't kaya niya nasabi 'yon? Di naman kami laging magkasama nung college para masabi niya 'yon. Di rin kami close, kabatian lang. Pero parang hindi naman kami masyadong nagchichikahan noon. Ba't kaya?
At anong ibig sabihin ng kwelang-kwela? As in Iskul Bukol? Skwelang kwela 'to, dito enjoy ako...
SI BAKLUSH
Nakakatuwa pa lang makadiskubre ng sikretong napaglipasan na ng panahon.
Ang buhay ko nung college ay para ring nung highschool. May mga barkada, may mga mean girls, may mga nerdy girls, at may mga boylets. Ang difference, konti ang boys na pagpipilian kesa nung highschool. Siguro trend na ito sa course na napili ko. Ang population ng boys noon ay namimiligro pa dahil sa invasion ng mga bading. Kaya may question mark sa noo lahat ng boys sa college ko.
Syempre pa, di ako pahuhuli sa pagkakaroon ng crush. Si Leonard ang crush ko noon. Pero no pansin ako sa kanya. Pano, ang trip niyang ligawan ay yung mga maiingay na girls sa kabilang room, mga Broadcasting. So crushing in silence ang drama ko noon.
Kasundo ko naman lahat ng boys sa room, all 10 of them. Kabiruan at kabungisngisan ganon. Pero di kami masyadong nakakapag-chikahan ng seryosohan. Kaya nga nagulat ako nung, lately, nagkachikahan sa text sina She, my friend, at KC, one of the boys. Si KC ang isa sa mga cuties—chinito siya. Kaso di namin siya nakasabay gumraduate dahil naging aktibista siya, na naging kaso rin ng most of the boys sa major ko. Alam naman natin na pag aktibista ata ay kailangang humaba ang tenure sa school. Anyway, di ko alam kung may balak pang gumraduate si KC pero nagtatrabaho na siya sa isang call center. May plano na rin siyang lumagay sa tahimik with her current girlfriend (good for him). Anyway, dahil napapag-usapan na rin nila ni She ang pag-aasawa, dahil may asawa na rin si She at due na manganak sa August, di ko alam basta napunta sa ‘kin ang usapan. Tapos nasabi nga ni KC 'yon.
Gulat ako. San galing ‘yon? Sabi ni She, bigla na lang daw ‘yon tinext ni KC. Out of the blue. Bakit? At ba’t niya nasabing magiging masaya ang kasal ko, at take note, kwelang-kwela pa? Na-weirduhan ako sa sinabi/prediction niya.
Ang huli kong encounter kay KC after college ay sa Friendster. Nag-message ako sa kanya about me planning a reunion for our batch. Tapos nag-reply siya ng “gusto ko tayong dalawa na lang…” Di ko na maalala kung anong ni-reply ko sa kanya pero parang na-cool-an siya sa ‘kin dahil sa reply ko. Di raw kasi ako pikon.
So dahil ba dun kaya niya nasabi ang prediction niya? Cool ako kaya kwela ang magiging kasal ko? Di ako maarte at parang one of the boys pa nga. Kaya ba niya ‘yon nasabi? Narinig ko na rin kay Carla, a blockmate din, ang comment na ‘yun, na cool nga ako. Pero di ko naman alam kung bakit ako cool. Di kami gaanong nagchihikahan ni KC nung college. Nagkakabiruan kami, oo, pero parang ganon lang. So question pa rin sa ‘kin kung ba’t niya nasabi ‘yon.
O baka gusto ko lang mag-solicit sa inyo ng comments kung paano ba talaga ako naging cool. Hehehe!
Actually, ‘yon lang talaga ang gusto kong malaman—kung ano ang cool sa ‘kin.
Narcissist?!
MGA SIKRETONG MALUFEEEET
Isa pang secret. Nalaman ko kung sino’ng may crush sa ‘kin nung college. Syempre, dahil sa tulong ni She, ang aking super-reliable na chikadora-friend. Ayon kay KC, may crush daw sa ‘kin si… Spork! Ang sabi pa niya, “malakas ang tama” nito sa ‘kin, di ko lang daw pinapansin. Sobrang di ko inaasahan ‘to. Malay ko ba naman e ang crush ko ay si Leonard na super-friend niya. Kabiruan ko si Spork noon at kaasaran. Pinapa-ring niya ang cel ko pag madaling araw para istorbohin ako sa pagtulog dahil taga-Bulacan pa ‘ko at kailangan kong maagang magising para bumyahe papasok ng school. Hanga ako ditong maggitara. Galing! Tapos hanga rin ako sa pagsusulat nito dahil nabasa ko ‘yung Friendster blog niya at pinagkalat ko kina Bern na magaling ito magsulat. Di ko alam na napaka-dense ko pala noon at di ko nahalata. O busy lang ako sa pagtingin kay Leonard kaya di ko siya nakita.
Hindi sa nanghihinayang ako na sana siya na lang ang naging crush ko para exciting naman ang college life ko. Sige na nga, nanghihinayang ako dahil sana siya na lang at hindi si Leonard ang naging crush ko. I guess, pwedeng sisihin dito ang pagiging mahilig ko sa gwapo.
O meron lang talaga akong malambot na puso para sa mga nagkaka-crush sa ‘kin. Alam ko kasi na excellent ang taste nila sa girls. Hehehe!
COLLEGE ULTIMATE CRUSH
Si Leonard naman na ultimate crush ko nung college, meron ding kwento (the best talaga si She). Chika ni KC, nega talaga ako kay Leonard dati, dahil nga sa iba nakatingin ang damuhong ‘to. Nung gumraduate na kami, saka lang niya ‘ko napansin. Anubanamanyan! Kung kailan wala na ‘ko sa school, saka niya lang ako nakita. Ano ‘yun, gumanda lang ako nung huli na? Anyway, nagkaroon na rin ng sagot ang tanong sa utak ko. After college kasi, pumupunta-punta rito sa bahay si Leonard para lang makipagkwentuhan. Ako naman si dense, di ko in-assume na panliligaw na ‘yon. E ‘yun na nga pala talaga ‘ko. Tapos pa, hinihimok ako nito na mag-change ng religion—‘yung religion niya na kay Bro. Eli. E di ko naman trip ‘yung ganon. Sabi nila Bern, baka ‘yun daw siguro ang way ni Leonard to get close. Nyak! Hanggang sa hindi na siya nagparamdam. Ako rin kasi, pinagtaguan ko siya.
Sorry. Hehe! Na-bore kasi ako sa’yo. ‘Tsaka di ko trip ‘yung mga beliefs mo, di lang sa religion ha, kundi sa iba pang mga bagay, like dreams, career goals and the like. Kaya ayun, sinasabi nila Papa wala ako kahit andito lang talaga ako.
Ngayon, married with a kid na si Leonard. Di ko na rin siya crush ngayon kahit pa ayon kay KC ay nadisgrasya niya lang ‘yung girl kaya pinakasalan. Ganon pala talaga, pag nakikilala mo talaga ang tao, nag-iiba ang perception mo sa kanya. Laging ganito ang kaso ko sa mga crush ko, pag nakilala ko na sila sa mas personal na level, nagbabago ang isip ko. Madaya ba? E ganon talaga e.
PUPPY LOVE?
Anyway, sa wakas, inamin na ni KC na crush niya si She dati. Pano ba naman, crush na crush siya ni She noon. Siya pa nga ang unang crush ni always reliable chikadora nung college. Kaso daw, di daw siya nanligaw kasi marami raw magagalit. Ewan ko kung maraming magagalit sa kanya o kay She. Ang magulo naman sa mga revelation niya, di raw niya alam na nanligaw si Mic kay She. Kasi, sabi raw ni Mic kay She, nagpaalam pa raw ito kay KC para manligaw. Ano ‘yun? Anlabo, di ba? Sino ang nagsisinungaling? Well, basted naman si crush ANG bayan kay She e, so wala na sigurong kaso kung di siya naging honest. Hehe!
Sunday, April 27, 2008
nabura ko ang multiply ko!!!
Monday, April 14, 2008
Dear Galo
Tama ba namang pinauwi mo lahat ng mga utaw, tapos kami ni Danica pinababa mo sa lobby, tapos sina Tio at Ate Susan pinatulog mo, saka ka nag-goodbye to the world? Ang unfair mo. Parang tinrick mo kami dun ah. Dahil ba ayaw mong makita namin ang paghihirap mo? Dahil ba ayaw mong kaawaan at iyakan ka namin? Ayaw mo bang i-cheer ka namin habang nakikipaglaban ka kay Kamatayan? Ano ka ba! Kakampi mo kami! Noon mo kami kailangan! Naroon lang kami! Pwede kang humugot ng lakas sa ‘min! Pwede mo kaming abusuhin nun! Kulang pa nga ‘yon sa lahat ng nagawa mo para sa ‘min. Ba’t hindi mo kami tinake advantage? Papayag naman kami eh! Ba’t ayaw mo ng tulong?
Salbahe ka. Ba’t ka kasi nagpakita ng care? Ba’t kasi nagtiwala ka sa talent ko kahit ‘yung iba wala namang bilib sa ‘kin? Ba’t mo kasi pinaramdam sa ‘kin na magaling akong magsulat? Ba’t sobra ang paninindigan mo sa ‘kin? Naalala ko, sabi mo, magtatagal ako sa ABS kasi matiyaga ako. Ikaw lang ang naniwala na magtatagal ako dun. Sa totoo lang, nung nag-resign ako sa isang show, ikaw lang ang kinatatakutan ko. Natatakot ako sa sasabihin mong, “ba’t ka naggive up?” Pero hindi, hindi mo pala ‘yon sasabihin. Hindi ka pala magagalit. Naintindihan mo pala ako—na minsan, pwede rin akong mapagod. Kahit hindi ko sinabi sa’yo ang dahilan, hindi ka nangulit. Kahit hindi ko ma-explain kung bakit ako napagod, hindi mo ‘ko pinressure na sabihin ‘yon sa’yo.
Bakit kasi patient ka sa ‘kin, sa ‘min? Pwede namang magalit ka na lang nung hirap ka nang turuan ako at tanggalin mo na ‘ko sa show mo. Pero ba’t di mo ginawa? Ba’t nanalig ka pa rin sa ‘kin na kaya ko? Nakakainis ka, pinaasa mo ‘ko na kaya ko, naniwala ako na kaya ko dahil sa ‘yo, tapos iiwan mo lang ako ng ganito. Hindi ko na tuloy alam kung may maniniwala pa sa ‘kin gaya ng paniniwala mo. Hindi ko na rin alam kung pag may nagsabi sa ‘kin na kaya ko, eh maniniwala ako sa kanila. Ikaw lang kasi ang genuine na nagsabi nun. ‘Yung iba, hindi ko alam kung may motibo lang.
Tangina ka, hindi man lang ako nakapagpasalamat sa’yo. Pano, feeling mo, ka-chummy-han lang ‘yon. Ewan ko ba sa’yo. Puro lang tuloy sorry ang nasasabi ko sa’yo, wala man lang thank you. Hindi man lang ako nakapagpasalamat na sinave mo ‘ko mula sa pagiging unemployed. Na binigyan mo ‘ko ng Lastikman sa pangalawa kong buhay bilang scriptwriter. Ng Panday na naging baptism of fire ko. Ng Reyna ng mga puso na hindi na-approved pero nagbigay sa ‘kin ng hope na meron pang susunod na show after BKK. Ng Palos na na-shelved tapos nabuhay uli, pero hindi na ‘ko kasama. Naalala mo nung ibibigay mo na ‘ko sa ibang show? First time akong umiyak sa harap mo. Bad trip ka, pinaiyak mo ‘ko. Kasi naman, hindi na ikaw ang magiging headwriter ko nun. Takot na takot ako. Sino nang iintindi sa pagiging tahimik ko, sa kabanuan ko sa brainstorming, sa basura kong bato na nire-revise mo sa utak mo in an instant para magamit kahit element lang? Wala. Kasi wala kang katulad. Sino nang magagalit dahil wala akong sense of anticipation, na dapat nagti-think ahead? Sino nang maiinis dahil wala akong initiative mag-take down notes at magbasa ng scripts? Wala nang magpa-pop quiz. Wala nang magpapakape ng chili coffee after the meeting. Wala nang manlilibre ng lafang. Wala nang manlilibre sa taxi. Kamusta ‘yung puro mga panlilibre mo ang naiisip ko. Ba’t kasi hindi ka maramot? Sana naging salbahe ka na lang at walang care sa mga tao para hindi na masakit ang pagkawala mo.
Alam mo ba, na-touched ako ng sobra nung sinabi mo sa ‘kin na ako ang bestfriend mong babae sa ABS, bukod kay John na bestfriend mong lalaki, sabi mo pa. Hindi ko alam kung san nanggaling ‘yon, o hindi ko na lang maalala ang pinag-uusapan natin nun, pero ‘yun lang ang tumatak sa isip ko. Tingin ko naman, di mo ‘ko binobola nun kasi di naman ikaw ‘yung tipong nambobola. ‘Tsaka ano naman ang mapapala mo kung bolahin mo ‘ko, di ba? Hindi ko akalaing ganon ang tingin mo sa ‘kin kahit hindi tayo laging nagkikita o nag-uusap. Salamat ha. Salamat talaga.
Sana marunong kang mag-blog para naman, if ever bored ka na diyan sa kinalalagyan mo, makapag-surf ka naman sa net at mabasa mo ‘to. Wala na ‘kong means para maparating sa’yo ang pasasalamat ko eh. At least, naka-save na ‘to sa web. Kapag kasi dasal, baka busy ka at hindi mo marinig. I’m sure, busy ka ngayon sa mga ina-attend-an mong reunion diyan with your parents. ‘Tsaka curious ka pa sa mga nangyayari sa afterlife. Pa-observe-observe ka lang, tulad ng ginagawa mong pagsusuplado pag first time mong ma-meet ang tao. Siguro, ‘yung mga kape nila diyan, hindi nakakapaso, na sa sobrang init eh pagpupunitin mo ang dala mong script, tapos itatapon mo sa basurahan, then maaalala mo na nandun pala ‘yung mga comments ng mga direktor. Katawa ka talaga ‘no?
Pano na nga pala ‘yan, in heaven daw, there is no beer, in your case, margarita? Tsk-tsk!
Paglisan (a long overdue tribute)
Ito ang pagkahaba-haba kong txt sa lahat ng mga nagtanong kung ano’ng nangyari kay Galo.
Wednesday, March 5, nag-meeting sila Nix at Jason, creative team ng Palos, kina Galo. Maya-maya, pumasok si Galo sa kwarto niya. Inaatake. Nung sumilip sina Jason sa kwarto, nag-thumbs up lang si Galo habang nakahiga at nagpapahinga, ox daw siya. Kwento ni Manang Tessie, yaya ni Galo mula pa pagkabata na katulong nila ngayon, nakadipa daw si Galo sa higaan nung nakita niya na inaatake. Inupo daw nila para malagyan ng Vicks at masahiin. Tapos umokey na. Sabi daw ni Galo, nung mga panahong inaatake siya, wala daw siyang nakikita o naririnig, parang nawalan siya ng malay. Pero ox na siya ngayon.
Saturday, March 8, nag-SM sina Galo at Monique, anak ni Tio—asawa ni Galo. Namili sila ng rice cooker at lutuan ng pancakes. Mahilig kasi magluto si Galo, maeksperimento pagdating sa kusina. Kwento ni Monique, tinarayan pa nga raw ni Galo 'yung cashier na ginagawa lang naman ang trabaho nito. Ino-offer-an kasi siya ng SM Advantage Card. Eh hindi naman naniniwala sa ganon si Kalbo, maski SSS nga wala siya.
Kinagabihan, nahiga si Galo sa papag nila sa bahay. Presko kasi dun. Sumunod si Tio. Dun na lang daw siya sa sahig basta katabi si Galo. Hindi kasi nakakatulog si Tio nang di katabi si Galo. Tinaas pa niya sa sandalan ng papag ang right leg niya, pa-relax baga. Maya-maya, namanhid ang kaliwang binti niya.
Nasa Starbucks kami noon ni Dindo. Katatapos lang ng meeting namin at nagre-relax na. Naka-receive ako ng txt mula kay Mamu—Julie Ann Benitez, production manager ng Deo Unit. Forwarded from Tio. "Please pray for Galo. He's in critical condition." Tinext ko si Nix kung kelan kami dadalaw kay Galo sa ospital. Tumawag naman siya sa 'kin, umiiyak, natatakot. Hinihintay daw niya ang tawag ni Galo kung tapos na ang treatment ng week 9 ng Palos para i-script na niya. Nakatulog daw siya at di naabutan ang tawag ni Galo. Tumawag daw uli pero hindi sinasadyang na-reject niya. Pagtawag niya, si Tio na ang sumagot. Itatakbo na raw si Galo sa ospital dahil nga namamanhid ang binti. Nagpa-panic si Tio nun. Pagkababa ng phone, naghintay na lang si Nix ng gagawin. Sanay na kasi kami kay Galo na sakitin, dinadala sa ospital, inaatake tapos nakaka-recover naman. Naka-receive uli ako ng txt—VERY critical na raw si Galo. Tulala na 'ko kay Dindo. Pina-explain ko pa sa kanya ang meaning ng critical para sigurado. Sabi niya, 50-50. Di pa rin ako makapaniwala. Malakas at determinadong tao si Galo sa pagkakakilala ko.
Plano namin ni Nix dalawin si Galo kinabukasan. Kaso, gabi na rin kami nakadalaw kasi tinapos pa namin ang mga work—nag-revise pa si Nix ng week 8 script, ako gumawa ng Perry-Lance track ng Kapitan Boom for Komiks.
Dumating kami ng Heart Center ng mga 8pm, Sunday, March 9. Andaming aparato sa tabi ng kama ni Galo. Minamasahe ang mga binti ni Galo nina Ate Susan, bunsong kapatid ni Galo, at 2 boys na pamangkin ni Galo. Para siguro mag-circulate ang dugo. Nakatingin lang sa kisame si Galo, taas-baba ang ulo habang humihinga. Bukod sa respirator niya sa bibig, meron din siyang butas sa leeg. Naroon na si John, bestfriend ni Galo. Sinabi niya kay Galo na naroon na kami ni Nix. Hindi siya nag-respond. Sabi ni John, kaninang umaga pagdating niya, kinawayan pa siya at tinignan ni Galo, nagre-respond pa. Ngayon, hindi, pero conscious pa raw siya. Dumating na rin sina Mamu. Umiyak agad siya nang makita si Galo. Mataas ang BP ni Galo nun. Napansin ko yung machine na pangkuryente, yung ginagamit sa pang-revive—andun, may gel pa na nakadikit. Hinala ko ginamit. Natakot ako—kung ginamit, ibig sabihin, muntik mamatay?
Lumabas na kami ni Nix ng kwarto to make room for other guests. Andaming bumisitang mga friends, pati si Sir Deo. Tapos pumasok uli ako. Ang daming doctor. Narinig ko, sabi nung isa, "di ba nag-arrest 'to?" Nag-arrest? Ito ba yung medical term sa condition kung saan ginagamit 'yung machine pangkuryente tapos sasabayan ng sigaw na “Clear! Tsug! Tooot?” Nag-agaw-buhay nga ba si Galo? Syempre, kay Nix ko lang nasabi ang hinala ko. Alangan namang itanong ko kay Tio, salbahe ko naman nun. Sabi ni Nix, di naman daw siguro. Baka naka-ready lang. Ba’t naman naka-ready?! Ibig sabihin, may possibility na mag-agaw-buhay? Eh ba’t may tirang gel na nakapahid? Nag-argue pa kami nun.
Nilagyan ng tube sa bibig si Galo. Parang lumagpas sa lalamunan niya kasi para siyang naduduwal habang pinapasok ‘yung tube. Maya-maya, may lumabas na brown liquid. Mula ‘ata sa lungs niya ‘yon—may tubig ang lungs niya. Akala ko ba, ox na ‘yon, clear na ang lungs, eh ba’t ganon na naman? Nagka-spot siya sa lungs dati. Nagpa-doktor na siya at umayos na uli, luminis na kumbaga ang lungs niya. Kaso, after ilang months, o a year din ‘yon, bumalik uli siya sa pagyoyosi. Tigas-ulo.
Constantly, minamasahe siya, hoping na umayos ang circulation ng dugo niya. Sabi ng doktor, malapot na raw ang dugo niya. Diabetic kasi siya. Maraming sakit si Galo, matagal na naming alam ‘yun—sakit sa puso, namana niya sa tatay niya; diabetes, kinamatay ng nanay niya; lungs, siya na ‘ata ang may kagagawan.
Mga 12mn, wala nang mga bisita. Natira kami nina Nix, Tio, Ate Susan at ‘yung dalawang pamangkin. Bumaba muna kami ni Nix sa lobby para mag-work. Siya, gagawa ng treatment ng week 9 ep ng Palos, ako, pagpapatuloy ko ang assignment sa Komiks. Pero di ako makapag-work, di ako mapakali. Mga 1am, nag-aya akong magyosi sa labas, sa may gate ng Heart Center. Nagkape na rin kami. Kwentuhan kami ni Nix ng mga experiences with Galo, pangyayari sa Palos, etc. Tapos, mga 2am, umakyat na kami para kumustahin si Galo. Nasa hallway na kami nang tumawag si Papa Jake. “Asan kayo? Alam n’yo na ba? Patay na si Galo.” Nagulat kami. Di ako makasalita habang tumatakbo kami papunta kay Galo. Tangina talaga.
Pagdating namin, sinalubong kami ni Tio. Naiyak na lang sina Tio at Nix. Ako, di makaiyak. Hoping pa rin ako na hindi totoo ang lahat. Pagpasok namin sa room, naroon pa si Galo, bahagya pang bukas ang bibig at nakadilat ang mga mata. Di ako makalapit. Wala na dun ang ibang mga machine, pati ‘yung fibrilator. Tinawag ako ni Nix para lumapit. Inaayos na ng mga nurse si Galo. Binabalot na siya ng kumot. Mainit pa siya nung hinawakan ko ang braso niya. Gusto naming ipikit si Galo, pero di kami nagkalakas ng loob. Iniisip ko, para kay Tio ang moment na ‘yon. Kay Nix, hindi niya rin magawa, nakahawak lang siya sa ulo ni Galo. Nakita ko, may dugo sa kumot. Nagsuka ‘ata si Galo ng dugo. Pero wala na ‘kong lakas para magtanong kaninuman. Lumabas si Nix, di na niya nakayanan. Si Tio na nakasilip lang sa pinto, di na rin kinayang panoorin si Galo. Ako na lang ang umoo nung babalutin na ng tuluyan si Galo. 1.45am siya namatay, Monday, March 10.
Nakatulala lang ako sa bintana habang nakahawak sa hita ni Ate Susan. Gusto ko siyang i-comfort pero gusto ko ring sipain ‘yung bintana. Nasa baba lang kami kanina. Ba’t late kaming umakyat?
Sumama kami kina Tio sa bahay. Kailangan nila ng suporta. “Kamusta?” salubong ni Manang Tessie sa ‘min. Di kami makasagot ni Nix. Nag-txt brigade na kami sa lahat ng posibleng kakilala ni Galo na may number sa ‘min habang sinasabi na ni Tio sa lahat ang bad news. Nakita namin kung pano umiyak ang mga batang pamangkin na ampon ni Galo. Narinig namin kung pano pumalahaw ng iyak si Manang Tessie. Kami na sana ni Nix ang pupunta sa St. Peter para ayusin ang service for Galo kasi tumaas ang BP ni Tio. Pero wag na lang daw, sila na lang. Kinomfort na lang namin sina Monique at Manang Tessie, inaliw. Kinuwento nila ‘yung magagandang ginawa sa kanila ni Galo. Na parang may premonition na. Na nung xmas daw, pabirong sinabi ni Galo na huling xmas na niya ‘yon kaya gusto maganda lahat. Na nagpakwento daw ng mga masasayang bagay si Galo. Na nagpatugtog ng malakas at nagsayawan at nagkantahan daw sila bago nangyari ito. Na niyakap ni Galo si Tio ng walang dahilan nung isang araw. Etcetera. Nakakalungkot. Gising na si Marie, ‘yung batang pinakapaborito ni Galo. Alam na niya ang nangyari. Niyakap namin siya ni Nix tapos inaliw. Di ko siya nakitang umiyak.
Pagdating nina Tio, naupo siya sa may dining. Maya-maya, humagulgol. Napayuko na lang ako habang pinagmamasdan si Marie na nakatingin kay Tio. Nang mahuli niya ‘ko, ngumiti siya—ang tatag ng batang ‘yon. Inayos ni Tio ang flight to Samar. Dun dadalhin si Galo after ng 2-day wake niya sa QC. Dumating si Jason. Namili kami ng pagkain for the wake. Lahat ng kanta sa taxi nakakaiyak. Si Nix, iyak ng iyak. Ako, di makaiyak. Tinitignan ko lang ang mga tao sa labas. Oblivious sila sa nangyayari sa ‘min.
Umuwi kami ng mga 1pm para makapahinga at makaligo. Pag-uwi ko, nandito si Papa, di pumasok, may ubo. Gusto akong i-comfort ni Papa. Lahat inalok niya, pagkain, etc. Pagpasok ko sa kwarto, naiyak na ‘ko. Sandali lang, pinigil ko kasi. Baka marinig ni Papa, malungkot pa siya. Ang sakit pala. Sabi ko kay Papa, luluwas uli ako, babalik ako kay Galo. Sabi niya, magpahinga muna ako at bukas na pumunta. Di naman imposing ang pagkakasabi niya, malambing pa nga. Pero tumuloy pa rin ako kahit gusto niya ‘kong pigilan.
Pagdating ko sa St. Peter, nalipat ng room si Galo. ‘Yung una kasi, maliit lang ‘yung room na available. Puno daw kasi. Ang dami palang namatay. Maraming nagpuntahan sa burol ni Galo—mga kamag-anak, highschool at college friends, taga-GMA, taga-ABS. Di na nga kasya, puno hanggang lobby. Si John dumating ng mga 2am. Ayaw niya sana, ayaw niyang makita si Galo na nasa kabaong. Pero pinilit niya ang sarili niya. Natatakot kasi siyang maiyak. Ayaw daw kasing makakita ni Galo na may umiiyak. Pag umiiyak daw siya sa harap ni Galo dati, aasarin pa siya nito at icha-challenge. Ganon nga si Galo.
Mga 8am, Tuesday, March 11, umuwi muna kami. May 6pm presentation pa kasi ang team ko sa Komiks. May transport strike pa nga eh, pero madali naman akong nakauwi. Pagdating ko sa bahay, di uli pumasok si Papa, pati si Mama, dahil strike. Paghiga ko, umiyak na naman ako. Pero pinigil ko, baka kasi marinig ni Mama, baka magtanong. Hindi pa ‘ko handang magkwento. Pero nagtanong pa rin si Mama, ilang taon na raw si Galo. Kako, 38, bakit. Kwento niya, kagabi raw, nakalagay sa Palos, “in loving memory of Galo Ador, Jr., May 19, 1969-March 10, 2008.” Bata pa pala siya, comment ni Mama, tapos umalis na. Buti na lang, ‘yun lang ang tanong niya. Sandali lang ako nakatulog, mababaw pa. Paggising ko, umiyak uli ako. Sa banyo, umiyak ako. Pati habang nagbibihis, maski sa biyahe. Kebs sa mga tao, di naman kami magkakakilala.
Pagdating ko sa presentation, mugto ang mata ko. Napansin pa ‘yon ni Rondel, creative manager namin. Tanong pa ng tanong, para ‘kong niloloko. Sabi niya, wag na raw akong malungkot dahil gusto naman daw ‘yon ni Galo. Lagi daw niyang sinasabi na maaga siyang mamamatay. Oo nga. Sinasabi rin niya na kung mamamatay, eh di mamamatay. Naalala ko ‘yung txt ni Joyce, friend namin ni Galo, siguro daw kaya gumive up na si Galo kasi para sa mga ampon niya. Lalaki pa ang bill sa ospital pag nanatili pa siya dun. Kaya imbes na mapunta sa ospital ang pera niya, sa mga bata na lang.
Maraming dumating sa 2nd day ng burol. May mga artista—sina Cesar, Jake, Bangs, Robin, Baron. Pati ‘yung ibang tao nakiusyoso na kay Galo. Imbes na burol, naging fans’ day of sorts. Sabi ni Joyce, malamang daw masaya si Galo sa bagong concept na nabuo niya—Palos versus Bordado. Natawa ako. Anubanamanyan, hanggang kabilang-buhay gumagawa pa rin ng kwento si Galo! Dumating din ang mga direks at mga boss ng ABS at GMA. Nag-offer ang ABS na sagutin lahat ng gastos sa ospital at pagpapalibing kay Galo.
Nakilala ko ‘yung mentor ni Galo na si RJ Nuevas, taga-GMA. Nilapitan ko siya talaga para magpakilalang trainee ni Galo. Mukha akong fan. Nasabi ko tuloy kung anong show ang ginagawa ko ngayon. Isang booboo dahil secret ‘yun. Tsk! Pero sabi ni RJ, ayos lang daw ‘yon kasi ganun din naman sila ni Galo, nagsasabihan ng secrets ng mga network. Hehe! Ang booboo naman daw ni Nix eh ‘yung iyak siya ng iyak. Narinig tuloy niya na may nagtanong kung sino siya. Baka akalain may relasyon sila ni Galo.
Cause of death. Hindi ko rin sigurado kung ano talaga ang dahilan. Complications? Heart attack? Ito ang pinakamadaling sagot sa mga nagtatanong. Pero ayon sa kwento, nang isugod ni Tio si Galo sa ospital, sabi ng doktor, ay blood clot ang left leg ni Galo. Kailangan daw operahan. Sa ibang version ng kwento, may amputation pang involved. Nang marinig ‘yon ni Kalbo, nag-panic siya. Dito ‘ata inatake. Kaya siguro binutasan pa ang leeg niya dahil hindi na kaya ng respirator. Ayon sa mga dumalaw kay Galo, nung makita nila ang butas sa leeg, pag ganun daw, mahirap nang maka-recover. Hinihintay ng mga doktor na mag-stabilize ang BP ni Galo para maoperahan ang blood clot sa leg. Kaso, hindi na nag-stabilize.
Kinaumagahan ng Wednesday, March 12, hinatid namin ni Nix ng tanaw si Galo na papuntang airport going to Samar. Nakakabaong si Galo na binalutan ng tela, hindi ‘yung tulad sa mga pelikula na nakakahon—crate. Sabi nung maghahatid, mas magaan kasi pag tinimbang sa plane ang kabaong, kesa sa crate. Pag barko ang sasakyan, ‘yung crate daw ang ginagamit. Baka pumunta rin kami sa Samar pagkalibing niya. Gusto nga sana namin makita ‘yung libing mismo kaso hinihintay pa namin umuwi from Dubai si Tristan, trainee rin ni Galo sa Panday, at si Aloy from New York naman, senior writer ng Panday na matalik na kaibigan ni Galo.
Dumirecho kami ni Nix sa ABS para magpa-pic para sa bagong ID. Ayos. Mugto ang mata sa pic. Remembrance ni Galo. Busy lahat ng mga tao. Kami ni Nix nag-wallow maghapon. Pano pa kaya ang pamilya ni Galo? Pano pa kaya si Tio na partner niya for 10 years? Lahat ng gamit ni Galo iuuwi ng Samar, sa pamilya niya. Wala masyadong natira kay Tio. Sino lang ba siya, jowa lang siya. Matensyon. Di tanggap ng pamilya si Tio. Bukod kasi sa gay relationship at May-December affair (mas matanda si Tio), malayong kamag-anak pa si Tio (malayong tiyuhin, kaya “Tio”). Nung una pa nga, di sure kung sasama si Tio sa Samar. Ayaw naman daw niyang mag-impose. Naghihintay lang siya ng aya sa mga kapatid ni Galo. Pero mukhang ox na. Pupunta siya sa Sunday. Malamang idi-distribute daw ang mga ampon ni Galo sa mga pinsan at kapatid. Sa March 18 ililibing si Galo.
Siguro happy na rin si Galo dahil makakasama na niya ang parents niya. Siguro sila naman ang sumundo kay Galo.
Ang aga. Siguro ayaw niyang umiyak kaya nauna na lang siya sa ‘min.
“Kung ang lahat ay may katapusan
Itong paglalakbay ay makakarating din sa paroroonan
At sa iyong paglisan, ang tanging pabaon ko ay pag-ibig”
In Memoriam
Galo Tabinas-Ador, Jr.
May 19, 1969-March 10, 2008
Friday, April 11, 2008
Si Mama at ang Ocean Park
Simula nang mabalita ang bagong bukas na Ocean Park sa Manila ay nagpaparinig na si Mama na gusto niya pumunta ron. Kaso daw mahal, P400 isa. Ako naman, "talaga? Sige punta tayo pag may time na 'ko..." Naisip ko kasi, sa dami ng mga panlilibre niya sa 'kin, it's time na ako naman ang mag-treat sa kanya. Kaso lagi naman akong walang time dahil sa work. Tapos narinig ko na di pa daw gaanong maganda sa Ocean Park dahil konti pa lang ang mga fish. So nausod ng nausod ang plano. Salbahe rin kasi ako. Iniisip ko, naku, di ako makakapagyosi pag kasama si Mama! Hehe! Oo na, masama na 'kong anak.
Isang araw, long weekend 'yon, nung nilipat yung Araw ng Kagitingan ng Lunes, naisip ko, why not ituloy na ang plano? Nasa bahay din nun si Ninin at kinukwento niya na nagpaalam na daw siya sa TL niya na magre-resign na siya. Nagsu-swimming kaming tatlo nun sa aming newly-bought "swimming pool" (malaki siya, pang-adult, sarap magbabad), nang i-bring up ko yung topic. "Gusto n'yo mag-Ocean Park bukas?" Malalaking ngiti ang sinagot nila sa 'kin. Ang sarap.
Habang dinner, inaya ko naman si Papa. Masaya yon, buong pamilya kaming maglalakwatsa. Kaso sabi ni Papa, nakita na raw niya yun, sa Japan. Mas marami pang fish. Oo nga pala, nagpunta siya dati sa Japan. Walang panama ang Ocean Park natin dun sa Ocean Park ng Japan. Okay. Tsaka homebody naman talaga si Papa. Masaya na siyang manood ng CSI, House, Lost at kung anu-ano pa. Ika nga ni Mama, si Papa ay isang couch potato.
Monday kami nagpunta. Namroblema pa nung una si Ninin sa TL niya. Di kasi siya sinasagot nung nagpaalam siya na di papasok. May 1 month ek pa kasi siya after ng resignation. Gusto sana niyang maging malinis ang records niya kahit pa resigned na siya. Ewan ko ba dun. Anyway, nag-LRT kami to UN tapos naglakad to Luneta. Sabi ni Mama, dati daw di pa gaanong mapuno sa Luneta. Maganda raw yun pag gabi kasi bukas ang fountain at may dancing lights pa. May kakumpetensya na rin pala si Rizal dun. Di na lang siya ang bida. Andun din si Lapu-lapu. Kala ko sa Cebu lang siya may monumento. But no! Mali ako dun. Ang layo ng nilakad namin. Pano, sinimulan naming maglakad mula sa mapa ng Pilipinas papuntang Grandstand kung san nasa likod nun ang pakay namin. Basa ang kilikili. Hehehe!
May nakita kaming barko na hotel at resto. Ito siguro yung kinwento ni She na sinakyan nila dati nung nag-ENG sila. Pagdating namin dun, andaming tao! Andaming bata! Andaming handang magbayad ng P350/kid at P400/adult! Pagpasok namin sa loob, andaming monoblock chairs! Andami ring taong nakaupo dun, naghihintay ng number nila para bumili ng ticket. Buti dala ni Mama ang senior citizen ID niya, at walang pila sa lane na yun na intended for them. Yehey!
Sosyal ang CR nila. Masikip pero may sensor ang bowl, automatic na nagfa-flush pag tumayo na ang gumamit. Ayuz!
Anlalaki ng mga fish! May mga pasikat ding fish, nage-exhibition sa paglangoy. May drizzling falls, tamang-tamang pampalamig sa mainit na panahon. May mga baby sharks at starfish na pwedeng hawakan wag lang ili-lift. Pero yung Manong binaligtad pa yung starfish para makita niya yung ilalim. Lagot tuloy siya dun sa nagbabantay (pero nakitingin din naman kami, hehe). Iba-ibang lamandagat, iba-ibang design at sukat ng aquariums, iba-ibang camera ng mga tao. Bawal ang flash sa loob. Nakaka-stress daw yun sa mga isda. Pero marami pa ring pasaway na nangi-stress ng mga fishie.
Tuwang-tuwa kami. Para kaming mga bata na nakikisiksik sa mga tunay na bata para mapiktyuran ang mga fishy. (see pix here) Natuwa ako dun sa Pampano kasi minsan ulam daw namin yun. Naging LSS ko na nga yun e. Pampano! Tapos may aquarium tunnel din. Lumalangoy sa taas namin yung mga fishie. Meron pa nga ron yung mga pagi, kitang-kita naming bumubuka yung mga gills sa ilalim nila. Hihihi! Tapos sa pinakataas may Fish Spa. Kakainin ng mga fishie yung paa mo. Hehe! Hindi. Parang yung mga kalyo mo lang, tapos maliliit na fish lang ang kakain. Gusto sana i-try ni Ninin kaso parang nakakakiliti naman yun, baka masipa yung mga fish. Tsaka maghihintay pa ng turn mo para magpakain lang ng paa. Andami din kasing sumusubok. Baka busog na rin yun mga yon. Kakain na lang sana kami dun sa resto ng Ocean Park kaso P600 each e. Wag na lang.
Go na lang kami'ng SM Manila since di pa rin nakakapunta dun si Mama. Dun kami sa Greenwich nag-lunch. Na-overeat ata kami kasi feeling namin gutom na gutom kami.
Pag-uwi namin, inaya ko si Ninin mag-stroll. Akshuli, para makapagyosi. Hehehe!
Pampano!
Ngayon na lang uli ako napadpad ng Greenbelt
Mineet ko si Marianne last Thursday sa Greenbelt. Meeting place namin, as usual, Powerbooks.
Iba na pala (ng konti) ang Greenbelt. Naputol ang overpass na may escalator na nasa gilid ng Landmark. Napunta na siya sa harap ng Landmark, tapat ng Tower Records ata yun. In short, umiksi ang overpass. Pero dedma kahit pawisan. Excited naman ako makita si Marianne. Sobrang tagal na naming di nagkikita. Di ko na maalala yung last time. Parang nung dati pang pinakilala niya sa 'kin si Glenn. Tapos ngayon ikakasal na sila. Kaya kami magmi-meet e para ibigay niya sa 'kin ang invitation para sa kasal nila na sa Naga gagawin. Kung may kasama lang ako papuntang Naga, pupunta sana 'ko. Kay Aprillette nga na sa Quezon ginanap ang kasal, at si Cot na sa San Jose Del Monte pa, naka-attend ako. Pero may kasama 'ko, si Adz at Nympha. Nasan kaya yung dalawang yon? Sila kaya ayain ko? Na-guilty na naman ako kasi di ako naka-attend sa civil wedding ni She na pari ang nag-officiate. Alam ko naman naintindihan niya kung bakit. Dumaan kasi ako sa isang mabigat na sitwasyon nun. Di bale, bawi ako sa kanya sa church wedding. April 18 ang kasal ni Marz.
Nag-dinner kaming tatlo, kasama si Glenn, sa Oody's. Syempre, healthy food ang nilafang namin. Di nawala ang tokwa sa course, tapos pritong hito at kangkong. Masarap naman. Sabi ni Marz, kung sure sana 'kong pupunta, may role sana ko sa kasal niya. Si Mama nga rin (Tita Joey), gusto niya kuning ninang. Kaso dahil di rin siguradong makakapunta, at kukuha pa ng proxy, iba na lang ang kinuha. Kaya nga pala "Tita Joey" kasi niloko namin ni Mama dati si Marz. Txtm8s sila noon at ito ang alyas ni Mama, "Joey". Hehehe!
Napagkatuwaan namin pumose ng ganito ni Glenn---Koreans kuno, kahit Thai cuisine ang Oody's. Hehehe!
Nakakatuwa silang mag-jowa. Laging nagjo-joke si Glenn, at kahit corny, bentang-benta ito kay Marz na napakabungisngis. May bahay na pala sila sa tahimik daw na part ng Makati. Dalaw daw ako sa kanila minsan.
Natanong ko, "mag-aanak na ba kayo agad?" Sagot nila, "pag sinipag..." Nice one.
Thursday, April 10, 2008
Nagtika sa Boracay
All work and no play? Nah! Kala nyo lang yun. Kahit may dala kaming work sa bakasyon na 'to, di kami pumayag na di mag-enjoy. Ang ebidensya--> pix here.
Sa kalasingan ko, na-beso ko si Sir Deo, bosing ko na di ko naman ka-beso sa real world. Astig! At least, kahit man lang minsan nagpantay kami ng level. Hahaha!
Wednesday, March 5, 2008
Monday Mania
Kaswerte ng Monday ko! Di nag-alarm ang cellphone ko ng 9am. Pagtingin ko, patay ang cellphone, dead batt. Mage-11 na nang magising ako. Buti na lang, 1 pa ang meeting. Pero dahil matigas ang ulo ko, 1 na 'ko umalis ng bahay. Hehe!
Kaso sobrang swerte ko talaga. Nasira yung sinasakyan kong jeep sa NLEX. Ang layo pa ng camachile! Ang init-init pa! Buti na lang, may nagmagandang-loob na parang naka-tamaraw na jeep, pinarahan kami, at pinasakay kaming lahat na pasahero. Take note, LIBRE! Angel siguro yun.
Dumating ako ng past 2 sa meeting. Yes! Sina Dindz (headwriter ko) at Ate Kylie (EP) pa lang ang nasa meeting place. Mas late pa pala sa 'kin si Philip (co-writer ko). Hehe!
So, meeting na. After nun, pinresent namin kay Rondel (creative manager) yung napag-brainstorm-an namin. Tibag! Ulit uli kami sa umpisa. Waaah! Kaya yung 12mn sanang uwi namin, naging 5am. Lungkot. Kahit wala 'kong masyadong ginawa, napagod ako. Ang nice ng start ng week ko 'no?
Presentation kahapon. 6pm supposedly. Kaso, magna-9 na humarap sa 'min si Sir Deo. Ang dami niyang pinabago sa powerpoint namin. Ang ending, io-overhaul ang story. Actually, more like repeat from scratch. Urgh!
Napagdesisyunan nina Rondel at Mamu (PM) na tigilan muna namin si Kapitan Boom. Iba na lang munang concept gawin ng team. Hay. Di raw kasi sila makakapit sa character, story, etc. In a nutshell (ang favorite term nila ngayon), pagod na silang umintindi. Uta na sila sa paulit-ulit na revision ni DTE. Pagod na sila sa superhero.
Ako, dedma. Wala naman akong magagawa. Saka, di ko pa rin naman gaanong naa-absorb ang story namin e.
Buti nga sila Philip at Ayis, napaka-passionate sa work, pero di nadi-disappoint. Ako, di nga disappointed, pero parang di na rin passionate. Ano ba nangyayari sa 'kin?
Friday, February 29, 2008
ilusyon!
You Are Somewhat Sexy |
While you may not be the sexiest person in the world, you have your sexy moments. You sometimes carry yourself well, and it gets you a lot of attention. You have a lot of sex appeal ... as long as you remain confident, friendly, and adventurous. The only times you seem unsexy are when you lose your confidence or sense of adventure. How You Are Sexy You accept your body as it is, and that's sexy. If you feel attractive, you are more attractive - no matter what your shape is. You are flirtatious and fun with most people. You know how to keep things light, friendly, and sexy. How You Aren't Sexy You are hesitant and cautious in your approach to life. There's nothing sexy about being scared! You're not very active, and that's not terribly sexy. It's hard to be attractive when you're always catching your breath. |
50-50 normal
You Are Fairly Normal |
You scored 50% normal on this quiz Like most people you are normal in some ways... But you aren't a completely normal person. You're a little weird too! Why You Are Normal: You prefer fiction to non fiction You would eat meat from a cloned animal You rather be screwed over than screw someone else over You check your daily horoscope You would rather be pale than tan Why You Aren't Normal: If given the choice, you would choose to have more time over more money You eat the cupcake first You find the Chicken Dance to be the more embarrassing dance You prefer a good nap to a good meal You prefer flat potato chips. |
nasaan?!!
You True Love Will Find You |
When it comes to love (and life), you totally put yourself out there. It's very easy for you to find love - and for love to find you. The best part is, you're never even actively looking to meet someone. You're just out there so much that love always seems to come your way. |
what happened in 1981
In 1981 (the year you were born) |
Ronald Reagan becomes president of the US Minutes after Ronald Reagan becomes president, Iran releases 52 American hostages that had been held captive for 444 days President Reagan is shot in the chest by would be assassin John Hinkley Space shuttle Columbia, the world's first reusable spacecraft, is sent into space A suspended walkway in the Kansas City Hyatt Regency Hotel collapses, killing 113 A female former lover files a "palimony" suit against tennis star Billie Jean King President Reagan appoints Sandra Day O'Connor to be the first woman on the Supreme Court The Pac-Man video game is introduced in the US Alicia Keys, Elijah Wood, Kelly Rowland, Anna Kournikova, and Britney Spears are born Los Angeles Dodgers win the World Series Oakland Raiders win Superbowl XV New York Islanders win the Stanley Cup Raiders of the Lost Ark is the top grossing film "Bette Davis Eyes" by Kim Carnes spends the most time at the top of the US charts MTV debuts on cable television, playing music videos 24 hours a day Gimme a Break premieres |
indie-ness
You Are 43% Indie |
You're pretty indie, but you don't make a fuss letting everyone know. You just do what you like. You enjoy many types of things - from trendy to bizarre. |
typical
You Should Be a Science Fiction Writer |
Your ideas are very strange, and people often wonder what planet you're from. And while you may have some problems being "normal," you'll have no problems writing sci-fi. Whether it's epic films, important novels, or vivid comics... Your own little universe could leave an important mark on the world! |
90's baby
You Belong in 1991 |
With you anything goes! You're grunge one day, ghetto fabulous the next. It's all good! |
choosy daw ako?!
Men See You As Choosy |
Men notice you light years before you notice them You take a selective approach to dating, and you can afford to be picky You aren't looking for a quick flirt - but a memorable encounter It may take men a while to ask you out, but it's worth the wait |
"when will I meet my next bf" hahaha!
You'll Find a Boyfriend Within a Year |
Either you're not ready for a relationship... Or you're not quite ready to leave the house You can't meet a guy from your couch So at least consider meeting one from your computer! |
My Funky Inner Hair Color
Your Hair Should Be Orange |
You pull off "weird" well - hardly anyone notices. |
Wednesday, February 13, 2008
Kailangan kong matutunan ang rain dance
Si Gidgett may BF na, si Patz. Si Kym naman, starting a new life through her new work sa Bench. Astig! Bench! Proud ako sa’yo! Ako kaya, anong mangyayari sa 2008 ko?
Parang ganito rin ang feeling ko nung first half ng 2007. Walang nangyayari. Ang excuse ko, quarter-life crisis. Bokya kasi ang career ko nun. Depress-depressan. May show nga, hindi naman naa-approve. To think, Mari Lamasan, kapatid ni Inang, ang headwriter ko, at one of my co-writers is Dindo Perez of “Don’t Give Up on Us” fame. Handpicked pa ‘ko ni Inang noon (din naman sa pagmamayabang, hehe). Kaso, isang taon ang lumipas, hindi pa rin umeere. Nag-resign ako, saka naman na-shelve officially. Kakatawa. Three months akong nakatengga. Tapos, inilipat ako ng tadhana, at ng powers ni Mamu, sa Deo Group of Companies through Lastikman. Dun naman ako kinontak ng mga EP para sa mga show. Muntik na nga akong apasama sa Lobo na hindi pa Angel-Piolo nun. Kaso, nauna na ang Lastikman kaya na-turn down ko ang mga offers. Offers?! Ito ngayon ang kapalaran ko sa Deo Group of Companies—hindi kilala ni Sir Deo at ineetsa-pwera sa meetings.
Naisip ko tuloy, may point kaya si Jayson sa pag-iisip kung tama ba ang ginawa niyang paglipat? Tama ba ang paglipat ko sa “kabilang bakod” where, they say, is greener? O baka impatient lang ako? May show naman ako eh. Once a week nga lang. Hindi teleserye. Hay… “uulan” din sa career ko.
Nung nasa MNS Group kasi ako, kilala ako ng mga tao—pwera ni MNS. Pero ngayon, konti na nga ang kilala ko sa Deo Group, hindi pa ‘ko kilala ni DTE. Pero, at least, bago ako umalis kay MNS, nakilala na ‘ko ni Sir Ricky. ‘Yun lang!
*sigh* (Alonso?)
Valentine's? Eeeww!
Ang laki ng buhok ko ngayon. Afro-Fil ako. Hehehe! Kaya siguro ako pinagtitinginan ng mga tao. Sa panahong ito na ako’y Afro-Fil, magkaka-jowa kaya ako? Kahit leap year? Kahit cute naman ako?
Sa table sa tapat ko, may apat na early 20s na bading. Sa table sa tabi ko, may apat na babaeng 20-something, ang dalawa ay tibo. Sa kabilang table, mag-jowa, at sa kabila pa, at sa kabila pa. Sa malayong table, mga bakla in their late 20s. Ako, nag-iisang pechay. Ano nang nangyayari sa mundo? Third sex invasion!!!
Nawiwili akong tumambay sa mga kapihan ngayon. Ba’t kaya? Samantalang mas maraming tumatambay na mag-jowa dito. Mas nakakainggit. Mas nakakalungkot. I feel alone in this pairing system of the world. Grr! Imagine, lahat ng klaseng mag-jowa nakikita ko dito. May heterosexuals, may bading, may tibo. Kanina nga, ‘yung dalawang bading, may cake at flowers pa. Ayus! Para rin pala silang hetero. Dahil ba Valentine’s?
Alam mo bang natukso ako kay Jayson, my colleague? Nagte-text kasi kami isang gabi. Nag-aangst siya. Tapos nung lumalim na ang gabi at tumagal na ang textan namin, natukso akong itanong sa kanya kung trip ba niya ‘kong halikan. Buti na lang, bago ko pa natanong, hindi na siya nag-reply. Mukhang nakatulog na siya. Buti na lang. kundi, nabahiran ang maganda at respetable kong pangalan. Ye!
Hay! Pa-kiss nga!
Ano kaya’ng meron si Joy na wala ako?
Katawan, men, katawan!
Ye, right. Tangina.
Parang nade-depress naman ako sa kwento nung babae sa kabilang table. Puro alone-ness ang kinukwento. Wala raw siyang mapwestuhan sa Starbucks. Tapos uminom daw siya mag-isa. Ang lungkot daw ng feeling. Buti na lang hindi ko pa na-try uminom mag-isa—magkape lang, tulad ngayon. Malungkot din. Syet! Ako ‘ata pinariringgan nun ah. Suntukan na lang.
Malapit na kasi ang Valentine’s.
Single-blessedness
Ba’t kaya karamihan ng single na nakakausap ko, tanggap na nila na marahil nasa kapalaran na nila ang maging single for life? Weird. Hindi kaya, defense mechanism lang nila ‘yon dahil wala pa silang mga BF ngayon? Take Bern, my friend, for example. Sabi niya, nakikita niya ang sarili na may anak lang at walang asawa. Ngayon nga, gusto na daw niya magkaanak. Pano siya magkakaanak kung wala munang asawa… o kaya BF?
Si Fara naman na officemate ko dati. Wala na ‘ata sa kalendaryo ang age niya. Kaya siguro nasabi niyang tanggap na niyang maging matandang dalaga. Pero tamo ngayon, balita ko, may BF na siya. Nasan na ‘yung matandang dalaga effect?
Siguro it’s a state of mind, that matandang dalaga thing. Kapag inisip mo at tinanggap mo sa sarili mo na ‘yon ang magiging kapalaran mo, bigla kang magkakaroon ng aura of sexiness/confidence na nakaka-attract sa mga lalaki. Hmm…
Napanaginipan ko si Tessa, a colleague, kagabi. Kamusta na kaya ‘yon? Balita ko, single siya ngayon. Magti-30 na ‘ata ‘yon. Si Ms. Maya, my 50+ colleague na matagal nang hiwalay sa asawa, nag-text kaninang umaga. Nag-aaya nga pala siya sa premiere night ng “Endo”. Di ko nga pala siya na-reply-an. Hihihi! Si Mariel, isa pang colleague, on the rocks ‘ata ang relationship with boyfriend John. Ewan ko ba kung ba’t ganon ‘yung dalawang ‘yon. Gusto laging nagbi-break. Para siguro may kiss-and-makeup. Hehe! Ano na kayang nangyari sa isa ko pang colleague na si Jenilee?
Sabi ni Jepoy, kasama ko rin sa trabaho, be-break-in na raw niya ang jowa niyang maarte. Ye! May jowa pala siya.
Ang tagal naman ng trip namin sa Baguio (25-27 Feb)! Nagpaalam na ‘ko kay Dindz, my new headwriter. Sabi niya magpaalam din daw ako kay Darnel, my EP. Pinag-iisipan ko pa kung magpapaalam ako o hindi. Baka hindi ako payagan eh. Hehe!
Tangina! Sana magka-jowa na ‘ko para hindi puro ikaw ang kausap ko. Hay… Tsaka para may kasama na ‘kong tumambay. Hay… (ulit)
Hindi Ako Busy. Period.
Feeling ko kasi, hindi ako kasali sa team. Nakakatampo lang kasi. Kahit ba hindi ako chumi-chika, sana man lang ipa-feel sa ‘king important ako. Kaso hindi e. Fine. Napapaisip tuloy ako—lumipat na kaya ako ng ibang work? Mag-apply na kaya ako ng 9-5 job? I-give up ko na kaya ‘tong career na ‘to? Kaso, gusto ko pa ‘tong ginagawa ko. Hindi regular ang pasok. Ok naman ang sweldo. Naho-hone ko ang creative writing skills ko. Marami akong nakikilalang mga tao. Sanay na ‘kong sa gabi gising, sa araw tulog. Masaya rin ang may regular show. Kaso, ngayong tapos na ang LM, I’m lost. Feeling ko, wala akong show at palutang-lutang lang sa ere. Parang ‘yung dating wala akong show. Parang ‘yung feeling ni Jayson na walang silbi. Hay… Mabuti pa nung may show, busy ako. Nakakalungkot pala pag di busy. O mas nararamdaman ko ang lungkot pag di busy.
Lalo na kung walang maayang friends para gumimik o tumambay man lang.
Karamihan kasi ng mga friends, either busy sa work, busy sa pagbubuo at pag-aalaga ng family, o busy sa pagsisimula ng family. Ako, walang binubuo, walang sinisimulan, walang inaalagaan… hindi busy.
Wala si Mama ngayon, nag-fieldwork. Punta sila ni Tita Nancy sa Bicol. One week. Si Papa lang natira sa bahay ngayon. May uwi siya kanina’ng CPU. Yey! May desktop na uli. Maayos na ‘kong makakapag-internet. Yeba!
Tuesday, February 12, 2008
Thursday, February 7, 2008
Updates.2
Kanina, nag-present kami ng bagong show kay Sir Deo. Na-realize ko, hindi alam ni Sir Deo ang pangalan ko, samantalang nagsulat ako para sa kanya, para sa Lastikman.
Oh well. Siguro, kasi tahimik lang ako, nasa sulok lagi pag nagmi-meeting, hindi ma-chika, hindi bakla. Hindi naman sa nalulungkot ako dahil hindi niya ako kilala. Alam ko, maraming advantages 'yon. Pero meron ding disadvantages.
Advantages:
- Di ako masyadong tatawagin para sa recitation, a.k.a. opinyon ko sa mga bagay-bagay, lalo na pag wala akong maisip na opinyon;
- Keber niya kung ano ang opinyon ko kaya magpapaka-polite na lang siya na tanungin ako para hindi ako maetsapwera. O di ba, siya ang nag-effort, hindi ako;
- Hindi ako mag-eeffort na chumika sa kanya dahil hindi naman kami magkakilala.
Disadvantage/s:
- Hindi agad ako maiisip kapag may new project.
Parang, kahit iisa lang ang disadvantage, 'yun ang pinakamabigat, ah.
What the heck! Makikilala rin niya 'ko balang araw. Hindi man ako ma-PR, makikilala't makikilala rin niya 'ko. Talent na lang ang labanan. Hehehe!
Dahil it's officially Year of the Rat na, naisip kong tignan ang Chinese Sign ko. Rooster ako. Hinahanap ko pa kung susuwertihin ako this year. Ia-upload ko na lang later, mabagal mag-load eh. May nakita kami ni Dindz, my new headwriter, na fireworks kanina nung kumakain kami ng dinner sa Lut's. Ganda! Kaso di ko na-picture-an.
Si Dindz ang sumulat ng pelikula ni Juday at Piolo na "Don't Give Up On
Us". Ye! Name-dropping! Hehehe!
Ang kinis pala sa malapitan ni Philip King. Hehehe! Intsik na intsik. Ka-team namin siya sa bagong show. Masarap sana pagnasaan kaso may girlfriend na. Tsk!
Ang tagal naman ng barkada trip namin sa Baguio! Last week of Feb pa. Waaah!!! Gusto ko na ng bakasyon! (bakasyon na agad eh 'no, wala pa ngang trabaho)
Hay...
Tuesday, February 5, 2008
Mula sa Baul.1
“Ang sarap magka-work.” ‘Yan ang sabi ko dati pagka-graduate ko noong 2002. Syempre, may sariling pera na, wala nang curfew, makakagimik na ng todo (although gumigimik naman kami ng barkada dati, hihingi nga lang ng pang-gimik kay Mama o Papa), pwede nang mag-boyfriend (pwede rin naman dati,
pero syempre ngayon, mas marami nang pagpipilian at mas yummy pa, imagine!). No
assignments, no term papers, no exams, no recitations. Yehey! Kaya, a week after
grad, job-hunting na kami ng barkada.
First target: Ang business district na sosyal — Makati (yes, feeling office/working girls). Tip: Wag magmataas na takong. Kumusta naman kasi ang mahahabang kalsada ng Makati? At ang akyat-baba sa underpass? At ang madalang na jeep at bus na nasa main road lang? In fairness, pinanindigan ng Makati ang pagiging sosyal, ang jeep nila, aircon!
Nakaistasyon ang mga jeep na aircon na dadaan sa kahabaan ng Ayala sa ilalim ng
MRT Ayala Sation (o ‘di ba, parang expert!). Anyway, wala akong luck sa Makati.
Pa’no naman, di namin alam na ang na-attend-an naming seminar ay magbebenta pala
kami ng encyclopedia. Kapag nakabenta kami ng isang set, saka pa lang kami
matatanggap. Tama ba naman ‘yon?
Para ring ganito ang nangyari nung
mag-apply ako sa Monumento. Ganung-ganon din ang nakalagay sa classified ads.
Wanted: Masscom graduates. Position: Office Clerk. Ayos sana kasi malapit lang
(Bulacan pa ‘ko nakatira, at least one ride na lang, di tulad sa Makati). So, go kami ng friend ko. Kaso mo, pagdating namin dun, eh di interview ‘di ba, tapos pinapasok kami sa isang room kung saan may nagle-lecture tungkol sa produkto ng kumpanya. Maya-maya, may pumasok na taga-HR at tumawag ng mga pangalan. Aba, di na pala sila tanggap. Nakahinga kami ng malalim ng friend ko, pasado kami sa interview. Yehey! Ting! End of Round 1.
Round 2. Sabi ng lecturer, kailangan daw naming ibenta ang produkto nila. Kahit installment ang bayad. Kahit sa mga kamag-anak na lang. Sasamahan daw kami ng mga Sales Reps na tutulong sa’ming mag-explain ng produkto. Ano ang produkto? Water purifier. Ano ba naman ‘to?! Ting! End of Round 2.
Ayos talaga ang mga classified ads.
Ang dami kasing prospects. Kung di ka mapili, magkaka-work ka talaga. Saka, iba
rin ang entertainment value nito. Example:Wanted: Accounting graduate.
Female. Stay-in. Single. No experience needed.
(Ba’t kaya ganon?) Joke lang po!
Nakasakto ako ng ad na ganito ang sinasabi: A Meycauayan-based company is in need of writers. Ayos. Writer daw at sa Meycauayan pa. Sa amin ‘to. Pero ang interview, sa Maynila gagawin. Ok lang. Ayun, pasado naman. School na may publishing house pala ang napasukan ko. Writer ako ng textbooks na
pang-elementary. English ang pinatira sa ‘kin. Di ko rin naman natapos dahil pinagawa naman ako ng Science magazine. Sige lang, kahit walang masyadong alam sa Science. Buti na lang pang-grade one, hehehe! Di rin nai-publish ang magazines. Ginawa naman akong proofreader. Isang taon din ako dun. Kaso gusto ko pang mag-grow (aka: mag-work sa Manila), kaya apply naman akong Editorial
Assistant sa Maynila, ‘yung may school din, pang-college naman. Proofing at editing din ang ginawa ko. Di na ni-renew ang contract ko kasi sabi nila magsasara na raw. Pero matagal pa bago sila nagsara. Naisip ko na lang, siguro
kasi panay ang late ko kaya ayaw na nila sa’kin, ayaw lang nilang ma-hurt ako.
Ewan ko ba. Parang tinatamad na ‘ko sa pag-eedit. Dumarating yata talaga
sa point na magsasawa ka sa ginagawa mo kahit ang ganda na ng kumpanyang
pinapasukan mo. Tapos parang routinary na lang ang lahat. And I was just 22.
Isang araw na nakatambay ako sa bahay, nakita ko sa isang ad sa TV na may scriptwriting workshop daw sila at si Ricky Lee ang mentor. Go ako. Imagine, Ricky Lee! Imagine, libre! Pagdating namin ng friend ko, ang number namin ay 1751 at 1752. Patay tayo diyan. Bilang pala ito ng mga taong nagpalista. Grabe, parang pila sa Wowowee. Tsk, tsk. Pero nagtyaga talaga kaming maghintay, pumila sa initan (para saan pa ang training natin sa Pila Uli Pila University ‘di ba?
Kaso, mahirap sumingit kasi by number eh). After ng essay-writing (written exam)
at interview (pawi ang pagod dahil sa cute na interviewer, mukhang model!), after two weeks ay tatawag daw sila kung pasado. Di na kami umasa kasi sa dami ba naman ng nag-apply, 3,000 plus yata, ay 30 lang ang kukunin. Good luck na lang sa ‘ting lahat. Pag-uwi ko sa bahay, tinignan ko ang image ni Jesus sa
pader. Nakangiti siya. Nalungkot ako. Malapit na ang pasko.
Pero, oo, tama kayo. Tinawagan nga ako. At si Ricky Lee talaga ang kumausap sa’kin.
Na-starstruck ang lola n’yo! Speakless talaga, phone pa lang ‘yun a (sadya po ito, kahiya naman, Journ pa naman ako, hehe!). Wala akong nasabi kundi, “talaga ho?” at “thank you ho.” Pagbaba ko ng phone, talon ako ng talon, sumisigaw pero walang boses, di ko mapigil. Si Ricky Lee! The Ricky Lee! Astig! Tinext ko ang
parents ko na nasa trabaho. Textback si Mama: Congrats! Alam mo ba pinag-pray
kita para makapasa ka dun. Lumabo ang paningin ko.
Ayun, two months din niya kaming tinuruan ng techniques sa pagsusulat ng soap opera. At sa bahay pa niya kami nagwo-workshop. Pwede kaming manood ng mga luma at foreign films na collection niya. Pwede kaming magbasa ng mga librong collection din niya. Pwede
kaming magbilyar. Pwede kaming makinood ng TV niya. Kung nakakahawa lang sa
pamamagitan ng paghawak sa mga gamit ang galing sa pagsusulat, hawang-hawa na
siguro kami. Napakabait, napaka-humble at hindi maramot sa kaalaman si Sir Ricky. Enjoy na enjoy ako. Feeling ko, nabuhay ang kagustuhan kong magsulat. Medyo naghingalo kasi siya nung na-frustrate ako at tinamad sa previous jobs ko. Pero ngayon, I felt revived. Ito na ang simula ng showbiz career ko! Ye!Parang 80s barkada movie ‘no? Parang Bagets nina Aga Muhlach. Si Jake Tordesillas na writer ng pelikulang Bagets naging mentor ko rin pagkatapos ng workshop at napasok na ‘ko sa show nina Robin at Juday (ayos sa name-dropping ‘no?). Isa ako sa mga huling in-assign-an ng show. Brainstormer ako. Buti na lang, trip ko ang show (namili pa eh ‘no?).Seq. 1.1. INT. HAGDAN SA TABI NG ISANG ROOM SA MASKOM. DAY.
Nakatambay ang mga sophomores na Barkadang Aanim-Pipito. Breaktime.
BERN (nagpapaypay)
Pagka-graduate natin, ano kayang papasukan nating
trabaho? Magkakasama pa kaya tayo?
GRACE (hinahaplos ang tutyang sa
buhok)
Ang hirap kasi sa Journ, napaka-broad. Kahit ano pwedeng pasukan kasi
lahat naman ng opisina may PR o Public Affairs o Information Division.
NYMPHA (nagsusuklay)
Anong mahirap dun? Madali nga kasi maraming choices.
MARIANNE (nagli-lip gloss)
E di hindi na tayo magkakasama-sama! ‘Yun ‘yon! Labo talaga nito.
Mapapakamot sa bagong
suklay na buhok si Nympha.
WENG (nagpupulbos)
Gusto kong magsulat ng nobela, ‘yung tulad sa pocketbooks.
SHERIDAN
(hahalukipkip sa pamaypay na plastic at kulay blue) Basta ako mag-aartista.
COT (hahagikhik)
E di ako magbabanda.
AIMEE (ngingisi)
Maghanap na lang tayo ng mayamang papa para hindi na natin kailangan mag-work.
LESLEY (hahampasin sa balikat si Aimee) Oo nga no! Tama!
Tawanan.
EDEN (tatayo, titingin sa camera)
Basta ako, gusto ko magkapelikula.
SHERIDAN
Mag-aartista ka rin? Naman!
EDEN
(lilingon kay Sheridan) Sira!
(kakausapin ang camera) Gusto kong maging scriptwriter.
Tatayo ang lahat at mata-transpose ang eksena sa beach kung saan sasayaw ang Barkadang
Aanim-Pipito ng Rico Mambo.
Masayang experience ang magtrabaho sa isang TV station. Syempre proud ang parents at friends ko pag pinapakilala nila ako na anak o kaibigan nilang nagtatrabaho sa TV. Proud din ako kasi proud sila sa ‘kin. Nakakatawa kasi kasunod nun, sasabihin ng mga tao, “eh di ang laki pala ng sweldo mo.” Nakakatawa kasi sinasabi ko rin sa isip ko, “sana nga, ‘di ba?” Pero ayos lang. Hindi man tulad ng regular job na may regular salary, masaya pa rin ako kasi ito ang gusto kong gawin. This is the dream. To brush elbows and cheeks with the pillars of show business. Kung nasa-starstruck ang mga tao sa mga artista, ako sa mga tao behind the camera. (Plastic! Plastic!)
Mahirap ang showbiz. Dapat matibay ang sikmura mo. Dapat makapal ang mukha mo. Dapat pasensyoso ka, magtiyaga. Hindi ka dapat mareklamo. Slowly but surely. Payo yan ng headwriter ko sa Panday na ngayon ay writer na ng Pedro Penduko at ng bagong pelikula ni Vhong Navarro na Agent X44 (pakisuportahan po. Nag-promote!). Kaya eto,
nagtityaga at nagpapasensiya pa rin ako. Nariyan kasing maramdaman mo na parang
lahat sila hindi naniniwala sa kakayahan mo. Wala silang bilib. Lalo na pag di ka naman bibo tulad ng iba na ang galing sa presentation, ang gagaling magsalita. Pati tuloy ako, nagduda sa sarili ko. Hindi na ‘ko sure kung kaya ko ba talaga, kung may talent ba ‘ko sa ganitong larangan. Mag-quit na lang kaya ako. Buti na lang may isang nagtaas ng kamay at naniwala, ‘yung headwriter ko ngang si Galo. Kahit isa man lang ang maniwala, ayos na ko dun. Taob na ang lahat ng mga dumedeadma sa’kin. Ang mahalaga kasi, may nakakita ng talent ko. Na
may naniwalang kaya ko. Naniniwalang kaya kong mag-survive.
Oo, mahirap din na sa araw-araw, kailangan mong i-prove sa lahat na magaling ka. Pero ganon talaga eh, lalo na sa showbiz. Kasi isang mali mo lang ngayon, wala ka na bukas.
Kamalian mo na lang ang tatatak sa mga tao. Kahit naman sa ibang trabaho eh. Kahit sa buhay.
Naalala ko, sabi ng isang prof namin dati, acting lang yan. Minsan, nadadaan lang talaga sa acting ang lahat. Ipakita mong matapang ka, na kaya mo, na may alam ka. Pero siguraduhin mong lahat ng bibitawan mong salita ay kaya mong panindigan. Or better, kung wala kang sasabihing maganda, just shut up. Wag nang manghamak o mang-apak ng iba para umangat. Mas magaan kayang umangat nang may malinis na kunsensya, ‘di ba?
Hindi naman talaga ako pang-showbiz eh. Una, hindi naman ako maboka. Pangalawa, hindi ako lalaki (hehehe! Marami kasing bading na boss na magbibigay ng magandang opportunities.). Pangatlo, first time kong magsulat ng script (wala akong nakaimbak na mga story concepts sa baul). Pero handa akong magtanong at i-admit na wala akong alam. Handa akong matuto. Wala namang bayad magtanong eh. Kesa naman sa magdunung-dunungan ka tapos wala ka namang binatbat. Ang mahalaga naman talaga ay ang attitude. Magaling ka nga, bad ka naman. Madaling turuan ang matino. Mas tumatagal ang walang sungay. Hindi applicable ang masamang damo equals matagal mamatay. Pagdating sa career, kung bad person ka, nag-uumpisa ka pa lang, patay ka na, wala ka nang career. Patience, motivation, love for work at willingness to learn. Yun lang naman talaga ang technique. Ikaw lang ang makakapagturo niyan sa sarili mo. Walang school o workshop. Ikaw lang. Basta, go lang ng go, ayos ‘yon.
Monday, February 4, 2008
Multiple Choice
Pauwi na kami nina Jayson at Joy nung Friday galing sa gimik. Pagsakay ni Joy sa taxi, tinapik ko si Jayson, hinuli ko. Kako, dinidigahan niya si Joy. Deny naman siya, hindi daw, kung anu-ano daw ang iniisip ko. Maya-maya, nagtanong siya, ba’t ko raw nasabi. Haha! Huli ka, Jayson! Sagot ko, basta… ewan ko. Basta, bistado ko siya.
Akshooli, di ko rin talaga alam kung paano ko siya nabisto. Basta, naramdaman ko na lang. Naramdaman kong trip ni Jayson i-sex si Joy nung gabing ‘yon.
Nagkainuman kasi kami. Galing kami ni Joy sa thanksgiving party ng Lastikman. Si Jayson naman, nag-aayang uminom. Iniwan namin ni Joy ang party para makipag-inuman sa kanya. Sa Janero nangyari ang lahat.
Nagkukwentuhan kami ng mga kung anu-ano lang. Nung una, mga angst lang sa career. Pero naglaon, napunta sa sex ang usapan. Dahil nakwento ni Jayson ang tungkol sa one-night-stand niyang isang kolehiyala. Adventurous daw ‘yung girl. Suko na siya, game pa rin ‘yung isa. Tanong namin, bakit niya nagawa ‘yon eh may girlfriend siya. Wala lang daw. Ilang taon na rin naman daw siyang naging loyal sa gf niya. Parang gusto niyang tumikim ng iba. ‘Yung pwede niyang bastusin at iwan na lang like a hot potato. Hindi raw niya kasi kayang gawin ‘yon sa gf niya. Mahal niya ang gf niya kaya hindi niya kayang bastusin, lalo na sa kama. Tanong ko, di ba pwedeng gawin na lang niya ‘yon sa gf niya, ‘yung bastusin sa kama. Sabi niya, hindi pwede, kasi naroon daw ‘yung paggalang. Adventurous daw kasi siya, gusto niyang mag-try ng iba-ibang posisyon. Syempre daw ayaw daw niyang gawin ‘yon sa gf niya kaya sa iba na lang. Kawawang gf, naisip ko, hindi niya mararanasan ang adventures of sex dahil ginagalang siya ng bf niya. Labo naman nun.
Hanggang sa nagkatanungan. Na-try na daw ba namin magka-one-night-stand. Syempre, dahil ako’y isang proud virgin, sabi ko, wala pa ‘kong ganong experience, bukod sa hawakan experience ko sa Galera. Iba naman ‘yon sa sex. Sabi ko, gusto ko munang maka-experience ng sex na may love. Tapos saka na ako e-experience ng walang love, ‘yung libog lang. Mas experienced sa ‘kin si Joy. Na-try na raw niya. At hindi rin naman niya alam ang difference. Ano daw posisyon ang gusto namin. Syempre, etsapwera na ‘ko dun. Si Joy, sabi niya, kahit ano. It doesn’t matter. It’s the performance daw. I couldn’t agree more, tama siya. Nagma-matter daw ba ang laki. Ganon din ang sagot ni Joy, maging ako. Wala sa laki o liit. Nasa galing. Tatango-tango lang si Jayson. Experimental daw siya pagdating sa sex. Ngayon ko lang ‘yon nalaman. Wala kasi sa itsura. Parang ang conservtive niya kasi.
Kung magkaka-threesome experience daw kami, anong gusto namin, dalawang lalaki o babae’t lalaki. Kay Joy, dalawang lalaki basta hindi diya ang tatrabaho. Ako, lalaki’t babae, kasi gusto ko ma-try both sexes. Sabi ni Jayson, sabi na nga ba niya, may lesbian tendencies daw ako. Bakit naman, eh sa ayokong mahirapan sa dalawang lalaki. Ayokong ma-sandwich. Of course, si Jayson, dalawang babae ang gusto. Wala pa siyang experience sa bading, at ayaw niyang ma-experience.
Tapos, napansin kong lahat na ng mga tanong directed na kay Joy. Joy, ikaw, anong gusto mo… Joy, ikaw, mas gusto mo ba ‘yung ganito o ganyan… Napansin ko ring malagkit na ang mga tingin ni Jayson kay Joy. Meron na ring kilitian involved. Nakiki-butt in na lang ako para join pa rin ako sa usapan pero feeling ko, hindi na importante ang mga sagot ko. Ang nagma-matter na lang ay ang mga sagot ni Joy. Tinry din akong kilitiin ni Jayson nung nagkakatawanan. Hindi ako gumanti, unlike Joy na lumalaban. Dito ko na napansin na may something. Libido-clashing. Gusto ko na ngang umalis dahil feeling ko nakakasagabal ako sa flirting nila dahil nahihiya sila sa ‘kin. Naging privy na rin si Jayson sa mga tanong, like, ‘yung tungkol sa past relationship ni Joy sa ka-batch din namin. Kung magaling daw ba at malaki. Sabi ni Joy, performance level daw. Na-feel kong parang na-threaten si Jayson. Momentary lang ‘yon, tapos go na uli siya sa pagfi-flirt. Nagtatanong na rin si Jayson kung saan umuuwi si Joy at kung sinong kasama niya sa bahay. Paulit-ulit, pina-paraphrase lang. Dun na ‘ko naging sigurado sa feeling ko—na trip niya si Joy nung gabing ‘yon.
Kaya nung pauwi na kami, kinantyawan ko siya, at na-confirm kong tama ang hinala ko. Na-cute-an daw kasi siya sa pagshi-share ni Joy ng sex life nito. Ang galing ko daw at nahalata ko ‘yon.
Naisip ko tuloy, utak-lalaki ba talaga ako at nabisto ko siya? O dahil babae ako at mararamdaman ko kung nagfi-flirt na sa ‘kin ang guy, like Jayson to Joy?
Hiningi ko sa kapatid ko ang opinion niya about it. Sabi niya, kung siya daw, hindi niya mahahalata. Sabi ko, parang mas madaling basahin ang mga guys dahil pare-pareho lang naman sila ng style. Mas nahihirapan akong mahalata ang girl kasi mas complex ang mga reactions niya. Pwedeng ngumingiti siya at nagre-respond dahil gusto niya ang ka-flirt. Pwede ring nagre-respond siya dahil nice lang siya at ayaw niyang ma-offend ang nangfi-flirt. O pwede rin namang hindi siya magre-respond at all dahil kadiri ang guy. Di ba, komplikado? Lahat ‘yon pwedeng tama. Di tulad sa guys, pag gusto, gusto, pag ayaw, ayaw. Walang multiple choice.
So, lesbiana ba ‘ko dahil utak-lalaki ako? Utak-lalaki ba talaga ako o malakas lang ang intuition ko? Ang lakas ng intuition ay isang trait ng girl, di ba? So, ano talaga? I’m confused!
Tinanong ako ni Jayson kung tingin ko daw ba eh trip din siya ni Joy. Maraming posibleng sagot. Hindi ko lang alam kung ano ang TAMA.